"Ang saya mo a."
Natigilan ako sa pag-iisip nang marinig ang sinabi ng aking kaklase.
"H-huh?"
"Kanina ka pa ngiti nang ngiti e. May lovelife ka na 'no?" Tukso niya sa akin.
Uminit ang pisngi ko sa narinig.
Matthew and I haven't labeled our relationship yet. Dahil kasi sa sinabi niya kanina ay bigla akong nahiya kaya tumalikod ako at naglakad na parang lumulutang papasok ng paaralan.
Umiling ako bilang sagot sa kaklase.
"Sus! Nahihiya ka pa," sabi niya saka ako iniwan.
Kaya naman buong klase ay inspiradong-inspirado akong makinig sa guro namin.
I'm participating every activity. At hindi yata nakaligtas ang inaakto ko sa aking mga kaklase.
"Ang saya mo Savi a," puna ni Rey. Lalakeng kaklase ko.
"Ah...wala lang 'to. Maaga kasi akong nagising kaya siguro...ganun." Pagpapalusot ko.
"Baka na-crushback kaya ganiyan," tukso ng isa ko pang kaklase.
"Ayieee!" Tukso ng ilan.
"Ako kaya? Kailan ako magkakajowa?" Tanong ni Love na isa rin sa mga kaklase kong babae.
"Sagutin mo na kasi ako Love," sambit naman ni Rey na siyang ikinatawa naming lahat at nagkantyawan narin ang ilan.
I never felt this happy in school.
Nang mag-lunch na ay nagtext sa akin si Katelyn na mag-lunch raw kaming dalawa nang sabay sa Canteen. I agreed and texted back.
Pagdating ko sa canteen ay nakita ko si Katelyn na mag-isa sa isang lamesa kung saan kami madalas na umuupo.
"Kate!" Tawag ko.
"Sav! Mabuti't narito ka na. Kanina pa ako dito e," reklamo niya habang nakanguso pa.
"Sorry."
Naka-order na si Kate ng pagkain kaya naman ay hindi na ako bumili pa.
Kumain ako kaagad pagkaupo dahil gutom na ako. Masaya akong kumakain dahil kanina pa talaga ako gutom plus yung nangyari pa kanina.
"Saya mo a. May nangyari ba?"
Napahinto ako sa pag-kain dahil sa tanong ni Kate.
Biglang sumagi sa aking isipan ang sinabi ni Matthew kanina. Bigla tuloy uminit ang pisngi ko at napaiwas ng tingin kay Katelyn.
"Uy! Kilala ko 'yang mukha na 'yan! May nangyari! Sure ako!" Pasigaw na sambit ni Katelyn.
"Si Matthew ba dahilan ng mukha mong iyan?"
Gulat ko siyang nilingon.
"A-ah-"
Naputol ang sasabihin ko nang magsalita siya.
"Aha! Sabi ko na nga ba e. Bakit? Anong nangyari? Sinabi mo na?" Excited na tanong niya.
Ako naman ay nahihiyang tumango.
"Yieee. Talaga Sav?! Tapos ano? Anong sinabi niya sa 'yo?"
Dahil sa tanong niya ay napaiwas muli ako ng tingin dahil sa hiya. Nahihiya kasi akong sabihin kay Katelyn ang nangyari.
"Ano?!"
"M-Mahal n-niya r-raw a-ako," nauutal kong sambit.
"Omg!"
Napasigaw si Katelyn nang marinig niya iyon. Kaya naman halos lahat ng mga nasa loob ng canteen ay napatingin sa banda namin.
"So, kayo na?" Mangha niyang sambit nang makabawi.