Chapter 4: Way Back Home

322 24 15
                                    

GABI NA NANG makauwi ako ng bahay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

GABI NA NANG makauwi ako ng bahay. Ilang kanto ang pinuntahan ko, pero hindi ko mahanap-hanap si Tucker. Kaunti na lang at maniniwala na talaga akong nilayasan ako ng multong iyon, o baka naman kinuha na ng liwanag sa kakulitan.

Humiga ako at nakipagtitigan kay Alexis. Naalala ko noong bata pa ako, matatakutin ako sa mga multo sa puntong hindi ko sinasara ang pintuan ng banyo. Pagkatapos ng aksidenti, akala ko isang sumpa itong nangyari sa akin—hindi pala. Mas lalo kong naintindihan ang kanilang malungkot na buhay. Walang taong nakakakita, kaya malabong magkakaroon sila ng pag-asa.

At ito ako, binaliwala ang kanilang presesnya kahit nasa tabi ko lang sila.

"Alexis," tawag ko sa pangalan niya. Nakita ko siyang tumango bago kumaway sa aking direksyon.

"Babalik si Tucker, may pinuntahan lang saglit ang batang iyon."

"Alam mo kung nasaan siya?" Hindi ko makapaniwalang tanong. Bumangon ako sa pagkahiga at tiningnan kung anong oras na.

Sa ikalawang pagkakataon ay tumango si Alexis. "Hinanap ni Tucker ang sinasabi mong tunnel. Wala namang mawawala sa kanya kung susubukan niyang hanapin 'yon, 'di ba?"

"Bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin? Nag-alala ako sa wala."

"Uh, kasalanan ko pa ngayon kung bakit ka nag-alala kay Tucker? Hindi mo naman ako tinanong, kaya hindi ko sinabi kung nasaan ang hinahanap mo."

Kinuyom ko ang aking kamao. Pinipigilan ko ang sarili na hindi mainis. Walang patutunguhan kung magalit ako sa isang multo. Ako lang ang matatalo sa huli, kaya huwag na, magsasayang lang ako ng oras.

Natuon ang pansin ko sa pintuan nang may kumatok ng limang beses. Tiningnan ko si Alexis sa huling pagkakataon bago pinagbuksan ang isturbo sa buhay ko. Isang malawak na ngiti ang ibinungad ko kay Nikolai.

Kapag may taong limang beses kumatok sa pintuan, ibig sabihin ay si Nikolai ang kumakatok. Tatlo naman kung si Yohan—tamad ang taong 'yon kaya binabaan ko ng dalawa. Hindi na ako mag-abalang sabihin kung ilan kay Hagen dahil kahit ako ay walang ideya sa daming katok na kaya niyang gawin sa loob ng limang segundo. Para bang may emergency sa tuwing kumakatok ng pintuan ang lalaking iyon.

"May maitutulong ba ako sa 'yo, Nikolai?"

"Ihatid mo muna si Jaxen sa sakayan. Hindi pa kasi bumabalik si Yohan at si Hagen naman ay kanina pa nasa banyo. Naghihintay nga pala si Jaxen sa labas."

Itinuro ko ang aking sarili. "Ako? Ihahatid si Jaxen sa sakayan? Bakit hindi ikaw ang maghatid sa kanya? Busy ako."

Ginaya ni Nikolai ang ginawa ko. "Maglilinis ako sa kanilang kalat kanina. Gusto mong ikaw ang maglinis at ako ang maghatid kay Jaxen sa sakayan? Pumili ka."

Umiling ako at mabilis na bumaba ng hagdanan. Walang palingon-lingon akong lumabas ng bahay hanggang sa makita ko si Jaxen. Lalapitan ko na sana siya nang mapansin kong katabi niya ang batang multong palaging nakabuntot sa akin sa paaralan.

Entangled Souls (Boys' Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon