Kabanata 7

1.2K 68 4
                                    

Habang naglalakad kami pabalik nakasalubong namin ni Christine sila Ate Ricci.

"Good morning Christine," sabay ngiti ni Ate Ricci pero ngumisi siya nung ako na yung binati niya.

Ngumisi lang din pabalik si Christine dahil hindi 'ata alam ni Ate Ricci na alam niyang nagpuyat kami.

Pagkatapos ng tawanan at halakhakan nila sa daan. Kumain na agad kami sa room ng almusal para maliligo nalang kami mamaya.

May opening ceremony mamayang 10:00 am pero ang sabi naman daw kung sino lang daw yung gustong pumunta, hindi ko pa naman alam kung isasama kami nila sir. News Writing, Editorial Cartooning at Radio Broadcasting English yung sasabak ngayong umaga kaya walang sisira sa umaga ko. Sa hapon naman Editorial Writing at Online Publishing kaya wala ding sisira ng hapon ko. Hindi ko nga lang alam sa gabi. Maganda na din na 1st day yung laban ko para matutulog nalang ako simula bukas.

Sa pagkakaalam ko mag tatawag nalang yung mga facilitators kapag bababa na, kaya eto nag UNO muna kami bago lumaban yung mga co-journalist ko since 7:15 palang naman at 7:30 pa ang call time ng mga lalaban ngayong umaga.

Lalabas na sana ako sa room para magtapon ng pinagkainan pero tumambad na naman sa'kin yung pagmumukha ng Andrei na yun. Pero hindi niya man lang ako tinignan at sumulyap ng diretso sa room namin para tawagin sila Kuya Jeffrey at Chris.

Nagtapon nalang ako ng pinagkainan namin, pabalik ako ng nakasalubong ko yung grupo ng mga kartunista, puro lalaki. Ngumisi naman sakin si Kuya Jeffrey tas tumawa naman si Chris pero iniwas ko yung tingin ko sa kanila at tinuon yung tingin kay Andrei.

Pero hindi niya man lang ako tinignan at nakatingin lang siya sa malayo. Hindi ko alam kung bakit pero sa mga sandaling iyon, biglang nanikip yung dibdib ko at naramdaman akong may namumuong luha sa mata ko.

Nalove at first sight nga ba talaga ako sa kanya? Pilit ko ba talagang dinedeny yung katotohanan na kahit unang pagkikita lang namin kahapon na-fall na kaagad ako?

Iniwas ko nalang yung tingin ko sa kanya dahil nararamdaman kong malapit ng tumulo yung mga luhang kanina ko pa pilit pinipigilan. Pero traydor yung mga mata ko dahil kusa nalang sila tumulo na kahit sino aakalain na may problema ako dahil parang gripo yung mata ko at nag-uunahan silang tumulo.

Natauhan naman ako bigla ng tinawag ako ni Kuya Jeffrey. "Pasensiya na po kuya," napatungo nalang ako.

Inangat naman ni Kuya Jeffrey yung ulo ko at tinitigan yung mata ko. "Hala Cass? Bakit ka umiiyak? Aasarin pa nga lang sana kita na ambaho mo dahil hindi ka pa naliligo eh," ani Kuya Jeffrey.

Umiwas lang ako ng tingin dahil naramdaman kong tumulo na naman yung luha ko.

Sa huling pagkakataon tinignan ko si Andrei pero nahuli kong nakatingin lang siya sa malayo at parang balewala lang sa kaniya ang presensiya ko, kaya iniwas ko na ulit yung tingin ko at ibinalik ang aking mga paningin kanila Kuya Jeffrey na bakas sa mukha ang pag-aalala.

Puppy love lang 'to, siguro hindi lang ako sanay.

"Ayos lang po ako Kuya Jeffrey," sabay tingin ko sa kanila.

Umiling-iling naman si Kuya Jeffrey. "Okay lang ba talaga? Eh bakit ka umiyak?" Tanong sa akin ni Kuya Jeffrey.

Kunwari kong kinapa yung mga mata ko at ngumiti ng pilit. "Napuwing lang ako kuya," sabay takbo ko papaalis dun dahil hindi ko na talaga mapigilan yung pagbuhos ng aking mga luha.

Nagulat naman ako dahil biglang may pumatak na tubig sa ulo ko kaya napalingon ako sa langit, dun ko lang namalayan na unti-unti ng lumalakas yung patak ng ulan, napasulyap ako sa inalisan kong grupo ng mga kartunista pero wala na sila dun.

Kaya awtomatikong napasulyap yung mga mata ko sa Covered Court at nakita ko na andun na halos lahat ng lalaban. Yung cartooning nalang yung nakatayo dahil kulang pa siguro? Nilibot ko yung mga mata ko at nagbabaka-sakali na tignan din ako ni Andrei.

Hindi naman ako nabigo dahil nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Pero yung tingin na walang pag-alala, yung tingin na parang wala kang halaga sa kanya at hindi ka niya kilala.

Nung medyo lumakas na ng kaunti yung patak ng ulan, tumakbo nako papunta sa building na pinag-iistayan namin pero nasubsob ako dahil biglang dumulas yung damuhan.

Dali-dali naman akong tumayo dahil baka may nakakita sakin buti hindi masyadong nagmantsa sa damit ko.

Pagkarating ko sa room namin. Agad akong dinaluhan ni ate Cass. "Anong nangyari sayo Cassandra? Bakit medyo basa ka? At ano yang nasa braso mo? Sugat? Sa'n ka nadulas?" Sunod-sunod na tanong sa akin ni Ate Ricci.

Nag-iwas na lang ako ng tingin. Umalis sandali si Ate Ricci, kinuha niya lang pala yung tuwalya ko na nakasampay sa tabi ng tuwalya niya.

"Maligo ka na din Cassandra, mag-uusap tayo pagkatapos mong maligo para magamot ko din 'yang sugat mo sa kamay," seryosong tugon ni Ate Ricci.

Dali-dali ko namang kinuha sa bag ko yung gamit ko sa pampaligo at kumuha na din ng damit na maisusuot.

Pagkapasok ko sa banyo, doon ko lang napansin na medyo malaki pa lang yung sugat ko sa tuhod, kainis naka short nga pala ako, buti nalang dalawa lang dala kong short. Yung susuotin ko lang sa laban saka yung gamit ko kanina.

Pagkatapos kong maligo hinila ni Ate Ricci yung kamay ko at tinapik yung upuan sa tabi niya. "Umupo ka dito, gagamutin natin yung sugat mo sa paa, itaas mo yang jogging pants mo," utos sa akin ni Ate Ricci kaya dali-dali ko namang itinaas.

Nakakatuwa naman si Ate Ricci, para ko tuloy siyang tunay na ate dahil napaka sweet. Inabutan din siya ni Kuya Tom ng gasa na siyang nilagay niya sa tuhod ko pagkatapos niyang gamutin yung tuhod ko, inistraight niya yung paa ko dahil baka daw mamaya hindi ako makalakad.

Sinipat din ni Ate Ricci yung mga braso ko, buti gasgas lang ng maliit sa kaliwa kong braso kaya dinisinfect nya lang yun at nilagyan ng betadine saka band-aid.

Nung natapos niya akong gamutin bigla akong tinignan ni Ate Ricci ng seryoso kaya medyo kinabahan ako ng konti dahil first time ko siyang makita na seryoso.

Nakatingin lang siya sa akin at bigla siyang nagsalita. "Anong nangyari Cass? Sa'n ka nadulas? Buti hindi ka napuruhan, kung hindi edi wala tayong panlaban sa Editorial!" Singhal sa akin ni Ate Ricci kaya napapikit nalang ako sa takot dahil medyo malakas yung sigaw niya.

Napatahimik nalang ako at natulala. "Sorry kung nasigawan kita Cass, nag-aalala lang talaga ako, may problema ka ba? Sabihin mo lang sa amin, naulanan ka pa oh," wika ni Ate Ricci.

Napatungo nalang ulit ako at nag-angat ng tingin sa kanya. "Nadulas lang ako Ate Ricci sa may damuhan dahil nga biglang umambon at nabasa yung mga damo," ngiti ko kay Ate Ricci para mabawasan yung pag-aalala niya.

Mukha namang nakumbinsi si Ate Ricci kaya sinabihan niya ako na nagpahinga nalang muna dahil nag-text naman daw si Sir Bryan na hindi na muna matutuloy yung opening ceremony dahil lumakas yung ulan.

Natulog nalang ako at nagising din ng mga bandang 10:45 am. Kaya pinuntahan agad ako ni Ate Ricci.

Naramdaman kong parang biglang bumigat yung pakiramdam ko at nanlalabo yung paningin ko. Hindi kaya nilagnat ako?

Hinipo naman agad ni Ate Ricci yung noo ko dahil naramdaman niya siguro na medyo matamlay ako.

Tumayo naman agad si Ate Ricci at kinuha yung thermometer dun at pinalagay niya sa kili-kili ko. Maya-maya pa tumunog yung thermometer, 39.5° may lagnat nga ako.


Itutuloy...

 Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon