Chapter 1

1.8K 52 1
                                    

Serena's POV,

I always love the sea. But when big waves start to approach, I ran back to the shore because I don't think I can handle its aftermath. It will either crashed me or drowned me. So I got contented on admiring it from afar.

I always admire the storm. I await for the lightning to appear and adore its beauty but still get startled when it becomes visible to the sky.

"Makakaranas ng mga kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa parteng hilaga ng Luzon. Asahan rin ang matindang pagbaha dulot ng malakas na ulan dala ng habagat na maglalandfall mamayang alas nuwebe ng gabi-"

Biglang naputol ang linya ng radyo na lumikha ng nakakarinding tunog kaya't dali-dali akong nagtungo roon para ayusin ang antenna nito.

Ngunit habang inaayos ko ito ay mas lalo lamang lumala ang tunog nito. Kung kanina ay paputol-putol lamang ang tunog ngayon ay tuluyan na itong nawala.

"Hala! Hoy! Hindi ako sumira sayo ha! Naku! Patay ako nito kay papa. Ito na nga lang pinagkakaabalahan nya."

Napasapo ako sa noo at piniling huwag na lamang itong pakialaman pa at baka mas lalo lamang masira. Itinuloy ko ang pagsimsim ng kape habang tinatanaw ang payapang dagat ng Basco, Batanes.

The sea is my escape in this reality. Like a breath of fresh air. And I always wonder what lies beyond the horizon. That thin line where the sea meets the sky.

Buong buhay ko, ang tanawing ito ang sumasalubong sa akin mula pagkagising sa umaga hanggang sa pagpikit ng aking mga mata sa gabi ngunit kahit kailan ay hindi ko ito pinagsawaan.

Dito ako pinanganak at kung dito rin ako mamamatay ay ayos lang sa akin. Joke lang. Ayoko pa mamatay no.

"Serena" tawag ni papa mula sa kusina. Kaagad akong bumalikwas sa aking kinatatayuan at nagtungo sa kanya.

"Papa. Magandang umaga po" bati ko sa kanya at hinalikan ito sa pisnge. Kaagad napawi ang aking ngiti ng may naalala. Hala! Ang radyo. Patay.

"May meeting akong dadaluhan sa kabilang bayan. Lahat ng opisyal ng Basco ay kailangang magtungo sa Mahatao. Sa tingin ko ay mahaba-habang diskusyon ito at baka abutin ako ng gabi pauwi pero kung gabing-gabi na ay baka sa kinabukasan na kami tutulak at delikado ang byahe." bilin ni papa na nagpaliwanag sa ekspresyon ng aking mukha.

"Opo papa. Ako na bahala dito sa bahay. Kapag nabagot ako liligo na lang ako sa dalampasigan. Huwag po kayo mag-alala mag-iingat ako. Di ako pupunta sa malalim. Tapos di ko rin sisirain rady-Babye po! Ingat!"

Kinurot ko ang aking sarili nang muntikan na akong madulas. Tiningnan ko ang reaksyon ni papa nakakunot lamang ang noo ngunit di kalaunan ay ngumiti na rin habang umiiling-iling.

"Ay sya tutulak na ako sa Mahatao. Ang ilaw-"

"Opo. Ako muna magbabantay sa lighthouse. Doon na rin ako magpapalipas ng maghapon. Hehe" putol ko sa sasabihin nito. Ayoko na humaba pa ang usapan at baka madulas na naman ako.

Matapos magpaalam ay tumulak na nga ito pabayan kasama ang iba pang tanod sa aming baranggay.

Naiintindihan ko naman ang miminsang pagtungo ni papa sa bayan lalo at obligasyon niya ito bilang kapitan ng aming baranggay. Masasabi kong ginagawa niya ng ayos ang kanyang tungkulin at mahal na mahal siya ng lahat ng tao dito sa amin.

Bumalik ako sa aking kwarto at muling tiningnan ang radyo sa aking harapan. Sa takot na baka mas lalong lumala ang sira nito ay pinili ko na lamang itong titigan kahit alam kong hindi ito maaayos sa simpleng titig lamang.

"Ano kayang gagawin ko sayo? Sabihin ko na lang kaya ang totoo? Hindi Serena! Maayos mo ito. Tinuktukan mo lang naman yan kanina diba? Tuktukan ko kaya ulit?"

The Calm After the Storm (Northern Trail Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon