Kabanata 6

1.2K 81 5
                                    

Bumalik na kami sa may damuhan kung saan kami kakain ng sabay-sabay para magkwentuhan na din kasi simula bukas magiging busy na kaming lahat dahil start na ng individual and group contests and bukas din yung laban ko kaya kailangan kong matulog ng maaga.

Pagkarating namin sa pwesto namin dun sa damuhan bigla namang nagtawanan yung mga lalaki na nasa likuran nila Sir Bryan kaya napatigil din ako and I realized na yung mga letcheng editorial cartoonists pala yon so I ignore them nalang.

Nagkukuwento si Ate Ricci tungkol sa crush niyang journalist para sa taong 'to pero napatigil siya nung nilapag namin ni Christine yung pagkain at inumin nila. "Thank you sa pagkuha ng pagkain natin Cassandra!" Sigaw ni Ate Ricci. So I smiled at her and nagulat nalang ako dahil biglang may tumulak sakin dahilan para ma-out of balance ako pero nasalo naman ako ni Kuya Tom at ngumiti lang siya sa'kin.

Pagkatingin ko kung sino yung tumulak sa'kin. Nag-init na naman yung ulo ko dahil nakita ko yung epal na Andrei Samaniego. Pero seryoso lang siyang nakatingin sa akin at bigla nalang siyang nagsalita. "Hindi ako yung tumulak sa'yo kung ayun yung iniisip mo," seryosong tugon ni Andrei.

I laughed sarcastically and show him a fake smile. "Defensive much huh? Napaghahalataan ka tuloy kuya. Wala naman akong sinasabi na ikaw eh," ngumisi lang ako pagkatapos no'n.

He gritted his teeth. "Hindi nga ako yun! Malamang idedefend ko sarili ko kasi paniguradong ako ang pagbibintangan mo!" Singhal niya sa akin at dali-dali ng umalis sa harapan ko at pumunta sa pwesto nila ng mga epal na kartunista.

Napabuntong hininga nalang ako, hindi ko inaasahan na sa first time kong mag camping ay mayroon akong kaiinisan ng husto.

Tulala lang ako pero biglang sumulpot si Chris, yung isang cartoonist namin na tropa nung Andrei na yun at nagsalita siya kaya nakinig nalang ako. "Cassandra, sorry talaga ako yung nakatulak sa'yo hindi si Andrei, sinama ko lang talaga siya," napayuko nalang si Chris sa harapan ko.

"Ayos lang yun." I smiled at him.

"Sige Cassandra, una na'ko!" Paalam sa akin ni Chris kaya ngumiti nalang ulit ako kahit yung totoo tinatamaan nako ng guilt.

Pagkatapos kong kumain inaya ko na si Christine umakyat para mag hilamos at magtoothbrush. Parehas naman kasi kami na bukas yung laban e. Umaga nga lang siya ako hapon.

Nagsipag-akyatan yung mga grade 10 nung 9 pm na kasi 10 pm yung lights off namin. Tulala lang ako kasi guilty talaga ako sa inasal ko dun kay Andrei. Nahihiya na tuloy ako magpakita dun. Buti nalang umaga laban nila, hindi ko siya makikita sa umaga at sa hapon naman laban ko kaya hindi ko din siya makikita.

Mga 9:30 pm ay dumating si Ma'am Abigail yung SPA ng The Root saka si Sir Bryan at may dala-dalang cornetto na ice cream kaya lahat kami napatayo at nag-unahan kumuha dun.

Nung nakakuha na kaming lahat nagpicture-picture lang kami dahil this night yung time na free kaming lahat.

Pagkatapos namin kumain ng ice cream ay nagkwentuhan muna kami sandali at nung nag 10 pm na ay nag lights off na nga.

Nagpray na muna ako bago ako humiga. Pagkatapos kong magdasal humiga na ako pero hindi pa din talaga ako makatulog dahil dun sa nangyari kanina kainis. Tulala lang ako for a few minutes.

Nung kinuha ko yung phone ko, 11:30 pm na?

Nilibot ko yung paningin ko dahil nagbabaka-sakali ako na mayroon pang gising bukod sa akin. Pero wala akong nakita, maya-maya ay may narinig akong nagbubulungan sa may uluhan ko at nakita ko si Ate Ricci na nakangiti kasama sila Stan at Wesley.

"Hindi ka din makatulog Cassandra?" Halos pabulong na tanong sa akin ni Ate Ricci. Natawa nalang ako. "Hindi po ate eh," sabay tawa ko ng mahina.

Narinig kong tumawa ng mahina sina Stan at Wesley. "Kami din hindi makatulog eh," sabay na sagot nila.

Nagkuwentuhan nalang kaming apat, tumingin muna ako sa orasan kung anong oras na. 1:00 pm na kaagad?! Ang bilis ng oras.

"Ate Ricci, 1:00 pm na. Baka matulala lang tayo sa contest venue bukas," pabulong kong sabi sa kanila.

Humalakhak lang ng mahina si Ate Ricci na sinundan nila Stan at medyo napalakas ata yung tawa ni Wesley kaya nagising si Isabelle.

"Hindi pa kayo nakakatulog?" Tanong samin ni Isabelle.

Ako na yung sumagot para aming apat kase katabi ko naman si Isabelle. "Hindi pa kami nakakatulog e, Ikaw ba? Bakit ka nagising?" Kuryoso kong tanong kay Isabelle.

Ngumiti lang si Isabelle sa akin. "Hindi pa'ko nakakatulog Cassandra, pinapakiramdaman ko lang kayo. Saka hindi ko na kaya magpanggap na tulog eh kaya nagsalita na ako. Saka ang lakas ng tawa ni Wesley," reklamo naman ni Isabelle.

Nagkuwentuhan lang kaming lima hanggang sa mga bandang 2:30 am ay napagdesisyunan na namin matulog dahil medyo nakaramdam na din ng antok.

Nagising ako sa malakas na pito ni sir Bryan dahilan para mapabalikwas ako at umupo. Pero pagka-upo ko, nilibot ko yung paningin ko kung gising na ba sila ate Ricci, Stan, Wesley at Isabelle pero hindi pa sila gising pero si Christine gising na.

"Good morning Cassandra! Tara na kuha na tayo ng almusal dun," anyaya niya sa akin.

Ngumiti nalang din ako at humalakhak. "Ang aga mo 'ata nagising ngayon Christine?" napatanong ako bigla kasi nakaligo na din siya at nakabihis ng uniform namin.

Natawa na lang din siya sa reaksyon ko. "Umaga yung laban ko Cassandra, mamayang 9 am kaya maaga ako nagising. Teka? Bakit parang ang laki ng eyebags mo? Hindi ka ba nakatulog ng maayos?" tanong niya.

"Hindi kami agad nakatulog eh," sagot ko nalang.

"Kami? You mean hindi lang ikaw yung napuyat?" Si Christine.

"Syempre naman hindi! Sila Ate Ricci pa nagpuyat din, si Stan, Wesley at Isabelle. Lima kami," sabay halakhak ko pa.

"Nako, tara na nga Cassandra! Kuha na tayo almusal para makatulog ka pa ulit," sabay hila niya sa akin.

Habang naglalakad kami papunta sa canteen. Nakasalubong namin ulit yung mga kartunista.

Wow fresh ah?

Bigla naman akong tinawag ni Kuya Jeffrey at nagsalita siya. "Don't worry Cassandra, hindi ko kayo isusumbong na 2:30 am na kayo natulog nila Ricci," sabay ngisi ni Kuya Jeffrey at nagtawanan naman yung mga kartunista.

Nag-init na naman yung ulo ko pero hinanap agad ng mga mata ko si Andrei nakita ko na nakasunod lang siya kanila Kuya Jeffrey at seryoso lang kaya hinila ko na si Christine paalis dun dahil baka masira lang yung araw ko.


Itutuloy...

 Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon