Dahil sa nakita ay agad kong nasarado ang pinto.
What the hell! Ginagawa nila iyon sa trabaho?! So unprofessional.
Mabilis akong naglakad pabalik. I'm young but I know those kind of things. I'm not that innocent.
Agad kong pinindot ang button ng elevator. Ilang sandali lang ay bumukas ito. As usual, marami nanamang sakay na mga empleyado kaya naman ang ilan ay nagsialisan.
Bago pa man ako makapasok sa elevator ay bigla na lamang may humila sa akin. Nakita kong nakahawak si Matthew sa kamay ko.
"To my office," sabi niya.
Hindi ako nakapalag dahil biglang bumuhos ang napakaraming imahinasyon sa aking isipan.
What if, araw-araw naman talaga silang nag-ga-ganun ng sekretarya niya? At ang malas ko dahil naabutan ko iyon ngayon.
Hila-hila niya ako papunta sa opisina niya. Tiningnan ko ang kamay niya. Bigla akong napangiwi sa naisip. Paano kung... agad kong iniling ang ulo ko.
Nang makapasok kami sa opisina niya ay agad niya akong hinarap.
"Anong ipinunta mo rito?" Tanong niya.
Tumingin ako sa paligid at nakitang wala na roon ang sekretarya niya. Naistorbo ko ba sila?
"Reign!" Napatalon ako nang tawagin niya ako gamit ang aking pangalan.
"Ah, i-ibibigay k-ko sana 'to sayo," sabi ko sabay bigay sa kaniya ng phone niya.
"Naiwan mo e. Ang sabi ko kay Berta na ako nalang ang maghahatid t-tutal may lakad naman ako," sabi ko kahit wala naman talaga akong lakad. Excuse ko lang iyon.
Kinuha niya ang cellphone niya at isinuksok ito sa kaniyang bulsa. Pasulyap kong tiningnan ang pantalon niyang wala namang bakas ng...kung ano.
Napapikit ako dahil sa naisip. I silently scolded myself for thinking those kind of things.
"Ah...alis na ako," paalam ko sabay talikod.
"Wait, hatid na kita," sabi niya na siyang ikinagulat ko. Hindi ako agad nakatanggi kaya naman ay hindi ko na siya napigilan.
Habang nasa loob kami ng elevator pababa ay palihim ko na tinext si Katelyn.
Ako: Kita tayo please. I'll text you the address.
After sending a text to Katelyn ay agad rin naman siyang nagreply.
Katelyn: K :)
Napahinga ako ng maluwang. Mabuti naman at pumayag si Katelyn. My original plan was to stay in Matthew's office. Actually, gusto kong maglibot-libot sa kompanya nila but it turns out this way.
Pinagtitinginan kami ng ilan niyang empleyado habang tinatahak ang lobby.
"Good Morning Sir Alvarez. Good Morning Miss Fuego," the woman who was assigned in the front desk greeted us. Nginitian ko lamang siya habang tumango naman si Matthew sa kaniya.
Nang makapasok sa sasakyan ni Matthew ay agad niya akong tinanong.
"Where's the place?" He asked.
"Mall," simpleng sambit ko habang bumabalik ang nakita kanina.
He doesn't smell like it. Not that I know what it smell pero diba pag nag-ga-ganun ay may bakas ka naman talagang mahihinuha. Like for example, sweating! Tiningnan ko si Matthew at nakitang hindi naman siya pinagpapawisan. Was it the aircon? Or was I wrong?
"Why are you looking at me like I did something surprising?" Tanong niya habang nakatingin lamang sa daan. Agad naman akong umiwas ng tingin.
"A-Ah nothing," sabi ko. Refusing to answer his question.