Chapter 19: Too Good at Goodbyes

176 8 0
                                    

"Totoo bang pinsan mo si Tucker?" Diretso kong tanong kay Jane nang makalayo kami sa iba na nanunuod ng pelikula sa sala

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Totoo bang pinsan mo si Tucker?" Diretso kong tanong kay Jane nang makalayo kami sa iba na nanunuod ng pelikula sa sala.

Nakita ko ang pagkabigla ni Jane sa tanong ko. "Paano mo nakilala si Tucker? Anong koneksyon mo sa kanya, Jermaine? Kung isa lang itong biro, sabihin ko na sa 'yo, hindi siya maganda—"

"Hindi ako nagbibiro," putol ko sa sasabihin niya. "Alam kong naguguluhan ka, pero may mga katanungan ako tungkol kay Tucker. Jane, I want an honest answer from you."

"Sagutin mo muna ang tanong ko bago kita sagutin, Jermaine."

Magsasalita na sana ako nang sumulpot si Lysa sa tabi ni Jane. Palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa bago siya may ibinulong kay Jane.

Kung anuman iyon, wala akong ideya.

"Are you sure about that, Ly?" Naguguluhang tanong ni Jane kay Lysa.

"One hundred and one percent sure," tinapik ni Lysa ang balikat ni Jane bago bumalik sa sala.

"Anong gusto mong malaman tungkol sa pinsan ko?" Puno ng kalungkutan at guilt ang mga mata ni Jane. Alam kong naging insensitive ako sa pagkakataong iyon, pero hindi ko kayang pigilan ang sarili ko dahil sobrang nalilito ako.

Ano ba talaga ang nangyari kay Tucker?

"Paano namatay si Tucker?"

"Alam ko na alam mo na ang sagot diyan, Jermaine. Pero para ulitin, siya'y nasangkot sa isang aksidente sa sasakyan kasama ang tatay ko noong nakaraang taon."

"Bakit parang lahat ng tao nakakalimutan 'yon? Parang hindi siya pinag-uusapan sa University at hindi rin binanggit ni Lysa tungkol sa kanya."

"Hindi ko alam," umiwas si Jane ng tingin. "Noong bumalik ako ng bansa, ganito na ang sitwasyon. Kung gusto mong malaman kung bakit umalis si Lysa, dahil sa akin 'yon. Gusto ng tatay ko na lumayo ako dito, at sobrang depresyon ko noon. Nagdesisyon ang tatay ni Lysa na mas mabuti kung sasama siya sa akin, at wala siyang choice."

"Hindi ito tungkol kay Lysa, Jane."

Direkta akong tiningnan ni Jane, parang binabasa kung ano ang nasa isipan ko. "Hindi kami umalis ng bahay at walang komunikasyon. Kung ano man ang nangyari rito, o kung ano man ang nangyari kay Tucker—wala kaming ideya ni Lysa."

Bago umalis si Jane, nahawakan ko ang kanyang kamay. "Isang tanong na lang, Jane."

"Ano?"

"May pagkakataon ba na nagalit ka kay Tucker?"

"Ano'ng ibig mong sabihin, Jermaine?"

"OKAY KA LANG?"

Itinuon ko ang pansin kay Lysa at tumango. "Sa tingin mo, okay lang ba talaga ako?"

"Hindi," sagot niya at tinapik ako sa balikat. "So, yung secret door sa likod ng closet ni Tucker, nandoon pa rin."

Entangled Souls (Boys' Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon