Kabanata 25

824 24 13
                                    

Pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang 'yon ay dali-dali akong umalis sa harapan niya dahil sa sobrang kahihiyan.

Hindi ko alam kung kikiligin ako e, feeling ko kasi lahat ng bagay na ginagawa niya parang laro lang, hindi niya sineseryoso.

Ayoko dumating ako sa punto na hulog na hulog na ako sa kaniya tapos siya abala sa pagkahulog sa iba. Kaya marapat lang na hangga't maaga iwasan ko na siya at huwag magpaniwala sa mga sinasabi niya.

Naghilamos nalang ako at nagtoothbrush dahil napakalakas pa din ng pintig ng puso ko at nawalan nako ng gana. Parang nanlalambot pa din ako hanggang ngayon dahil sa way ng pagtitig niya kanina.

Nagdasal muna ako bago ako humiga dahil baka makatulog ako. Hinugot ko na din sa saksakan yung charger ko at sinet ang alarm ng 3:30 am. May halos anim na oras pa ako para makatulog pero pwede din naman ulit ako matulog pagkatapos ko maligo bukas.

Baka kasi magkaubusan ng tubig kapag tinanghali na ako ng gising kaya ayaw ko talaga ng nagpapahuli ako dahil naranasan ko na yun nung day 2 sa Los Baños.

Mabilis din naman akong nakatulog dahil na rin sa pagod at sobrang sakit ng katawan ko. Napakabigat ng pakiramdam ko. Sana naman hindi ako nabinat. Ayaw ko magka lagnat habang nasa training ako dahil hindi ako makakapag focus.

At isa pa, kapag nalaman ni mama yun, baka pauwiin na ako at hindi nalang patuluyin, sayang yung pinaghirapan ko kung mapupunta lang sa iba. Sabi kasi nila kapag 1st cliniquing daw nandun yung top 10 incase na may magback-out or hindi makarating.

Nagising ako dahil sa ingay, hindi ko alam kung sino yung mga yun kaya dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.

Nagulat ako dahil halos lahat sila nakatingin sa akin na para bang nag-aalala. "Good morning. Bakit kayo nakatingin ng ganyan sa akin?" walang gana kong tugon.

Wala akong nakuhang sagot mula sa kanila at patuloy lang sila sa pagtitig sa akin.

Ano bang problema ng mga to? Wala naman akong ginagawa sa kanila ah? Bakit sila nakatingin ng ganyan sa akin?

Binalewala ko nalang sila at inilabas na muna sa bag ko ang reviewer ko pati mga pinaprint kong news. Chinarge ko na din yung cellphone ko pero nagulat ako dahil pagkailaw non tumambad kung anong oras na.

Wtf?! It's already 6:30 am? Tapos yung training namin is 8:00 am? Damn! Bakit hindi nag-alarm yung cellphone ko? Hindi man lang ako ginising nila Isabelle at Christine?

"Hindi ka na namin ginising kanina nung nag-alarm yang phone mo Cassandra kasi napakainit mo," seryosong tugon ni Ate Ricci.

Napatulala ako ng mga ilang Segundo at hinipo ang sarili kong noo at leeg. Mainit nga ako. Pero bakit parang hindi ko masyadong ramdam?

Muli kong ibinalik ang mga titig ko sa kanila at tinitigan sila ng ilang segundo bago magsalita. "Ah ganun po ba? Wala 'yon. Maliligo na muna ako," sabay tayo ko at pilit na ngumiti para mapanatag yung kalooban nila.

Naglakad na ako papunta sa may pintuan ng cr pero bigla na namang nagsalita si Ate Ricci. "Cassandra bumalik ka dito. Hindi ka aattend ng training ngayon, naiintindihan mo ba?" ma-awtoridad pero may diin niyang tugon.

Saglit akong napahinto sa paglalakad. "Ate Ricci? Bakit hindi ako aattend ng training? Look, unang araw ng training tapos wala ako?"

"Pag sinabi kong hindi ka aattend, hindi ka aattend. Naiintindihan mo ba?" may bahid na ng inis yung pagkakasabi niya non.

 Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon