"Reign anak," tawag sa akin ni Mommy.
Lumapit ako sa kaniya.
"Aalis muna kami ng Daddy mo ha? Dito ka muna. Okay?" Sabi ni Mommy sabay haplos ng buhok ko.
Nalungkot ako sa sinabi niya. Kakauwi pa nga lang nila kahapon tapos aalis na naman sila ngayon. Kahit labag man sa aking loob ay tumango parin ako. Naiintindihan ko naman kung bakit sila umaalis. It's for my future, alam ko iyon.
Hinalikan ako ni Mommy sa pisngi bago tumayo.
"Don't worry. We'll be back before your birthday. Malapit ka nang mag-sixteen anak," masayang sabi ni Mom.
Pilit akong ngumiti bago tumango.
"Bye po. Take care," sabi ko bago siya umalis sa silid ko.
I guess it's another lonely month for me. Pero kahit ganoon ay hindi ko hinahayaang malungkot ang araw ko. I would always go out with my friends. We would always shop together at kinahiligan ko iyon.
"Savi, jogging tayo bukas?" Si Katelyn nang mag-facetime kami.
Dahil wala naman akong gagawin bukas ay pumayag ako. Pagkatapos naming mag-facetime ni Katelyn ay nag-halfbath ako dahil gabi na at kailangan ko nang matulog.
I would always convince myself na dapat maaga akong matulog kung ayaw kong magka-pimples. Everytime I see my classmates with pimples ay hindi ko gustong maranasan iyon. Palagi akong nanonood ng mga videos online to keep my skin clear. Iyon ang pinagkaabalahan ko.
I am an only child kaya mag-isa lang talaga ako sa bahay bukod sa mga katulong namin. Mailap rin naman sila sa akin dahil siguro pinagbabawal ni Mommy kaya wala akong masyadong nakakausap.
I woke up early than usual dahil magj-jogging nga kami ni Katelyn. Nang lumabas ako sa kuwarto ko ay wala akong makitang kasambahay para sana magpaalam na aalis ako. Siguro tulog pa sila.
Maingat kong sinara ang back door upang hindi mag sanhi ng ingay.
Nang makalabas ay hinagilap ko ang earphone ko upang makinig ng music habang nagj-jog.
I checked my phone to see Katelyn's text but there was none. Akala ko ba 5 AM sharp? Mukhang late pa ata ang gaga.
Habang naghihintay ay nag-warm up muna ako. Pero halos twenty minutes na ang nakakalipas at wala parin si Katelyn. Don't tell me nakalimutan niya?!
I inhaled a large amount of air bago nagpasyang mag-jogging nalang nang mag-isa.
I murmured the lyrics of the music I am listening to habang tumatakbo. Hindi ko na namalayan na malapit na pala akong makalabas sa subdivision. Agad akong lumiko para bumalik.
Nang papaliko na ako ay hindi ko namalayan ang naka-usling bato kaya napatid ako.
"Shit!" I cursed.
Napatingin ako sa aking tuhod na medyo may gasgas na. Putek! Bakit ba kasi nag-shorts ako. Ayan tuloy!
Hinay-hinay akong tumayo at umupo sa may malapit na bench. I checked my wound na dumudugo ng kunti. Tinitigan ko ito ng matagal sa pag-iisip kung paano ko ito gagamutin. Nagpasya akong umuwi na lamang para sa bahay na gamutin. Naglakad na lamang ako pabalik sa bahay.
Habang naglalakad ako ay halos mapatalon ako sa biglaang pagbusina ng isang sasakyan.
"What the!" Sambit ko.
Galit akong bumaling sa kung kanino mang sasakyan iyon. Lumagpas iyon sa akin at nanlilisik ko itong tinitigan.
I'm having my peaceful walk here tapos sisirain lang niya? Tss.