Pareho kaming hindi makaimik nung kaming dalawa nalang yung naiwan sa room na 'to. Malapit na kasi ang call time ng bawat categories kaya nagsipag-alisan na sila.
"Uhm, pwede ka na ding pumunta sa category mo A-Andrei. Kaya ko naman ang sarili ko, hindi mo na kailangang gawin 'to dahil lang sa sinabi ni Ate Ricci." ramdam ko ang panginginig ng boses ko habang sinasabi ko 'yon.
He laughs. "Nope, hindi ko babaliin yung sinabi ko kay Ate Ricci, malay ko ba kung tumakas ka dito at pumunta dun? Edi ako yung malalagot? No way!" malakas at may diin ang pagkakasabi niya no'n.
Napatikhim naman ako at umismid. "Para kang tanga, hindi ko nga kailangan ng kasama, hindi naman ako kinder para bantayan Andrei Samaniego!" pagalit kong sigaw.
"I said, I'm not leaving you alone here! Hindi ikaw ang mapapagalitan kundi ako. Kaya 'wag na matigas ang ulo natin Cassandra Golez ha?" dahan-dahan ang pagkakasabi niya.
Inirapan ko nalang siya. "Okay. It's your choice, bahala ka! Saka pwede ba? Huwag ka ngang ganyan magsalita o magpaliwanag sa akin, hindi ako bata or baby," galit ko na talagang tugon. Hindi ko kasi talaga siya mapagsabihan, nakakainis na.
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. "Bakit ka tumatawa?" tanong ko sa kaniya pero mas lalo niya lang ako tinawanan.
Teka? Nababaliw ba 'to?
Hindi niya ako pinansin at pinagpatuloy niya lang yung paggamit niya ng cellphone.
Aba't binalewala ba naman ang beauty ko? Hustisya naman oh, panagutan mo ako Andrei, ay wala pala kami.
"Hoy Samaniego!" nanatili pa din siyang tahimik.
"Ano ba?! Hoy!" pasigaw kong sabi pero wala pa din siyang imik.
"Ano ba?! Puta-" tinakpan niya yung bibig ko ng kamay niya.
Infairness, mabango yung kamay niya ha?
Seryoso niya akong tinitigan at bumuntong hininga. "Kababae mong tao tapos yung bibig mo walang preno! Mura ka ng mura, tigil mo nga, nakakaturn-off."
Wow ha? Anong bang pakialam niya sa akin?
"Oh? Talaga?" pang-aasar ko sa kaniya. Nagtagumpay naman ako dahil nagsimula ng kumunot yung noo niya.
"Oo! Nakakaturn-off kaya saming mga lalaki kapag palamura yung mga babae," si Andrei.
Tinawanan ko ang mokong. "Walang nagtanong."
"Eh gusto ko ipaglaban e! Bakit ba?!" singhal niya sa akin.
"Waw, sana all may pinaglalaban, ako kasi, hindi pinaglaban. Joke! Wala palang alam yung gusto ko na gusto ko siya."
"Wala ding nagtanong," pambabara niya sa akin.
"Edi waw, sana all," tugon niya pabalik.
"Sana all ka diyan, sana all tinurn down," sabay halakhak ko.
Nagulat naman ako dahil biglang sumeryoso ang mukha niya, ramdam kong naging mabigat ang atmospera ng paligid.
Kumunot din ang noo niya at dahan-dahang nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Masasabi kong ramdam ko ang pagkawala niya sa mood ng biglaan at sa hinding malamang dahilan.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen FictionCassandra Golez is a talkative and a serious kind of woman. She's a campus journalist, an editorial writer to be exact. But someone came into her life, is he the one that will make Cassandra leave the world of Campus Journalism? Or the one that wil...