I immediately went to my room after kong kumain ng meryenda dahil magbabasa pako ng reviewers na binigay sa'kin ni Sir Bryan.
Mabilis kong nakuha kung paano gumawa ng editorial article, gaya nga ng sinabi ni sir, madali lang naman siya kung iintindihin mong mabuti.
Saka hindi din ako masyado nahirapan dahil dun sa mga sample outputs na ipinahiram sa'kin ni sir.
Grabe ang gaganda ng mga gawa ni ate Bea. I wish I could write like that. The choices of words are so good.
I smiled to my self. I know that someday my articles will be better than before.
Habang nagbabasa ng mga sample outputs ni ate Bea, bigla nalang ako nakaramdam ng gutom, pagkatingin ko sa alarm clock ko 7:30 pm na pala, kaya I decided na itigil na muna yung ginagawa ko para kumain at maituloy ko kaagad yung ginagawa ko after.
Nakahanda na yung dinner namin pagkababa ko and biglang nagsalita si mama. "Anak, nagpaalam sa akin ang ate mo na mag-oovernight daw muna sila dun sa kaklase niya kasi bukas na daw ipapasa yung research nila saka ako naman pupunta ako sa Tita mo mamaya para makausap ko na at makahiram ako ng ipapambaon mo sa camping mo," paliwanag ni mama.
Agad akong tumango kay mama bilang pag sang-ayon sa sinabi niya dahil makakapagpuyat ako para sa plates ko at sa article. Kasi panigurado kapag nandiyan si mama, maya't-maya ako sisilipin nun.
I smiled at her. "Okay lang po mama, kaya ko naman po maiwan mag-isa matutulog na din naman po ako." I lied.
Ngumiti muna si mama bago ulit nagsalita. "Salamat anak, basta tumawag ka nalang sa'kin pag may nangyari o may kailangan ka ah? Para makauwi agad ako."
"Sige po mama, ingat ka po."
Pagkaalis na pagkaalis ni mama ay sinimulan ko ng maghugas ng pinggan at maglinis ng bahay para hindi magalit si mama pagka-uwi niya bukas sa bahay.
Pagkatapos kong maglinis ng bahay ay sinarado ko na at nilock ko ng mabuti yung gate at pinto ng bahay namin pati na din yung mga bintana at lalo na yung pinto sa kwarto ko.
I spent my night reviewing the pointers that was given to me. I tried to write some articles too that includes the present and past news.
Editorial is a little bit complicated but it was fun, you need to have a stand na papanigan mo in order to convince the reader na mapaniwala sa mga sinasabi mo. Facts, opinions, and evidences ang karamay.
I need to read a lot of news talaga, dig talaga kung dig.
Maya-maya pa ay nakaramdam na'ko ng antok. I look at my alarm clock, it's already 1 am, maybe I should sleep na para may sapat na energy ako mamaya.
Naalimpungatan ako sa tunog ng alarm clock ko, kinabahan ako dun. Pagkatingin ko sa orasan 5:30 am palang naman pala, makapagluto na nga muna.
Pagkababa ko sa dining area andun na pala si ate. Ay oo nga pala umaga nga daw pala siya uuwi dahil wala siyang dalang uniform. "Hey sis, good morning! Kain ka na ng breakfast," she kissed me on my cheeks.
I smiled at her too. "Good morning din ate, thank you sa breakfast."
"Your always welcome sis, sige mauuna nako sis ha? Nilutuan lang talaga kita saka nakaayos na naman diyan yung lunch mo, maaga pa kasi usapan namin eh. Bye sis!" Paalam sa'kin ni ate.
"Ingat ka ate, I love you," I replied to her.
"Ingat ka din sis! I love you too," then she turn her back on me as a sign of goodbye.
Hinugasan ko muna yung mga plato na ginamit ni ate bago ako maligo.
After I take a bath, nag-ayos na'ko ng sarili ko at umalis na kaagad para makapag-review pa sa quiz namin sa Drafting ngayon, nalimutan ko mag-review kagabi, pa'no ba naman kasi puro plates ang ginawa ko at syempre ni-review ko yung binigay nung trainer namin.
Nakarating ako sa school around 7 am kaya nagtawanan na naman yung mga classmates ko.
"Cassandra! Himalang medyo maaga ka ngayon ah? Dati halos magbebell na wala ka pa, tapos ngayon 30 minutes before the bell ka nakarating?" Kyla laughed.
"New achievement 'yan Cass! Celebrate natin sa 7/11 mamaya," tawang-tawang sagot naman ni Paola.
Nakangiti lang ako sa kanila ng biglang mapukol yung tingin ko kay Kent, grabe ang pogi niya talaga tapos ang seryoso pa mag-aral, ideal man talaga!
"Cass!" Sigaw ni Kyla.
Nakakakilig talaga titigan si Kent, kaso masungit 'yan minsan. Kaya nga nakakagulat kahapon na hindi man lang ako sinungitan.
"Cassandra Golez! Titig na titig ka na naman diyan kay Ke-" panlalaglag sa'kin ni Paola.
Mabilis kong tinakpan yung bibig ni Paola, kahit kailan talaga napakaingay ng babaeng 'to eh.
Nagulat ako kasi biglang tumingin yung grupo nila Kent sa side namin kaya ngumiti nalang ako, umiwas naman agad sila ng tingin parang mga ewan lang, titingin tapos biglang iiwas, hindi ko talaga maintindihan ang mga lalaki.
Biglang nagsalita si Kyla. "Lagot ka talaga diyan Paola kay Cass kapag kumalat 'yon, tayong dalawa lang naman kasi nakakaalam nun eh."
Sumigaw bigla si Paola. "Cass sorry na, muntik nang masiwalat sikreto mo dahil sa katangahan ko."
"Okay lang yun Paola, kung sinigaw mo edi ipaparinig ko din sa kanila na crush mo si David, gantihan lang yun sis," I grinned at her.
"Hindi ko na talaga uulitin Cass, sorry na talaga!" Tumawa na naman ng tumawa si Paola .
We just laughed together. Nilabas ko na yung notes ko sa drafting, para makapag-review saglit.
After a few minutes, biglang sumulpot si Margaret. "Hi guys, sarap ng tulog ko buti wala pa si ma'am, kundi parusa na naman agad ako dun." Tumatawa niyang tugon.
Natawa nalang ako, panigurado naghabol din 'to ng plates niya na kulang kagaya ko, pag na-extend pa kasi 'to panigurado sobrang baba na ng rating ng plate namin kaya kahit papano hinahabol pa din namin bago yung araw ng mismong deadline.
Mataas naman yung nakuha ko sa quiz sa drafting, not perfect pero hindi din naman mababa, ayos na yun.
Naging mabilis lang yung flow ng araw ko, lesson dito lesson do'n, tinutulugan ko nalang yung iba kong subject pero hindi naman ako napapagalitan, with honors pa nga ako.
"Okay class dismissed," nagsigawan na naman yung mga kaklase ko.
Hinintay ko muna makalabas yung mga kaibigan ko bago ako pumunta sa training area namin.
"Guys! Una na muna ako sa inyo ah? May training pa kasi kami sa journ," pagpapaliwanag ko sa kanila.
"Sige Cass, galingan mo ah? Goodluck," nakangiti namang tugon din sa akin ni Paola.
Gano'n din naman si Kyla, "Galingan mo sa training Cass, make us proud ha?"
Habang naglalakad ako papunta sa training area biglang may tumakip sa mata ko kaya nakaramdam ako ng kaunting takot.
Hinampas hampas ko siya, "Sino ka?! Sisigaw talaga ako ng rape dito pag hindi mo pa inalis yang kamay mo," pananakot ko sa kanya.
Tinanggal niya naman yung kamay niya sa mata ko. "Chill ka lang Cass, ako lang 'to!" Tawa pa ng tawa si Kuya Tom.
"Kinabahan talaga ako dun Kuya Tom! Akala ko ra-" inunanahan niya ako sa pagsasalita.
"Akala mo rapist ako?" natatawa niyang tugon. "You're so funny Cass, tara na nga sa training area," sabay akbay sakin ni Kuya Tom.
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen FictionCassandra Golez is a talkative and a serious kind of woman. She's a campus journalist, an editorial writer to be exact. But someone came into her life, is he the one that will make Cassandra leave the world of Campus Journalism? Or the one that wil...