Mabilis natapos yung Orientation namin dahil gusto ng Head ng English Department na makapagpahinga kami para ma-relax yung utak namin bukas sa Day 0 namin dahil pagkarating daw namin sa school na magiging billeting room namin sa Los Baños ay maglilibot-libot agad kami dun at bibili ng souvenirs.
"Cassie, daanan nalang kita bukas. Sabay tayo papuntang school dahil madilim pa ng gano'ng oras," suhestiyon sa akin ni Ate Ricci.
Oo nga pala malapit lang bahay sa amin ni Ate Ricci. Kaya napatango nalang ako sa kanya. "Sige Ate Ricci, anong oras ka po pala dadaan para maabangan kita, baka po kasi mag-antay ka ng sobrang aga," tanong ko sa kanya.
Nag-isip muna si Ate Ricci bago sumagot sa tanong ko. "Can I have your number na lang Cassie sweetie? Para matawagan nalang kita pag papunta na yung tricycle namin," ngiti ni Ate Ricci.
Nakakatuwa talaga sila, hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako at kanina pa ako tinatawag ni Ate Ricci.
"Hey Cassie?" Nagtatakang tanong ni Ate Ricci.
"Sorry ate, natutuwa lang po ako sa inyo kase ang concern nyo po."
"Syempre naman Cassie, isa ka sa mga 'babies' ng School Publication at isa ako sa mga 'tanders' kaya isa 'yon sa mga responsibilidad namin."
"Sige Ate Ricci, eto na po yung number ko."
"Ingat ka Cassie, maghahanap pa tayo ng mga fafa sa mga ka-district natin," tumatawang tugon sa akin ni Ate Ricci.
Natawa nalang din ako habang naglalakad palayo sa kanila. Marami akong nakikitang post sa Journalism 101 which is isang facebook page na patungkol sa mga Campus Journalists.
Natatawa ako kasi maraming journalists na naghahanap ng mga pogi/maganda sa presscon. Panigurado yayain ako nila Ate Ricci mang-hunting nito bukas.
Pagkauwi na pagkauwi ko ng bahay, inayos ko yung mga gamit ko at sinigurado na wala akong makakalimutan dahil mahirap na.
Then after kong masigurado na wala na akong nakalimutan ay bumaba na'ko sa dining area para kumain ng dinner at matulog kahit maaga pa para hindi ako puyat sa biyahe bukas.
Habang kumakain ako, nakita kong bumaba si mama at ngumiti sa akin. Ngumiti din ako pabalik sa kanya at pinagpatuloy ko na yung pagkain ko para makatulog na ako.
Tinapik ni mama yung balikat ko habang nakain ako at may inabot sa akin. "Anak, 'yan na yung baon mo para dun sa 4 days camping nyo sa Los Baños, pag nakapag RSPC ka, dadagdagan ko 'yan," nakangiting tugon ni mama sabay abot sa akin ng 500 pesos.
Malaking halaga na yung 500 kung tutuusin at marami na din akong mabibili dun. Niyakap ko si mama at nagpasalamat. "Salamat po mama."
"Saka anak, may mga binili pala akong chichiria para may makain ka habang nasa biyahe kayo bukas, bigyan mo yung mga kasama mo ah?"
I hugged her like there's no tomorrow. Swerte talaga ako sa kanila, hinding-hindi ako kailanman magsisisi na sila ang naging mga magulang ko dahil napaka supportive nila sa lahat ng bagay.
Pagkatapos ng ma-drama naming usapan ni mama ay umakyat na'ko sa kwarto ko para magdasal at magpahinga. Nakatulog naman ako agad dahil na din sa wala akong pahinga sa mga nagdaang araw na puro practice lang kami buong maghapon at excuse din ako sa lahat ng klase ko.
Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko. Pagkatingin ko sa orasan ko 2:30 am na pala. Agad akong tumayo sa higaan at agad na naligo ng mabuti para hindi mangamoy sa biyahe.
Pagkatapos kong maligo ay nagsuklay nako ng buhok at inayos ko na yung bag na dadalhin ko. Kinuha ko na din yung nakasampay na jacket ko dahil madaling araw kami bibiyahe, mahamog at malamig pa sa labas.
Isang denim jeans at plain white shirt lang ang suot ko kasi mamaya pa ibibigay yung journ t-shirt namin.
Bumaba na kaagad ako pagkatapos kong masigurado na wala na akong nakalimutan.
Nakangiti akong sinalubong ni mama. "Oh anak, kumain ka ng marami para hindi ka mahilo sa biyahe. Bumili din ako ng candy diyan para kapag nahilo ka mamaya sa biyahe."
Ngumiti nalang ako pabalik kay mama at mabilis na tinapos yung pagkain. Pagkatapos ko magtoothbrush umupo nalang ako sa labas ng bahay namin at inantay si Ate Ricci mag-text sa akin.
Ate Ricci calling.....
"Hello Ate Ricci?"
"Hello din Cassie, nalimutan ko kase sabihin kay papa na daanan ka, nawala sa isip ko. Pero don't worry dadaanan ka ni Tom diyan. Sorry talaga Cassie, babawi nalang ako sa'yo promise."
"No worries po Ate Ricci, hintayin ko nalang po si Kuya Tom."
Pagkatapos ng tawagan namin ni Ate Ricci ay mayroong bumusina na sasakyan. Ang ganda naman ng sasakyan, panigurado mayaman yung may-ari nito.
Natulala ako sa lumabas sa sasakyan dahil si Kuya Tom iyon. "Hey Cassandra, Ricci told me na siya dapat yung susundo sa'yo kaso nalimutan niya. So she asked me if okay lang ba na sunduin kita, so tara na ba?" He asked me.
"Ayos lang po Kuya Tom, tara na po!" I smiled.
Nagpaalam na kami kay mama bago kami sumakay sa sasakyan nila.
"Anak, wag ka magpapalipas ng gutom ah? Mahirap na baka umatake yung ulcer mo," paalala sa akin ni mama. Napaka-concern talaga, kinikilig ako kay mama. "Opo ma, 'wag ka na po malungkot, 4 days lang naman po yun," sabi ko pa.
Bago ako sumakay ng kotse nila Kuya Tom. Dali-daling pumunta si ate sa'kin para yakapin ako. "Galingan mo sis ha? Bring home the bacon okay? Mamimiss kita. Ingat ka dun ah?" She said while hugging me.
"Oo ate, bilhan nalang kita ng souvenir. Alam ko naman na iyon yung gusto mong sabihin eh. Nahiya ka pa." I said while laughing because of her reaction.
"Basta ingat ka dun, bye na."
Tumango nalang ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya sa akin. Nagpaalam na ako sa kanila dahil baka mapag-iwanan ako.
Wala pang ilang minuto ay nakarating na kaagad kami sa school dahil malapit lang naman yung bahay namin dun.
Ilang sandali lang din ay nakarating na si sir. "Kumpleto na ba kayo?" Tanong ni sir sa amin.
Sabay-sabay naman na nagsitanguan ang lahat dahil mukhang halos excited kami pare-parehas.
"So, andun na yung jeep na sasakyan natin sa may bakanteng lote papuntang Los Baños. Magkikita-kita daw muna sa may Central at sabay-sabay na bibiyahe papuntang Los Baños," dagdag pa ni sir.
Pagkarating namin sa may bakanteng lote ay may dalawang jeep doon kaya agad na nagtakbuhan yung mga journmates ko papunta doon.
"Pagkasyahin nyo sarili nyo guys ah? Eto munang mga beddings yung unahin nyo. Sa dulo nyo 'to ilagay para hindi sagabal sa mga dadaan dito," tugon ni Kuya Tom.
Sinunod naman nila yung sinabi ni Kuya Tom. Nakasakay na sila halos lahat at kaming dalawa nalang ni Christine 'ata name nito yung hindi pa nakakasakay.
I approached her. "Christine, tara sakay na tayo. Tabi nalang tayo."
"Sige Cassandra, tara naaa!" Tumawa siya bigla. Mukha namang jolly din 'tong isang 'to kaya natuwa ako. Grade 9 siya at siya naman yung news writer ng Ang Ugat.
Mabilis lang yung biyahe namin sakay ng jeep dahil wala namang traffic, umaga at wala pang masyadong sasakyan na dumadaan.
Pagkarating namin sa Central, halos nandun na lahat ng jeep kaya pinayagan na din kami na bumiyahe para nakarating ng maaga sa Los Baños at makapaglibot-libot pa doon.
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Ficção AdolescenteCassandra Golez is a talkative and a serious kind of woman. She's a campus journalist, an editorial writer to be exact. But someone came into her life, is he the one that will make Cassandra leave the world of Campus Journalism? Or the one that wil...