"CAN WE TALK?" Mahina ang boses ko, pero sapat na iyon upang marinig ni Tucker.
Dalawang linggo ang dumaan simula nang makalabas ako ng hospital. Nakita ko na lang ang sarili na bumalik at nakatayo sa harapan ni Tucker na halatang maraming katanungan sa kanyang isipan. Gaya ng sabi niya, ilang araw pa bago siya makalabas at matapos ang kanyang therapy.
Sa sobrang tagal ng kanyang tulog, parang nakalimutan ng kanyang katawan kung paano gumalaw. Ilang linggo bago malaman ang resulta at makita kung may pagbabago na nangyari.
At hindi naman iyon ang isyu dahil hospital ito ng Uncle ni Tucker.
"Of course, why not?"
"Sa garden tayo? Para makalanghap ka naman ng sariwang hangin, kung okay lang sa 'yo."
"I like that idea."
Sa araw na 'to nasilayan ko ulit ang ngiti ni Tucker na siyang dahilan kung bakit tumibok muli ang aking puso. Kahit marupok pakinggan, pero ngiti niya ang dahilan kung bakit kumpleto ang araw ko—parang tanga lang.
Kainis.
"Kaya mo bang maglakad nang matagal? Pwede kitang buhatin, kung gusto mo."
"Kahit paunahan pa tayo sa rooftop," pabiro niyang sagot sa akin. "Huwag mo nga akong alalahanin, matibay itong katawan ko."
"Sabi mo, e."
Ngumiti si Tucker bago bumangon sa kanyang higaan. Naunang lumabas sa akin si Tucker at halatang nasasabik. Ako rin naman, nasasabik na makasama siya ulit.
Mahirap makita ang taong mahal mo na hindi ka maalala. Sa bawat pag-ikot ng mga kamay ng orasan ay gusto mo siyang yakapin at iparamdam kung gaano mo siya kamahal. Pero sapat na rin ito na makitang masaya at masigla si Tucker—at least alam kong magtatagal siya sa mundong ginagalawan ko.
Multo man o hindi, walang ipinagbago dahil siya pa rin ang tinitibok ng aking puso.
"So, anong gustong mong pag-usapan natin?" Nakatanaw sa malawak na tanawin si Tucker habang hawak ang safety railings.
"Ikaw."
"Anong ako?" Humarap sa akin si Tucker at saka ako tiningnan ng maayos.
Bumilog ang mga mata ko at saka nagmamadaling tumabi sa kanya. "I mean, ikaw, kumusta ka na? It's been two weeks since I last saw you. Right?"
"Pwede na raw akong makalabas this weekend, isn't amazing?"
Tumango ako at saka tiningnan ang abalang kalsada sa ibaba. "Bakit mo pala iyon nagawa? Alam kong wala ako sa lugar upang manghimasok sa buhay mo, pero nalilito kasi ako sa mga nalaman ko, e."
"Ang alin?" Ramdam ko ang titig ni Tucker sa mukha ko, kaya wala akong nagawa kung hindi tingnan din siya pabalik. "Narinig mo rin pala ang usap-usapan ng mga nurse sa lobby. Wala naman akong ibang dahilan upang wakasan ang buhay ko, Jermaine."
BINABASA MO ANG
Entangled Souls (Boys' Love)
RomanceJermaine Samonte was a college student living a relatively ordinary life until he stumbled upon an extraordinary problem: an annoying ghost named Tucker. The loss of his parents in a tragic accident had already left a deep scar on his heart, but he...