Prologue

7.1K 114 1
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Read at your own risk.

-----------

PROLOGUE

"Good Morning Teacher," sabay-sabay na bati ng mga istudyante sa akin.

Nginitian ko sila bago bumati pabalik.

"Good Morning. You may take your seats."

Nagsi-upuan silang lahat at umupo ako sa teacher's table. Kinuha ko ang class record para mag-tawag ng mga pangalan.

Unang araw ng pasukan at masasabi kong ako'y handa na. First day of school and it's also my first day as a Teacher in Grade One. Noong nakaraang school year kasi ay nasa Kindergarten ako.

I really love kids kaya isa iyon sa dahilan kung bakit ko ginusto ang pagiging guro.

"Aberes, Shan," tawag ko.

"Present Teacher," masiglang sambit ng istudyante ko. Napangiti ako dahil doon.

"Alcazar, Lyle," tawag kong muli.

"Present Teacher."

"Al...Alvarez, Luke,"

Napatingin ako sa apilyedong sinambit. Muling bumalik ang mga ala-alang pilit ko nang kinalimutan.

"Present po," sambit ng isa kong istudyante.

Napatingin ako sa istudyante nang marinig ang klase ng pananalita nito. His accent is far from being a Filipino. Or maybe he is a Filipino pero sa ibang bansa lumaki.

"May I ask?" I politely asked.

Marahan siyang tumango.

"Do you speak Filipin-" hindi ko pa man natatapos ang itatanong ay nagsalita na siya.

"Do I sound like I can?" He sarcastically said.

Nagulat ako sa inasta ng istudyante. He looked irritated.

"Mr. Alvarez, it is not good to talk like that to your teacher," pag-aaral ko sa istudyante.

Hindi niya lamang ako pinansin at pinaglaruan ang pencil case sa harapan. Pinalagpas ko iyon dahil unang araw ngayon ng pasukan at hindi ko pa masyadong kilala ang bawat istudyante.

Pagkatapos kong magtawag ng pangalan ay pinakilala ko ang sarili ko at gayundin ang ginawa ng mga istudyante. It's the usual thing when it's the first day of school.

"I'm Teacher Savireign Lyn Cuevas Fuego. You can call me Teacher Savi," pagpapakilala ko.

"Hi Teacher Savi," sabay-sabay na sambit ng aking mga istudyante.

I looked at the kid na kanina ay nagpakita ng attitude niya sa akin. He's still looking at the pencil case intently, na parang galit na galit siya dito.

The bell rang and that means recess na. Since the school is private ay kaniya-kaniyang dala ang bawat istudyante ng kanilang mga snacks.

Habang kumakain ang mga bata ay naupo ako sa teacher's table at nagsimulang ayusin ang mga gamit ko.

"Psstt Teacher!"

Napalingon ako sa pintuan ng classroon at nakita si Klara na kapwa guro ko rin at classmate ko sa college. She's actually my bestfriend.

Tumayo ako at lumapit sa pintuan.

"Kumusta first day?" Tanong ko sa kaniya.

Nakita ko ang pagpalit ng ekspresyon niya mula sa masigla at ngayon ay biglang tumamlay. Natawa ako sa mukha niya.

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon