Masasabi kong napakasuwerte ng taon na ito para sa paaralan at Distrito namin dahil sunod-sunod yung panalo namin lalo na sa Group Categories.
Tuwang-tuwa din si sir dahil ang dami daw naming pasok sa Regionals.
Pagkatapos ng awarding ay nagpicture muna kami at umalis na doon dahil mamimili pa kami ng souvenirs.
Nakakainis naman 400 nalang yung pera ko. Nilibre ko pa kasi yung mga yun! Anduga talaga! May dare na nga sila sa akin tapos nagpalibre pa.
Nung nakarating na kami sa bilihan ng souvenirs tumingin muna ako sa mga keychains at dream catchers kasi papasalubungan ko din yung mga kaibigan ko.
Buti at mura lang yung mga paninda kaya nabilhan ko lahat ng kaibigan ko. May 100 pesos ng nalagas sa akin. 300 nalang yung pera ko.
After that bumili naman ako ng mga pasalubong ko para kanila mama saka kay ate at syempre bibilhan ko din yung adviser ko. Baka magtampo sa akin.
Tinipon muna kami ni Sir Bryan pagkatapos namin mamili ng mga pasalubong dahil baka may maiwanan samin.
Nang masiguro na kumpleto na kami, sumakay na kami sa jeep para maagang makabalik sa billeting quarters at maaga din kaming makauwi.
Pag ginabi pa daw kasi kami ay paniguradong traffic na dahil nga friday ngayon at mayroon din kaming mga kasabay umuwi na taga distrito din namin.
Pagkabalik namin sa Lalakay ay nagsitakbuhan kami at nagpicture taking muna sa stage pati na din sa may damuhan para may mailagay na documentary.
Nauna na kaming bumalik sa room namin para maghakot ng mga gamit dahil yung iba kumukuha pa ng mga litrato dahil wala pa daw masyadong tao at iuupload din daw nila iyon sa IG nila at mga Facebook.
May facebook kaya si Andrei? Syempre meron yun panigurado.
I immediately type his name on my facebook and there I found it. Gusto ko sana iadd kaso baka kung ano pa yung isipin niya.
Tinignan ko din yung followers niya halos nasa 1k plus.... Hindi siguro to nang-aaccept. Halatang maraming fan girls. Sabagay, sino ba namang hindi magkakagusto sa kanya? Complete package.
Kahit ako, nahulog din yung tangang puso ko sa kanya. Nakakainis!
Habang abala yung mga co-journalists ko na tanders sa pagkuha ng mga litrato kami namang mga babies ang nagbubuhat ng mga gamit naming mabibigat.
Hays, bat ba kasi nag-offer pa yung photo journalist namin. Ayan tuloy inaabuso nila.
Pero ayos na din... Last day na din naman namin at yung karamihan sa kanila last year na 'to kaya hindi na namin pinakialaman.
Pabalik na sana kami nila Isabelle at Christine para kunin yung mga gamit namin ng makasalubong namin si Andrei saka yung kasama niyang lalaki na nakita din namin nung first day.
Lalagpasan ko nalang sana sila dahil nahihiya talaga ako sa nangyari kanina pero bigla akong tinawag ni Isabelle.
"Cassandra, halika muna sandali dito," sabi ni Isabelle sa akin.
Umirap nalang ako. "Bakit? Anong meron?" Nagtataka kong tanong sa kaniya. Bumaling ako kay Christine pero nagkibit-balikat lang siya.
Ano na naman kayang pakulo nito ni Isabelle? Ako yung kinakabahan. Mukhang hindi pa din niya ako tatantanan.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen FictionCassandra Golez is a talkative and a serious kind of woman. She's a campus journalist, an editorial writer to be exact. But someone came into her life, is he the one that will make Cassandra leave the world of Campus Journalism? Or the one that wil...