2 years

223 30 3
                                    

                  Pilit kinakalimutan ang mga nakaraan,pilit kinakalimutan ka aking mahal ngunit wala akong magawa dahil ikaw lang ang nasa puso ko aking sinta.
-Liza

Liza P.O.V
2years,dalawang taon mula nung umalis ako,2years nung iniwan ko sila kuya sa Pilipinas,2 years rin ako nagaral sa States at sa 2 years na iyon di ko parin siya makalimutan,mahal ko parin siya.
Ngayong babalik ako,at magstastay upang magaral ng college,hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nakita ko ulit siya.
Sabi ng mga kaibigan ko may nahanap na siyang iba, 1 year ago pa and I can't get over it, Oo kasalanan ko pero ang sakit eh,nang malaman ko yun halos mamatay ako sa sakit,buti nalang kinomfort ako ni Tom,Oo si Tom sinundan niya ako sa States,well hindi naman talaga sinundan,andoon rin kasi parents niya sa States at dahil magkaibigan ang parents namin pinadala rin siya sa States,his my comfort,tinulungan niya ako sa lahat at handa siyang maghintay sa akin pero isa lang talaga yung taong mahal ko eh, Si asungot lang, nawala pa.

Tom: amm Liza?

Liza: huh,bakit?

Tom: kanina ka pa tulala,lalim ng iniisip mo.

Liza: ah,iniisip ko lang kasi mga kuya ko. Miss ko na sila eh.

Tom:yung mga kuya mo lang ba o? May iba ka pang mas lalong iniisip at namimiss.

Liza: tssk,wag ka ngang epal,ganda ng araw ko,sisirain mo!

Tom: sorry naman po! Papunta na daw sila kuya mo susunduin daw nila tayo,nandito na daw sila nang airport mamayang 2:00pm,kain muna tayo,1:00 palang naman eh.

Liza: ah sige..

Tumingun muna kami ng makakainan dito sa airport,pumunta na lang kami sa pinakamalapit baka kasi mapaaga pa sila kuya.
After about 1hr, napaghihintay,yup andito na nga sila.

Kuya JD: Baby Gurll!!!
Sigaw nitong mokong toh,hindi man lang nahiya pinagtitignan na kami ng tao,kahit kailan talaga hindi parin nagbabago,kaya namiss ko sya eh.

Liza:Ano ba naman yan!! Di ka parin nagbabago,Ang ingay mo paring mokong ka!!

Kuya JD: Hoy babaita ka!!! Kahit namiss kita,gugulpihin parin kita!! Makapagsabi ka diyan!! Ikaw nga dami nagbago sayo,Yuck,is that a make up,eww!!
Hahaha nakakamiss naman matawag ulit na babaita.

Liza:tsssk,kahit kailan talaga,di marunong sa kahit na ano,light make up lang toh kuya,wag kang ano! Wag kang oa.
Bigla namang may tumawa sa likod ni kuya JD, sinilip ko at si Kuya Zk ang pinakamiss kong kuya na sweet.

Liza:Kuya!!!
Mabilis akong pumunta sa kanya at agad-agad siyang niyakap habang tawa parin siya ng tawa.

KuyaZK: hahaha hindi parin kayo nagbabagong dalawa, I miss you baby princess. Mas lalo kang gumanda ah,sabihin mo nga sa akin may bf ka na ba?

Liza:kuya naman eh, syempre wala ayoko nga mga mukha ng mga iyon,haha charrot gwapo naman sila,minsan wala lang manners.

KuyaJD:Wow guys tinakwil niyo na ba ako,bilang kapatid huh?! Grabeh napakasakit,hindi man lang ako niyakap nang aking pinakamamahal na prinsesa!
Ang drama talaga ni kuya JD daming alam may pahawak hawak pa sa dibdib niya at kunwaring umiiyak,hay.

Liza: syempre namiss ko rin ikaw.
Sabi ko napapalapit sa kanya at niyakap rin siya.

Kuya Zk: oh Tom,nililigawan mo ba ang kapatid namin?
Nagulat naman ako sa sinabi ni kuya,direct to the point talaga!

Tom: Opo eh, kaso wala eh,ang hirap. Hard to get talaga hahhaa

Nagtawanan naman sila kuya ZK at Tom.

Kuya JD: tara na,at baka kung saan pa toh pumunta.

Sabi ni kuya JD na nililigtas ako,alam ko naman kasi sunod na tanong ni kuya Zk,hindi pa ba ako nakakamove on?
Yun lang naman tatanungin niya eh buti nalang si Kuya JD ang laging nagliligtas sa akin sa mga topic na toh.
Ayaw niya si Tom,
ewan ko rin bakit ayaw niya si Tom,ang alam ko lang si Blade ang gusto niya para sa akin,lagi niya akong iniinform tungkol kay Blade,alam niyang mahal ko parin si asungot,siya kasi laging nakakausap ko,si Kuya Zk kasi busy at may gf narin,wala pang gf si kuya JD kaya yun ako ang pinagtritripan niya araw araw,lagi siyang tumatawag nangangamusta,at syempre nangaasar matatanggal pa ba yun?

Kuya Zk: tara na at malayo pa ang biyahe.
Sumakay na nga kami sa kotse,nagdridrive si kuyaZk tapos si kuya JD sa harap habang kami ni Tom sa likod,mahaba pa ang biyahe at pagod na rin ako kaya natulog na lang ako.

5hrs later
Pagkatapos ng mahabang biyage nandito na ako sa bahay namin.
Namiss ko talaga tong bahay na toh!

Nagpaalam naman na si Tom at dali dali akong pumunta sa kwarto ko, Wala parin pinagbago,ganun parin sweet talaga ng mga kuya ko,hindi ginagalaw ang mga gamit ko.

Bumaba naman ako at nakita kong nakaupo na sila kuya sa sofa,sa sala.

Liza: Kuya's matutulog na po ako,di na po ko kakain. Thank you po sa pagsundo,goodnight.

Kuya's: Sige goodnight!!
Sabi nilang dalawa na nakangiti,kaya pumunta ulit ako sa kwarto ko at niligpit gamit ko tsaka natulog.
Sana nga bukas maganda ang araw na sasalubong sa akin.

A/N: Good day guys
Magtatanong lang ako,sino gusto niyo para kay Liza? Si Tom o si Blade? At gusto niyo rin ba magkaPOV si Blade kung anong nangyari sa kanya nang 2years? Just comment down kung may suggestion kayo.♡♡♡

I Hate You To I Love You(Book 1)✔completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon