Tiningnan ko siya ng maigi pero iniwas niya ang kaniyang paningin. May ipinapahiwatig ang kaniyang mga mata ngunit hindi ko alam kung ano ito.The night ended with a simple goodbye. Hinatid namin sila sa bulwagan at tinanaw ang sasakyan nilang papaalis sa bahay.
When I lay down my bed, ay muling nagbalik sa aking isipan ang mga sinabi niya. Sa pag-iisip ay nakatulugan ko ito.
Kinabukasan ay nagising ako na wala na sina mommy at daddy. Binuksan ko ang cellphone ko nang marinig itong tumunog. Numero agad ni mommy ang naroon.
"Mom?" Sagot ko.
"Anak, pasensya na at madalian. Papunta kami ngayon sa australia ng daddy mo. May kunting problema kasi sa isang branch doon. Pasensya na anak," sabi ni mommy sa kabilang linya.
"Okay lang po," sabi ko. Hindi na ako nagtaka dahil sanay na naman ako.
The call ended with a simple goodbye at palitan ng 'I love yous'.
Bumaba ako para kumain at bumalik rin kaagad sa kuwarto dahil narinig ko ang tunog ng cellphone ko.
Katelyn's number flashed on the screen.
Ano nanaman kaya ang kailangan nito?
"Hello?"
"Night out tayo later!" Maligayang bungad sa akin ni Katelyn.
"Ahh," nag-aalinlangan kong sambit dahil hindi ako sigurado.
"Mga barkada lang naman ni Jandrik ang kasama. Tayo-tayo lang ulit Sav," pangungulit ni Katelyn.
Sa huli ay pumayag ako.
"Sige. Anong oras ba?" Tanong ko.
"Great! Mamayang 9 pm. Kunin ka ba namin o magpapahatid ka ng driver niyo?"
Nag-isip ako. Sasabay nalang siguro ako sa kanila dahil tiyak kong matatagalan pa kami bago maka-uwi at ayaw kong maghintay ng ganoon katagal ang driver namin.
"Sasabay nalang ako sa inyo," sabi ko.
"Okay sige!"
Pinutol na ni Katelyn ang tawag pagkatapos naming magpaalam sa isa't isa.
Nitong mga nakaraang buwan ay palagi akong lumalabas kasama si Katelyn at minsan naman si Vince. Nagpaparty kami sa mga bar. Lahat sila ay mga nasa tamang edad na kaya naman ay pwedeng-pwede na sila. Hindi nga lang ako napapansin ng mga bouncer na minor de edad pa ako dahil hindi nalalayo ang aking pigura sa kanila.
My phone beeped. Binuksan ko iyon at nakita ang isang mensahe ni Vince.
Vince: See you later.
I didn't typed a text kasi hindi ko alam ang sasabihin ko. I want to clear things to Vince, pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan.
Kinagabihan ay agad akong namili ng susuotin para sa party na dadaluhan mamaya.
I chose to wear a white halter top at isang denim skirt. Sinuotan ko rin ng isang designer belt para mas magandang tingnan. Suot ko rin ang aking boots and I topped my halter top with a black leather jacket.
I tied my hair up at naglagay rin ako ng medyo dark na make up. This is my usual attire kapag nagc-club kami.
Sinuot ko ang aking seiko wrist watch and my personalized necklace. Sunod kong sinuot ay ang isang maliit na hoop earings. I then slide the lipstick on my lips bago nakuntentong tingnan ang sarili.
I smiled at myself in front of the mirror.
When I received a text from Katelyn ay hindi ko na iyon binasa dahil nasisiguro kong paalala iyon na nasa labas na sila.