Chapter 19

413 18 0
                                    

Serena's POV,

After an hour, Seth and I decided to go back to our suite. Char. Magkahiwalay nga pala kami ng suite.

I noticed that he's a bit off. Nararamdaman ko na parang malalim ang iniisip nya tapos paminsan-minsan pa syang lumilingon sa paligid. Weird.

Hinatid nya ako sa suite ni William at niyakap ng mahigpit bago pakawalan. Nakapasok na ako sa suite nang maalala ko ang cellphone ko na di ko pa pala nakukuha sa suite nya. Mukhang tulog pa naman si William kaya't lumabas muna ulit ako para pumunta sa suite ni Seth.

Nang makalabas ako ay nakita kong hindi pa nakakalayo si Seth. Nice. I was about to call him pero nagtungo ito sa hagdan pababa. Napakunot naman ang noo ko doon.

Bakit sya bababa eh nasa taas lang ng floor na to ang suite nya? What is he up to? Is he meeting someone? Perhaps.. Samanthine? Since she's here too..

I suddenly shrugged my thoughts away. Hindi naman siguro. Baka may aasikasuhin lang. Ano naman yung aasikasuhin nya? Ganitong oras? Madaling araw?

I know I shouldn't follow him pero di ko na napigilan ang sarili ko. I trust him too. I'm just.. curious.

I tailed Seth at nagtungo sa hagdan. Ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang nya kahit malayo sya. I can't see his expression but I notice him clenching his fist. May binabalak ba sya?

Nakalayo na kami sa hotel. Inayos ko ang coat ni Seth na suot ko pa rin hanggang ngayon dahil sa kakaibang lamig na nararamdaman ko. May halo kasing kaba kaya siguro ganito ang pakiramdam ko.

Napadpad kami sa isang eskinita na wala man lang katao-tao. Dahil nga madaling araw pa ay wala rin masyadong sasakyan na napapadaan. Madilim din ang paligid at tanging isang lamppost na patay-buhay lamang ang nagbibigay liwanag doon.

Honestly, it's creepy. Parang sa mga horror movies yung vibe. Hindi ko alam na may ganitong lugar pala dito sa London.

Nakarinig ako ng malakas na kalabog sa may bandang kanan ko. Tanging anino lamang ng dalawang tao ang natatanaw ko sa aking kinatatayuan. Kinailangan ko pang lumapit ng kaunti para maaninag ang mga mukha nila.

I froze when I saw Seth with a man. Tinitigan ko ito ng mariin dahil hindi pamilyar ang mukha nya. Hindi sya kasama doon sa apat na lalaking sumunod sa akin noon sa Manila. That even scared me more. Kung gayon ay hindi lamang pala ang apat na hinayupak na iyon ay nagtatangka sa buhay niya.

Di ko mapigilang maisip ang kausap ni Prince William sa telepono kanina. Hindi kaya sya iyon?

Hawak-hawak ni Seth sa collar ang lalaki. He looks dangerous and.. scary. Para syang papatay ng tao. Napalunok ako at nagtago sa isang basurahan.

"Either you tell who fucking sent you here or I'm gonna beat your fucking face off"

Seth didn't even shout just to scare the man. His voice is so cold enough to make you pee on your pants. Kahit ako ay natatakot.

"I won't tell-"

Hindi na pinatapos ni Seth ang lalaki at sinuntok ito sa panga. Halos mangalas ang ulo nito sa katawan sa lakas ng pwersa. Napatakip ako sa aking bibig para pigilan ang paglikha ng anumang ingay. Baka kapag nakita nya ako dito, biglang magdilim ang paningin nya. He looks so unstoppable. Parang walang kahit ano ang makakatupok sa nagbabaga nyang galit.

"Poor choice of words. I'll ask for one fucking last time. Who. Sent. You. Here. To. Kill. Me?"

Hindi kaagad nakasagot ang lalaki dahil sa panginginig. I can see fear in his eyes. Kahit madilim. Kitang-kita ko. Hindi nya maitatago. Ako nga nandito lang halos manginig na sa takot. Sya pa kaya.

The Calm After the Storm (Northern Trail Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon