Chapter 5

2.3K 45 1
                                    

"Uhmm miss?"

Bigla akong nahiya sa ginawa nang mapagtanto kung gaano ka kahihiyan ang ginawa ko.

"Oh my gosh! Savi!" Hindi makapaniwalang sambit ni Katelyn.

"Sorry. I thought your my b-boyfriend. Pasensya na," panghihingi ko ng paumanhin sa lalakeng sinandalan. Gumawa pa ako ng dahilan. Jusko!

"It's okay," nakangiti nitong sambit.

"Ohhhh...bro you didn't tell us you got a girl?" Mahinang sabi ng katabi nito. I did not mind it though at muling tinignan ang Alvarez na iyon. He's now gone. Saan na siya nagpunta?

"Kate? Pwede next time nalang tayong manuod?" I asked Katelyn pero hanggang ngayon ay nakatakip parin ang kamay niya sa kaniyang bibig.

"Sav!" Pinigilan niya ang sariling hindi lakasan ang boses at lumapit sa may tenga ko.

"Tell me you're not flirting to a random guy! God Savi!" Gulat niyang sambit.

"I know. I'm sorry," I apologized. Halos hindi na nga ako makatingin sa gilid ko eh dahil sa kahihiyan.

"Omg! I'm so proud of you! You've changed!" Sabi niya at bigla akong niyakap.

Huh? Nalito ako sa reaksyon niya. Anong nakakaproud doon? It's embarrasing!

"Tara na Kate," pagyaya ko sa kaniyang umuwi. Hindi naman siya pumalag at lumabas na nga kami sa sinehan.

Paglabas na paglabas namin ay bigla nalang tumili si Katelyn.

"Sav naman! Kung alam ko lang ede sana nagpaturo nalang ako sa 'yong magflirt! May boyfriend na sana ako ngayon," nangingisi niyang sambit.

I playfully kicked her foot dahil sa sinabi.

"I needed to do that okay? Let's say emergency lang," sabi ko.

"Okay. Sabi mo e," sabi niya pero halata namang hindi siya naniniwala.

Dahil hindi na kami natuloy sa sine ay dumiretso nalang kami sa pagshopping. We entered penshoppe at ang bruha walang hiyang sinira ang mga nakatuping damit doon. May mga nakahanger naman pero gusto niya raw doon.

"Binibigyan mo lang ng trabaho ang mga sales lady eh," I whispered at her.

"Eh trabaho naman talaga nila yun!" Sabi niya at umirap.

She was just unfolding clothes at wala namang binili ni isa doon. Wala rin naman akong nagustuhan kaya sumusunod lang ako sa kaniya. In the end, lumabas kami ng walang binili. Masamang nakatingin tuloy ang mga sales lady sa amin. We're probably a burden.

"Dito tayo," hinila nanaman ako ni Katelyn sa isang jewelry store. She loves window shopping. Mas gusto niya kasing umorder sa online. I don't get it why she has to compare online and here kung gayun ay magkaparehas lang naman ito.

"Tara na. Wala akong mapili," sabi niya.

"Bili muna tayo ng make-up. I needed one for my collection," sabi niya. Hindi na rin ako umalma dahil gusto ko ring bumili. Sa huli ay make-up lang talaga ang nabili namin sa halos dalawang oras na pag-iikot.

I looked at my wrist watch at alas tres na pala. Nasa labas na siguro ang driver namin.

"Tara na? Let's go home," pag-aaya ko.

She didn't complain though dahil halata na sa mukha niya ang pagod.

Nang makarating kami sa parking lot ay wala pa ang sasakyan namin so I took my phone out at tinawagan ang driver namin.

"Kuya where are you na po?" Tanong ko sa kabilang linya.

"Sorry Ma'am. Traffic po kasi," sagot nito.

"Oh! Okay. Take your time po," I politely said.

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon