Competition^-^

182 19 1
                                    

         "Kahit anong gawin mong pagiiwas sa taong mahal mo, hinding hindi mo,matitiis na magaalala sa kaniya."
-Blade

Liza P.O.V

2weeks na, simula nung nagkita ulit kami ni Blade.

Ni sa 2weeks na iyon, hindi ko na siya nakita pa...
Sinusubukan kong magmove-on, but we all know, it's not that easy.

Liza!
Sigaw ni Hailey,na nagpabalik sa akin sa reyalidad.

Liza!!- Hailey

Liza: Oh bakit?
Sabi ko nang kalmado,habang ang babaitang ito,hinihingal pa.

Hailey: Meroon daw competition bukas, at isang representative sa bawat classroom, ikaw ang naisipan naming isali.

Liza: Huh? Bakit ako pa?! At anong competition na naman yan?

Hailey: Competition, tungkol sa mga hugot.
Pwede kang kumanta, tumula,magdula at kahit na ano, basta maeexpress mo yung hangad mo! Ikaw yung pinili namin kasi magaling ka sa pagtutula, kaya sige na!

Liza: Sige na! Sige na may maggagawa pa ba ako?
Basta yung libre ko ah!

Hailey: Oo na! Maghanda ka na nga!

Liza: Tignan mo toh, nagpalibre lang ako, ang sungit na agad, kuripot!

Hailey: Hoy! Huwag mo akong sinasabihan ng kuripot diyan! Mas kuripot ka! Ni kahit nga binting di mo pinalalampas, tssk!

Liza: ahahaha, oh sige na, mag"prapratice" na po ako "madam"

Hailey: Good!

Liza: tssk! Assuming much!
Sabay lakad ko papuntang library para ihanda na ang pinapagawa nang babaita ay este nang madam ko.

Sumulat ako nang tula, tulang sarili ko ring hugot, tulang sarili kong karanasan, tulang gusto ko iparinig sa taong mahal ko.

Tulang sana naman ay maliwanagan siya,kung bakit ako umalis at iniwan siya.

Gagawin ko toh, para sa kanya, at sana naman, ay mapatawad niya na ako, kahit hindi na maging kami, kahit hindi na niya ako pansinin, marinig niya lang,ang aking dahilan kung bakit kailangan ko yung gawin.

Nagsulat ako nang nagsulat, wala akong pake kung anong oras na, ni hindi ko man lang namalayan na uwian na pala.

Kaya naman, syempre umiwi na, saan pa ba ako pupunta? Ahay! Uwian nga diba? Edi uwi!

Lumabas na ako sa school, at kung minamalas nga naman,umuulan pa.

Hihintayin ko muna na lumipas ang ulan bago ako lumusong dahil wala akong dalang payong.

Mga ilang minuto ngunit hindi parin tumitigil ang ulan, gigil na ako ah!
Magdidilim na kaya naman naisipan ko nang lumusong, bago ko pa man yun nagawa, may nagpigil na sa akin, kaya naman tumingin ako kung sino ba ang humawak sa aking braso.

Napagtanto ko na lang,na siya pala, si Blade.

Blade: Huwag mong hayaang mabasa ka nang ulan,magkakasakit ka niyan.

Liza: ah eh...
Wala na akong iba pang masabi, miss na miss ko na siya, ramdam ko ang lungkot at sakit na dumadaloy sa akin, habang nakatingin lamang sa kanyang matang walang sigla.

Ilang segundo lang kami nagtitigan, hindi rin nagtagal ay iniwan niya ako, gusto kong lumuha kasi kitang kita ko na paalis na siya, ni hindi man lang lumingon, o nagpaalam.

Nagulat na lang ako nang may hawaw na kong payong, ang payong niya.

Liza: Salamat Blade...
Bulong ko na lang sa hangin.
At nagsimula nang maglakad pauwi....


Kinabukasan.......

Competition na nga!
May halong sabik, kaba at lungkot?
Ang aking nadarama, nandito ako ngayon sa stage, at ako na ang next na contestant...

Our next contestant is Ms. Liza Niana Golez, at ang kanyang ilalahad ay ang pagtutula, palakpakan po tayo diyan!!
Banggit nang host sa akin.
Kaya naman bumuntong muna ako bago humarap sa mga madla.

Hi po sa inyong lahat,
Ang aking itutula ay para sa taong minahal ko hanggang ngayon ngunit minsan ko rin siyang pinagtabuyan at iniwan, at sa tulang ito, gusto ko humingi nang tawad at ipadama sa kanya na mahal ko parin siya, ni kahit hindi na maging kami, basta't maintindihan niya lang kung bakit ko siya iniwan...

Awwww

Ayan kasi mangiiwan!!!

Bakit mo kasi iniwan!!!

May rason nga kasi kung bakit niya iniwan!!!
Yan lang naman ang mga sigawan nila, oo masakit man ngunit tanggap ko ito.
Nagumpisa na ako kahit nagsisigawan pa sila...

Pilit kitang kinakalimutan,
Ngunit paano ko naman,
Iyon gagawin,
Kung puso ko'y
Sa'yo parin.

Patawad kong umalis ako,
Patawad kung pinagtabuyan kita kahit na alam kong mahal kita
At minahal mo rin naman ako.

Mga alaala natin
Pilit kumakatok sa aking isipan
Alaala na pilit akong sinasaktan
Dahil ako nga ay nangiwan.

Ginawa ko lang naman yun
Kasi akala ko mas liligaya ka,
Mas magiging ok tayo sa isa't isa,
Pero
Ni kahit ako hindi ko man lang masabi na masaya at kuntento ako,
Sana nga masaya ka,
Kuntento ka na,
Ramdam ko na may iba ka na,
At sana
Hindi kanya sasaktan
Hindi katulad ko,
Na una palang
Ay nasaktan na kita.

Awww!!

Go girl!!!
Sigaw nang iba, habang ako ay di na napigilang umiyak.

Nang ako'y umalis,
Ikaw parin ang nasa isip,
Sa bawat araw at oras
Nawala ka sa aking tabi,
Ako'y laging napapaisip,
Na sana
Masaya ka na,
Sana
May nahanap ka nang iba,
Na magmamahal sayo,
Nang tunay at wagas.

Ako,may masaktan,
Ako,may pinagpalit
Basta ikaw ay may saya ng nararamdaman.

Kung gusto mo akong lumayo
O
Hindi na makita,
Okey lang,
Masaya akong,
Tugunin ang iyong hiling
Huwag ka nga lang
Makitang
Luhaan at may dalang kalungkutan.

Oh aking mahal,
Patawarin mo na sana ako,
Kahit hindi na maging
Tayo,
Kahit hindi na
Bumalik ang dati,
Basta't
Mapatawarin mo ako sa pangiiwan at
Sana maligaya na ang iyong puso
Kahit na hindi na ako,
Ang mahal mo..

Naghiyawaan ang lahat, ngunit hindi ko na sila pinansin pa, at umalis na agad agad sa stage,hindi ko kayang pigilan ang luha ko....

Kaya naman na isipan ko nang umalis at lumabas na lamang....

Malapit na ako sa pintuan nang.....

The next contestant is Blade......
Yan lang ang narinig ko, na nagpalingon sa akin.......

A/N: Abangan...

Ahahahha salbahe Author niyo sorry, uy! Pinagbigyan ko na kayo ah! Try kong mag-update mamaya.

Thank you for reading^-^


I Hate You To I Love You(Book 1)✔completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon