Kabanata 30

772 25 1
                                    

Maagang natapos ang discussion sa hapong iyon kaya inaya ko na kaagad si ate Ricci na pumunta ng billeting area.

Sa hindi inaasahang pagkakataon... Ay hindi pala pagkakataon, lagi nalang pala, nakabuntot na naman sa amin yung grupo nila Andrei.

Ay boang, same nga pala kami ng room, why naman kasi ganun? :(

"Oh, bakit parang lutang ka na naman diyan baliw na Cassandra?" Mahinang usal ni Andrei ngunit dinig na dinig ng pandinig ko.

Napahilot naman ako sa sentido ko. "Anong sabi mo? Baliw ako? Aminado akong lutang ako Samaniego pero hindi ako baliw."

"Woah, take it easy, i'm just kidding, masyado mo na namang sineseryoso, napaghahalataan ka tuloy na pikon."

Tinitigan ko nalang siya ng masama at mabilis ng umiwas ng tingin. "Nevermind," mataray kong tugon.

Pagkabalik namin sa billeting room napukaw ng atensyon ko ang isang ginang doon, parang mga nasa 30's siguro? Ang ganda niya infairness, SPA din kaya 'to?

So I just greet her kahit na hindi ko siya kilala. "Good afternoon po, how may we help you po?" Mahinhin kong tugon.

Mahirap na baka maging bad impression pa ako dito, tapos malaman ko spa pala 'to ng kakilala ko or kung sino man.

Lol.

Tanging ngiti lang ang tugon sa'kin nung babae. At inginuso niya yung nasa likod ko and and bumulong na 'anak ko'.

Agad naman akong napalingon sa likod ko at nakita ang pagmumukha ni Andrei na nakangiti.

"Taray mo naman Cassandra, nagpapakilala ka na kaagad sa nanay ko," nakangisi niyang sabi.

Her mom just smiled at me. "Pagpasensiyahan mo na 'tong anak ko iha, medyo may sapak lang din talaga 'yan minsan."

"Ayos lang po, sige po dito na po muna ako. Enjoy po," magalang kong tugon.

Dahil wala pang susi sa room namin, wala akong choice kundi tambay lang sa labas ng room at hindi ko mapigilan na lumingon sa side nila Andrei.

So mama's boy siya? Cute.

Hindi niya naman siguro mapapansin kung sisimpleng sulyap ako diba?

Saktong pagkatingin ko sa gawi niya at tumingin din siya sa'kin at kinindatan ako kaya napaiwas
nalang ako ng tingin.

What's wrong with this guy? Tama nga siguro yung nanay niya na may saltik talaga.

Sinubukan kong lumingon ulit sa pwesto niya at wala na sa'kin ang paningin niya. Nandun na pala kasi yung mga kartunista.

Kaya pala umingay na naman.

Rinig na rinig kasi sila dahil isang room lang naman pagitan namin.

Bigla namang nagsalita si Kuya Jeffrey kaya napatingin na naman ako sa gawi nila. "Hoy mga pre, alam niyo ba? May crush ako sa science news writing, ganda pre! Mukhang magaling pa!" Then he laughed.

Natawa nalang din ako. Mga cartoonist talaga, ganda lang hanap sa babae.

Nagulat naman ako ng bigla kaming tawagin ni Chris. Nakakahiya naman, andun nanay niya eh. "Cassandra, Ate Ricci! Dito muna kayo, boring diyan, sige kayo," nagtawanan na naman sila.

To be honest, sila yung mga journalists na aakalain mong chill lang pero magagaling, yung tipo na akala mo 'di seryoso pag naglilibot pero sa training grabeng pangmalakasan mga gawa.

 Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon