Chapter 22

339 17 0
                                    

Serena's POV,

Dalawang buwan na nang huli kaming magkaday off. Nagkasakit pa si Vanessa kaya't hindi namin masyadong naenjoy. Kaya ngayon ay papasyal kami sa Amsterdam.

Noong una naexcite talaga ako pero noong nalaman kong kasama pala si Atlas dahil day off din nito sa kanyang duty sa palasyo ay napairap na lamang ako. Not that I don't want Atlas to be with us. I mean hello, ano ako? Third wheel?

"Serena, Picturan mo naman kami."

I groaned pero wala din akong nagawa kung hindi kuhanan sila ng litrato sa harap ng Van Gogh Museum kung saan maraming mga sunflowers.

Sige lang. Akbay pa more. Mukha akong chaperone sa date nilang dalawa. Binalik ko na kay Vanessa ang cellphone nya matapos ang ilang pictures.

"Buti na lang talaga sinama kita. May photographer kami." si Vanessa na nang-aasar.

Nang makapasok kami sa loob ay hindi ko mapigilang mamangha kahit wala naman talaga ako masyadong alam sa art. One thing's for sure though, you don't need to be an artistic person to appreciate Van Gogh's works. They were spectacular.

We spent two hours inside the museum. The paintings are beautiful amd extraordinary. Di na rin pala masama na nakasama ako sa kanilang dalawa. At least, I have a chance to see such masterpiece from a great artist.

After that, we went into a Seafood Restaurant Brassiere Bark just along Amsterdam. Syempre Vanessa likes seafoods and fish kaya't sya ang masusunod. Di na rin ako nagreklamo dahil libre naman.

"Captain Donovan" bati ng isang kakilala ni Atlas nang makapasok kami sa loob. Inilibot ko na lamang ang tingin ko. Halos lumuwa ang mata ko sa nakitang dish na bitbit ng isang waiter patungo sa isang table. Hindi dahil sa natatakam ako kung hindi dahil namangha ako sa garnish at pagkakaayos nito sa plato.

Naupo na kaming tatlo. Syempre silang dalawa yung magkatabi doon sa sofa tapos ako sa single chair sa tapat nila. Vanessa asked again for a picture.

"Huwag ka na mainggit. Alam ko namang nagdate din kayo noong birthday mo." pang-aasar ni Vanessa. I groaned at kinuhanan na silang dalawa ng litrato.

"Di ka man lang ba ngingiti Captain Atlas? Di ka ba masaya?" biro ko dito. Lagi na lamang nakapoker face eh.

"Smile handsome" si Vanessa na iniangat pa ang labi ni Atlas. That was supposed to ruin their moment eh. Lalo yata sila naging sweet. Tss.

I only ordered Salmon with Pesto Pasta and Lobster Bisque samantalang silang dalawa ay umorder ng King Crab Legs and Shrimp. Marami iyon. Si Atlas pa ang nagbabalat para kay Vanessa. Napapangiwi na lamang ako kapag nagsusubuan sila sa aking harapan.

Seth is quite busy now. His headquarter is still in Den Helder by the end of this month. Sa susunod na buwan pa ito malilipat sa Amsterdam. He is on duty because of a ship carrying drugs and cocaine na nasa parte ng territory na sakop nila. I just saw it on news this morning. I can't help but worry so much about him.

"Serena, don't worry. He's gonna be alright. Si Leander pa ba? Come on.  Kaya di kita iniwang mag-isa eh. Isinama na kita para di ka mag-overthink."

I just smile at Vanessa and excuse myself to go to the restroom. There's only two cubicles. Ang isa ay may nakahara dahil nga sira kaya't pumasok ako sa isa. While seating on the toilet, I heard the other cubicle opened.

Huh? Diba sira iyon? Pinilit ko yumuko para sana tingnan ang paa o kung may tao nga pero wala naman akong nakita. Dinalaw ako ng kaba kaya't minadali ko ang pagtaas ng aking pantalon. Habang ginagawa iyon ay napansin ko ang mumunting pag-ibo nang door knob ng cubicle ko as if the person doing it is teasing me.

The Calm After the Storm (Northern Trail Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon