Kabanata 20

861 26 22
                                    

Pagkarating ko sa bahay para na naman akong ewan, epekto din siguro yun nung mga sinabi sa akin ni Andrei sa akin.

Bigla na naman akong nanghina dahil paniguradong magkikita kami ni Andrei sa Cliniquing. Hindi maiiwasan yun panigurado.

Pwede bang magback-out nalang? Yung feeling na ansaya-saya mo dahil pasok ka para sa Regionals tapos ganiyan yung mga salitang bibitawan sayo?

Inspirasyon ko lang naman siya e. Bakit niya masyadong binibigdeal yun? Ano bang nagawa ko sa kaniya para saktan niya ako ng ganito? Masakit e.... Masakit sa puso.

Pumasok nalang ako sa loob at umaktong walang nangyari kahit nasasaktan talaga ko ng sobra-sobra.

Nadatnan ko si mama sa may sala na nanonood ng TV.

"Anak, kain ka nalang ng dinner diyan ah? May pagkain pa naman diyan," sabi sa akin ni mama.

Tumango nalang ako at mabilis na tumungo sa aking kuwarto. Kung ayaw niya akong makita hahayaan ko nalang siya, hindi lang naman siya yung makakasalamuha ko doon e.

Mabigat ang talukap ng mata ko dahil sa pag-iyak kaya mabilis akong nakatulog at nakaligtaan ko ng kumain ng hapunan.

Pagkagising ko kinabukasan agad akong nagmadaling mag-ayos ng sarili ko dahil may pasok pa ako. Kahit medyo pagod pa yung katawan ko ay pumasok na ako dahil pag hindi pako pumasok paniguradong tambak nako ng mga gawain pagbalik ko.

Kailangan kong pumasok at maghabol ngayong linggo dahil next week wala na naman ako para sa training ng Regionals. Ayaw ko naman mawala sa with honors kaya kahit ang sakit ng ulo ko gora pa din!

Nasa may gate palang ako ng school namin nakita ko na agad yung tarpaulin na nakadikit dun at nandun yung mukha ko.

Halaaaa! Nakakahiya yung mukha ko dun! Huhuhuhu bakit yung naiyak pako yung nilagay nila sa tarpaulin. Pero nakakatuwa pa din kasi kahit papano narecognize nila kami.

Nasa may hagdan palang ako ng Drafting Building ng dinumog ako ng mga kaklase kong hindi nakapunta kahapon. Yung iba naman nagtitilian.

Pereng tenge nemen eh! Kenekeleg ako! Huwag kayong ganiyan.

Pagkapasok ko sa room binati kaagad ako nung TVE-Teacher ko. "Congrats Golez," nakangiti niyang bati sa akin sabay lapag ng mga papel sa table ko.

"Ayan lang naman yung mga plates, quizzes at tests na ginawa namin nung mga araw na wala ka dito. Goodluck!" nakangisi niyang tugon sa akin.

Bwiset talaga oh! Kakarating ko lang maghahabol na naman ako. Hindi man lang nila ipinagpaliban yun, kahit bukas man lang sana nila sinabi para kahit papaano nakapaghanda ako...

 Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon