Chapter 7

2.1K 49 0
                                    

"Omg! Savi nandito ang fiancee mo! Uuwi na ba ako? I think I should really go. Bye," hinalikan ako ni Katelyn sa pisngi at agad na umalis. Ni hindi ko na siya napigilan dahil hindi parin maproseso ng isip ko ang nangyayari.

That Matthew is here?!

Nang makaalis si Katelyn ay nanatili ako sa aking kinatatayuan.

Anong? Bakit? Bakit narito siya? Wala namang sinabi si Mommy sa akin kahapon ah?

Dumiretso ako sa kitchen habang lutang na iniisip ang mga nangyayari.

"Maam Savi? Tatawagin ko po ba si Sir Alvarez para sabay na kayong kumain?" Tanong ni Berta na agad kong iniling.

"No! I'm sure tapos na siyang kumain," sabi ko. Yumuko si Berta at umalis.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kung sabay kaming kumain. Kahit kailan hindi ako komportable tuwing nariyan siya.

Pagkatapos kong kumain ay dumiretso ako sa kuwarto ko. Papaakyat ako sa hagdanan ay narinig ko ang boses ni Matthew.

"Yes Tita. Don't worry," rinig kong sabi nito.

Is that Mom?! Dali-dali akong pumasok sa kuwarto na kung nasaan si Matthew. Nakita ko ang pagkabigla niya nang makita akong papasok. Agad akong lumapit sa kaniya at hinablot ang cellphone nito sa tenga.

"Hey!" Sigaw niya nang hablutin ko ang cellphone niya.

"Mom! Why is this man here? I don't need a nanny. I'm not a baby anymore!" Reklamo ko kay Mommy sa kabilang linya.

"Anak, wala kang kasama diyan kaya tinawagan ko na si Matthew para samahan ka," mahinahong sambit ni Mommy.

"I don't need anyone Mom!" Paulit-ulit na reklamo ko pero bigla nalang akong pinatayan ni Mommy.

I cursed when I realized na hindi babawiin na Mommy ang sinabi niyang dito muna titira ang Matthew na ito.

Tiningnan ko ng masama si Matthew at patapon na ibinalik sa kaniya ang cellphone niya. Aalis na sana ako nang magsalita siya.

"I'm not your nanny," sambit nito.

"Who are you then? My guardian?" Sabi ko habang nakataas ang aking kilay.

He muttered curses bago nagsalita.

"Obviously, I'm your fiancee. Hanggang ngayon hindi mo pa ba alam iyon?" Sabi niya na parang pagod na pagod nang kakaulit na fiancee niya ako.

"Sino ba kasi ang nagsabi sa 'yo na ako ang piliin mong pakasalan? I'm just having my normal life here tapos...tapos dumating ka! Now it's miserable!" Singhal ko.

"Do I look like I have a choice? I don't like you. You're too young for me-"

"And your too old for me either," pagpuputol ko sa sasabihin niya.

"Look Reign-"

"Stop calling me Reign. It's disgusting," sabi ko.

I don't like him calling me that name when in fact he's not that close to me.

"Miss Fuego, I don't have a choice but to marry you. It's for the betterment of both companies. Don't you like that?" Sabi niya na parang hindi ko alam ang mga iyon.

"Fuck companies! Fuck engagement! Fuck you!" Sigaw ko at hindi na napigilan ang sarili.

"Watch your words miss," seryoso niyang sambit.

I don't usually use this words but for him I think I'd use this almost everyday when I'm with him.

"Ang mahalaga lang kasi sa inyong mga businessman ay pera, kompanya, and whatever related to that fuckin' business. You'll do everything just to lift your business up. Hindi ka pa ba kontento sa anong meron kayo? Sa anong meron ka?!" I shouted at his face trying to make him understand my words.

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon