Chapter 12

1.9K 36 1
                                    

"What did you say?"

I froze when I realized what I did. Shit!

"A-ahhh...e-ehhh..."

Nangangapa ako ng salita ngunit walang maayos na lumabas sa bibig ko. Nakita ko ang pag-iba ng ekspresyon niyo. It was like he had a relief when I said that. Pinagtaasan ko siya ng kilay.

What?

"For me? Are you fantasizing me Reign, kaya bumili ka nito?" I saw his lips rose a bit while saying those words.

Kapal!

"Of course not!" I exclaimed.

"Hhmm, talaga?" Sabi niya at sumilay ang mapanuyang ngiti.

"Fine! Kung gusto mo n'yan ede sa 'yo na. I don't need it anyway," sabi ko at tinalikuran na siya.

Mabilis akong umakyat sa kuwarto sa pag-aakalang baka sundan niya ako. Nang makapasok ay doon ko lamang naramdaman ang mabilis na kalabog ng dibdib ko. Kaya naman ay napahawak ako doon. Mamaya ko nalang siguro kukunin iyong librong iyon kapag tulog na siya.

Pinahatid ko sa kuwarto ko ang aking pagkain. I'm not ready to face him 'no!

Habang kumakain ay iniisip ko parin ang mga libro. Nagbabasa kaya siya ng ganun? Natawa ako sa naisip. Probably not. Baka nanonood lang. I shrugged at nang matapos kumain ay tinawag ko na si Berta upang kunin ang pinagkainan ko.

Sumulyap ako sa orasan. Mamayang hating-gabi ay papasok ako sa kuwarto ni Matthew at palihim na kukunin ang mga libro. I'm sure he's sleeping at that time.

Habang naghihintay ay pasulyap-sulyap ako sa labas kung tulog na ba lahat ng mga kasambahay. Dahil sa paghihintay ay inantok at nakatulog tuloy ako. Nagising ako nang tumunog ang cellphone ko. Mabuti nalang at nag-alarm ako kanina.

Hinanda ko na ang sarili ko sa gagawin. Hinay-hinay kong binuksan ang pintuan at palihim na tumungo sa harap ng pintuan ng kuwarto ni Matthew. Unti-unti kong pinihit ang doorknob at halos mapatalon ako sa saya nang malamang bukas ito.

Hindi pala siya nag-l-lock?

Nang tuluyan ko nang mabuksan ay kita ko agad ang silid na tanging lampshade lang ang ilaw.

Inikot ko ang paningin ko at hinanap kung nasaan ang mga libro. Nakita ko siyang mahimbing na nagtutulog. I can't see his face from here dahil madilim but I'm sure he's sleeping tight dahil banayad ang paghinga nito.

Pumunta ako sa isang lamesa sa gilid niya. Wala akong nakitang libro. Nasaan kaya iyon?

Sinubukan kong hanapin sa isang bookshelf pero wala talaga.

Saan niya ba kasi tinago iyon? Or baka naman hindi niya dinala sa dito sa kuwarto niya. Baka nasa sala lang? Nagpasya nga akong lumabas.

I tiptoed while walking near the door. I opened it pero nagtaka ako na hindi ko mabuksan iyon. Pinihit ko ang doorknob. Bukas naman iyong doorknob pero bakit 'di ko mahila? What's wrong with this door?

Inangat ko ang paningin at nahanao ang dahilan kung bakit hindi ito mabukas. Nakita ko ang isang kamay na pinipigilang bumukas ang pinto. I traced where it came from at nakitang galing iyon kay Matthew.

Kay Matthew?!

Napatalon ako sa gulat nang makita siya.

Gising siya? I get caught! Shit.

"What are you doing here in my room?" He said using his husky voice.

Nangapa ako ng salita.

"H-Hindi ko naman k-kuwarto 'to. This the guestroom not y-yours," nauutal kong sambit.

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon