Kabanata 8

1K 59 2
                                    

Kumuha naman agad si Ate Ricci ng biogesic at paracetamol pero pinakain niya muna ako ng lunch bago ko inumin 'yon.

Pagkatapos kong kumain, ininom ko kaagad yung gamot, 2:00 pm pa naman laban ko. Kaya panigurado mga 12:30 pm yung call time namin dahil ayaw ng facilitator namin na malate kami sa contest venue.

Mga bandang 11:00 pm dumating sila Sir Bryan at may dala-dalang sopas para daw mapawisan ako at bumaba kaagad yung lagnat ko.

Sila Ate Ricci na yung inutusan niyang kumuha ng pagkain namin sa canteen. Pagkarating nila ni Kuya Tom pinakain na agad kami ni sir para makapag pahinga pa daw kami bago bumaba.

Pagkatapos namin kumain, tinanong ako ni Sir Bryan. "Tutuloy ka pa ba Cassandra? Mas importante yung kalusugan nyo kaysa sa laban dapat alam niyo 'yan," sabi ni Sir Bryan.

Napaisip ako sa tanong sa akin ni sir, pero ayaw ko naman masayang lahat ng effort ko kaya mabilis akong tumango at ngumiti. "Tutuloy po ako sir," kaya napangiti naman si Sir Bryan.

Mga bandang 12:00 pm inayos na namin ni Ate Ricci yung mga gamit na kakailanganin namin para mga 12:25 bababa nalang kami.

Bigla namang umingay yung room namin dahil dumating na yung news writers at editorial cartoonists namin.

Niyakap agad ako ni Christine, pero bigla siyang napalayo dahil naramdaman niya siguro na mainit ako. "Nilalagnat ka Cassandra?" Tanong sa akin ni Christine.

Tumango nalang ako dahil wala talaga ako sa mood makipag-usap.

Bigla naman akong niyakap ni Christine. "Galingan mo ah?" aniya.

Kinuha ko nalang yung jacket ko dahil nilalamig talaga ako. Buti nalang umaambon kaya reasonable naman na magjacket.

Pagkalabas namin may kumausap kay Ate Ricci, yung isang cartoonist din, Lester 'ata pangalan nun.

"Nasan sila Jeffrey at Chris?" Tanong nito kay Ate Ricci.

Tinuro naman ni Ate Ricci yung mga cartoonist namin kung saan naglalaro sila ng UNO. "Pwede ba kami makisali sa kanila?" Tanong naman nito bigla.

Nagkibit-balikat nalang si Ate Ricci at nagsalita. "Hindi ko alam, sila naman magdedesisyon eh. Akala ko ikaw lang mag-isa," sabi naman ni Ate Ricci.

Bigla namang tumawa si Lester at sumipol bigla kaya nagtakbuhan yung mga kartunista papunta sa harapan ni Ate Ricci.

Nagulat naman ito dahil andami pala. Sumulpot naman bigla si Sir Bryan at siya na yung kumausap dun. "Sige, pumasok na kayo. Huwag kayo magkakalat ah? Sandali lang sasabayan ko na kayo paloob, kakausapin ko lang 'tong dalawa." Sabay-sabay naman na nagsitanguan yung mga lalaki.

Bumaling naman kaagad sa amin si sir Bryan. "Ricci, alalayan mo si Cassandra hanggang sa contest venue ha? Antayin mo din 'yan matapos. Mamaya pa kami susunod dun may aasikasuhin lang kami," tumango nalang kaagad si Ate Ricci.

Sa akin naman humarap si Sir Bryan. "Ikaw naman Cassandra, ingat ka ah? Baka mamaya matumba ka, pagkauwi mo iinom ka ulit ng gamot," paalala naman sa akin ni sir.

Tumango lang ako.

"Basta hindi ko na uulitin mga tinuro ko sa inyo, alam ko naman na kaya niyo yan. Fighting my editorial writers, okay? Goodluck! Soar high!" Sigaw pa ni sir.

Pababa na kami ng hagdan pero nakasalubong naman namin si Andrei saka yung isa niyang kasama. Gaya kanina hindi pa din siya lumilingon sa akin kaya iniwas ko nalang yung paningin ko.

Hindi ako nagpunta dito dahil sa kanya, nagpunta ako dito dahil lalaban ako at gusto kong makapag-NSPC. Kaya sa ngayon focus, lang muna ako habang nasa laban ako.

 Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon