Chapter 15: The Truth Untold

156 7 0
                                    

THE NEXT FEW hours were like a blur

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

THE NEXT FEW hours were like a blur. I have confronted Jane and managed to lock myself inside my room afterward. Nakaupo ako sa higaan habang pinaglalaruan ang aking mga daliri. Sa mga oras na ito ay hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Nalaman ko ang katotohanan, pero nawawala naman si Tucker.

Hinalungkat ko sa bag ang garapon na naglalaman ng mga nirolyong papel. Binuksan ko ito at kumuha ng isa—kahit hindi ako sigurado kung naglalaman ba ito ng sulat.

Ngumiti ako nang makita ang pangalan ko sa napulot kong papel. Maliban sa pangalan ay pinalibutan ito ng maraming 'heart emoji' at sa dulo ay nakasulat ang pangalan ni Tucker. Sa ikalawang papel ay isang mensahe ang bumungad sa akin at rinig na rinig ko ang pagtibok ng aking puso.

Gusto ko man basahin lahat, pero sapat na ang hawak kong papel upang mapanatag ang kalooban ko. Tangina, hindi ko alam na mahuhulog ako nang tuluyan sa multong nagngangalang Tucker Monteverde.

"Mahal din kita. . ." bulong ko.

Itinupi ko ang sulat at itinago ito sa aking bulsa. Nagmamadali akong lumabas ng silid at tinungo ang tabing-dagat. Malamig ang hangin na humahampas sa aking mukha, pero hindi ko ito inalintana nang may makita akong pigura sa 'di kalayuan.

"Tucker," bulong ko sa kanyang pangalan. Gusto kong umiyak nang inakala kong tuluyan siyang umalis.

Kailan ba nagsimula ang lahat?

I don't exactly know when I fell in love with a ghost, but I just did. Subukan ko man alalahanin, pero ang ngiti at ang halakhak ni Tucker lamang ang tangi kong maalala. Kapag nakikita ko siya, hindi ko namamalayan na nakangiti na rin pala ako. Kahit palagi niyang sinusubukan ang pasensya ko ay sinusubukan naman ng puso kong makawala sa kanyang hawla.

Maliliit na hakbang ang ginawa ko patungo kay Tucker. Maraming tao ang dumaan sa aking buhay, pero hindi ko inakala na sa isang multo lang din pala ang aking bagsak.

"Oh," ipinakita ko kay Tucker ang itinago kong papel nang marating ko ang kanyang puwesto. "May gusto ka bang sabihin sa akin? O baka naman may gusto kang ipagtapat, Tucker Monteverde."

Sa bawat araw na nagdaan, gusto kong sambitin ang kanyang buong pangalan. Kahit paulit-ulit ay hindi ako magsasawa at kahit si Tucker na mismo ang magsawa, pangalan niya pa rin ang babanggitin ko sa huli.

Damn it, nagiging mais na ako.

"Nabasa mo na, 'di ba? Ano pang gusto mong marinig galing sa akin? At saka bakit mo binuksan ang garapon? Bubuksan mo lang sana iyon kapag wala na ako, Jermaine."

"Gusto kong marinig, e." Kagat ang labi ko ay sinubukan kong hindi ngumiti at malungkot sa huli niyang sinabi.

"Bigyan mo ako ng dahilan para sabihin ko ng diretso ang nakasulat sa papel, Jermaine. At gabi na, bakit ka nandito sa labas? Ang lamig kaya rito."

"Sasabihin ko sa 'yo ang dahilan kapag sinabi mo sa akin ang nakasulat dito," iwinagayway ko ang papel sa harap ni Tucker at tuluyang ngumiti.

Gusto kong sumaya, kahit saglit—kahit ngayong gabi lang.

Entangled Souls (Boys' Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon