Jermaine Samonte was a college student living a relatively ordinary life until he stumbled upon an extraordinary problem: an annoying ghost named Tucker. The loss of his parents in a tragic accident had already left a deep scar on his heart, but he...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"About our deal," sabi ni Jaxen habang iniaabot sa akin ang isang sobre na agad ko namang tinanggap. "Nakuha ko ang mga impormasyon na 'yan sa tulong ng isang bagong estudyante. Akalain mo, nakatira pala sa isang mansyon si Slade? Grabe, sobrang yaman pala ng taong pakakasalan ni Nikolai."
Binuksan ko ang sobre at sinilip ang mga larawan sa loob. Suot ni Slade ang uniporme niya kasama ang dalawang babaeng kaibigan. Sa huling litrato, makikita ang lima silang magkaka-akbay na nakatalikod sa camera habang nakatingin sa isang magarang mansyon—at si Slade lang ang nag-iisang lalaki sa grupo.
"Kilala mo ba ang mga kasama ni Slade sa litrato?" tanong ko kay Jaxen.
"Sina Cheska at Joey lang ang alam ko. Mukhang wala yata sa bansa ang dalawa."
"Joey? You mean, 'yung nursing student na nanalo sa popularity award last year?"
"The one and only," sabi niya habang ipinapakita ang litrato nina Slade at Joey. "Kapatid ni Slade si Joey, halata naman sa mukha. Ang ganda ng lahi nila, 'no?"
"Bakit ngayon ko lang nalaman 'to?" tanong ko sa sarili habang nakatitig sa mga litrato. "Ano ang program niya, by the way? Hindi ko siya nakikita sa campus. Si Nikolai nga, na may pagka-detective, hinahanap pa rin siya hanggang ngayon."
"Mechanical engineering."
Muli kong sinuri ang mga litrato. Hindi ako makapaniwala na sobrang lapit lang pala ng taong hinahanap namin.
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Jaxen, pumasok ako sa una kong klase. Laking pasasalamat ko na naunahan ko ang professor namin ngayong umaga; kung nahuli ako, baka hindi ako papasukin—at hindi bagay sa akin ang mahuli.
"Jermaine..."
"May kailangan ka? How did you get in here?" Gulat kong tanong kay Tucker, na ngayon ay nakaupo sa upuan sa likuran ko. Kumaway pa siya at ngumiti nang may kalokohan. Kung pwede ko lang patayin ang multong 'to!
"Sinundan kita kanina, kaso nakakita ako ng aso kaya naligaw ako. Bigla namang sumulpot si Jeanne at itinuro kung nasaan ka," paliwanag niya, parang batang nagpapaliwanag sa magulang.
"Jeanne? At sino naman 'yan?"
"Ang batang multo na palaging nakasunod sa 'yo. Hindi mo ba alam pangalan niya?"
"Bakit ka nandito? Sinabi ko sa 'yo na sa bahay ka lang manatili!" Tumingin ako sa harapan at laking gulat nang makita ang buong klase na nakatingin sa akin. "Anong tinitingnan niyo? Kinakabisado ko lang 'yung mga linya ko para sa play."
Agad nag-iwas ng tingin ang mga kaklase ko, pero narinig ko ang nakakasawang bulungan nila. Sinamaan ko ng tingin si Tucker, na ngayon ay nakatayo sa harapan ko at nakapamewang.
Buwisit, pahamak talaga ang multong 'to.
"Mamaya ka sa akin," I mouthed.
"Sure, babe. Maghihintay ako hanggang sa makauwi tayong dalawa." tugon niya at nagbigay pa ng isang flying kiss bago maglaho.