DAYS TURNED INTO weeks and weeks turned into months. Patapos na ang summer vacation at ngayong araw ang balik namin sa syudad. Kaunting bakasyon bago magsimula ang internship, medyo abala pero kakayanin para sa kinabukasan.
Nakahiga ako sa kama at wala sa sariling nakatitig sa kisame. Maraming glowing in the darks sa paligid at mas maganda itong tingnan tuwing gabi, kung kailan walang sinag ng araw na makikita.
Nagpasya akong ituloy ang pagliligpit ng mga gamit. I'm too lazy to do it later, lalo na't pupuntahan namin ang isang ilog na malapit sa lugar kung saan ginanap ang summer camp last year. Tama, nasa probinsya kami nina Yohan at Jaxen, at kasalukuyang nakitira sa bahay ni Jaxen. Sa pagkakataon na 'to ay mas lalo kong naintindihan ang buhay ni Yohan. Sa madaling salita ay hindi malapit ang kanyang loob sa kanyang pamilya, pero sinusubukan naman niya.
Ang hirap kapag walang kasamang jowa. Palagi na lang akong inaasar ng mga hinayupak kong kaibigan.
Pagkababa ko sa sala ay nakahanda na ang apat. Nagpaalam kami sa nanay ni Jaxen bago tuluyang pumunta sa nasabing ilog.
"Miss mo na si Tucker, 'no? Aminin."
At nagsimula na naman si Jaxen sa kanyang walang katapusang pang-aasar sa akin. Mabuti na lang at hindi sumama si Hagen at isang tao lamang ang problema ko ngayon.
"Bakit hindi mo kasi sinama rito? One week lang naman at mukhang hindi strikto si Tito Jan, 'di ba?"
Tiningnan ko si Nikolai na naunang maglakad sa amin. "Alam mo naman na may hinahabol na deadlines si Tucker, para makapag-internship next week. Hindi sana ako sasama, but he insisted and told me that I needed a break—that I needed this break."
"In short, destruction ka pala kay Tucker?" Rinig kong tanong ni Jaxen na pinili kong baliwalain. Nang-aasar lang talaga ang loko habang natatawa naman si Yohan sa pinanggagawa ng kanyang nobyo.
"Mabuti naman at pinayagan ng University si Tucker na humabol sa napag-iwanan niyang semester."
Tumango ako sa sinabi ni Nikolai. "Kaso nagkandarapa sa ipapasa niyang research paper. Walang tulog na nga 'yon, e."
"Tawagan mo kaya, Jermaine? Para naman may inspirasyon iyon na tapusin lahat sa araw na 'to." Suhestyon ni Slade at saka inakbayan si Nikolai.
"Oral defense niya ngayon, kaya bawal disturbo. Kapag nakabalik na tayo sa syudad, sa kanila ang diretso ko para naman makalimot ako sa mga panunukso niyong apat."
"Wala ka kasing dalang jowa!" Pagdiin ni Jaxen sa huling salita at saka tumawa na parang walang bukas.
Narating kaagad namin ang ilog. Masasabi kong worth it ang nilakad naming lima, kahit hindi naman masyadong kalayuan sa bahay ni Jaxen. Malinaw ang tubig at parang musika sa tainga ang tunog na nagagawa nito.
Hindi malayo sa puwesto namin ay may nakita akong mga batang naliligo. Halata sa kanilang mga mukha na nag-e-enjoy sila sa kanilang habulan sa tubig habang nag-ala water bender naman ang iba nilang kasamahan.
BINABASA MO ANG
Entangled Souls (Boys' Love)
Storie d'amoreJermaine Samonte was a college student living a relatively ordinary life until he stumbled upon an extraordinary problem: an annoying ghost named Tucker. The loss of his parents in a tragic accident had already left a deep scar on his heart, but he...