Chapter 14: Rock Bottom

181 7 0
                                    

SI TUCKER KAAGAD ang hinanap ko nang marating ang inuupahan kong bahay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SI TUCKER KAAGAD ang hinanap ko nang marating ang inuupahan kong bahay. Malakas ang kutob kong si Tucker ang nangialam sa cellphone ni Yohan—my friend is too lazy to text me anyway.

May ibang pinagkaabalahan din ang kaibigan ko sa mga oras na 'to. Sana lang talaga at maayos ng dalawang 'yon ang problema nila sa isa't isa.

"Tucker," tawag ko sa kanyang pangalan nang mabuksan ko ang pintuan ng silid.

Dumapo ang tingin ko kay Tucker na mahimbing na natutulog sa higaan. Maraming papel ang nagkalat sa paligid, pati na ang gunting at pira-pirasong laso.

Tahimik akong lumapit sa higaan at agad ngumiti nang makita kung ano ang pinagka-abalahan ni Tucker sa araw na 'to. Pinulot ko ang isang garapon na puno ng mga papel na nirolyo at napansin ko rin ang kulay pulang laso na ginawang pantali sa gitna.

Nagpasya akong ilagay sa tabi ng laptop ang garapon bago nagsimulang linisin ang kalat na ginawa ni Tucker. Sa gitna ng paglilinis ay nakita ko ang cellphone ni Yohan na muntik kong itapon sa basurahan. Iksaktong isasauli ko ito nang may kumatok sa pintuan at bumungad sa akin ang may-ari ng cellphone.

"Cellphone mo," ipinakita ko sa kanya ang cellphone bago tuluyang inabot.

"Paano—"

Nginitian ko si Yohan bago isinara ang pinto. Malakas ang kutob kong iyon mismo ang ipinunta niya sa silid—or maybe not.

Pabalik na sana ako sa higaan nang kumatok muli si Yohan. Walang gana kong pinagbuksan si Yohan na halatang naguguluhan sa nangyari, pero halata rin sa kanyang mukha na masaya siya. Mukhang may nakainom yata ng kape, o baka naman iba ang nainom nito kaya nanggugulo.

"Lasing ka ba?" Tanong niya sa kalagitnaan ng katahimikan.

"Mukha ba akong lasing?" Tanong ko pabalik sa kanya.

"Medyo," walang pasabing pumasok si Yohan habang tinitingnan ang paligid. "May nasungkit ka yata sa bar kanina, ang pula ng labi mo."

"H-ha?"

Nabingi yata ako sa tanong ni Yohan. Wala sa sarili kong hinawakan ang labi ko at hinaplos ito bago kinagat. Bumuga ako ng hangin nang maalala ang nangyari sa loob ng kotse ni Lysa.

Bakit ako nagi-guilty?

"At saka gusto ko ng kausap."

"Oh, nasaan pala si Jaxen?"

Kahit ngayon lang ay gusto kong malaman kung nagtagumpay ba si Jaxen sa aming plano. Kahit nalaman ko ang pinagdaanan ng dalawa ay hindi ko mapigilan na kiligin sa kanilang love story—ganito rin ako tuwing kasama si Tucker.

Bakit naman kasi sa multo ako nahulog? Buwesit.

"Nasa silid ko," umiwas ng tingin si Yohan at saka ginulo ang kanyang buhok.

"Maayos na kayo? O baka naman—"

"Maayos na kami kaya huwag kang mag-alala. Avoiding him was the most stupid decision I've ever made," putol niya sa sasabihin ko. "Kaya nga ako nandito upang disturbuhin ka, may reklamo?"

Entangled Souls (Boys' Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon