Ang pag-ibig ay hindi biruan,hindi laruan at hindi lang para sa kaligayahan, matutong magmahal ng tapat pero hindi wagas,upang tumagal ang relasyong inyong hawak.
-Liza
Liza P.O.V
Hindi tayo pwede,
pinagtagpo pero di tinadhana
Hindi tayo pwede,
ang mga puso'y huwag nating pahirapan
hindi tayo pwede!!
Kuya JD!! HUHUHU
Kuya JD: Oh bakit? Ang ganda kaya nung song!
Liza: Kuya naman eh, Nakita mong broken ako huhuhu,tapos yan pa ipapatugtug niyo!!!
Kuya JD: ayan kasi masyado kang pakipot! Naunahan ka tuloy ahahhah
Kuya JD: Aray!! Bakit mo ako binatukan! ikaw talagang babaita ka?!
LIza: eh pano? Alam mo na nga pong broken ako,Tapos kanta mo napakadrama, anong gusto mong mangyari sa akin, tumandang dalaga?!
Kuya JD: Oo, ngayon alam mo na,na mahal mo si Blade! Kunwari ka pa!!
Liza: Bahala ka nga diyan!!!
Kuya JD: Asaan ka pupunta?!
Liza: Magmumukmok sa kawarto, mas maiigi pang magkulong sa kwarto kaysa makausap ang hindi matinong tao,Kita mong broken aasarin pa!!
Kuya JD: Hoy babaita bumalik ka dito!!!
JD's P.O.V
Hoy babaita bumalik ka dito!!!
Kahit kalian talaga tong babaeng toh! Hay kastress, sayang naman itong kagwapuhan ko,naiistress lang sa kapatid kong ewan,napakaduwag.
Mabuti pa at tawagan ko na si Blade, nalaman kong hindi natuloy yung kasal at break narin si ni Alexa , so tuloy ang ship ko Wahahahah mas daig ko pa ang chismosa
Ring...Ring...
Hoy Blade!!!
Po kuya JD?
handa na ba yong para sa mamayang hapon?
Opo kuya,siya na lang wala
Good,tandaan mo ah, walang mangyayaring ewan diyan huh?!
Opo naman kuya, good boy kaya toh
Tskk,good boy ka diyan, subukan mo langh,hindi mo na siya makikita!
Opo!!!
Sige na at ihahanda ko na prinsesa mo!
Salamat kuya.
Sige na ang kulit! di ko ibigay yung prinsesa mo diyan eh,ipakain ko pa yun sa dragon
Hindi mo po iyon mapapakain sa dragon eh,nanay yun ng mga dragon eh
Ahahha correct ka diyan, sige na bye.
binaba ko na, at baka kung saan pa mapunta toh, at marinig nung bakulaw.
Speaking of the devil, asaan na ba iyong babaita na iyon?
Hay!!! nasa kwarto nga pala..
Ano ba yan aakyat pa ako,hay tignan mo nga naman, kung hindi ko lang mahal tong babaita na ito, inihagis ko na siya sa bangin.
HOY BABAITA LUMABAS KA NA DIYAN!!!
Liza P.O.V
HOY BABAITA LUMABAS KA NA DIYAN!!!
sigaw ni unggoy ay este ni kuya sa pinto ko,ano na naman bang problema nito!
binukasan ko na yung pinto at baka masira niya pa.
Ano na naman po ba iyon?
Kuya JD: may pupuntahan tayong katrabaho nila Mom and Dad, sumama ka sa akin at baka mabulok ka na diyan sa kwarto mo, at pwede ba magsuot ka ng maganda!
Opo, opo na po, hay daming utos.
Hindi naman na siya sumagot at bumaba na, himala! May himala! chos, magbihis na nga ako at baka kung ano pa ang masabi ng napakabait kong kuya!
pagkatapos kong magbihis,bumaba na ako, Nakita ko naman na hindi pa siya nakabihis, akala ko ba may pupuntahan kami?
Kuya, bakit hindi ka pa nakabihis diyan?
Kuya JD: Ok na itong suot ko, lalaki naman ako, at pogi naman ako kaya di ko na kailangan magpapapogi pa
Liza:Lakas ng hangin hu!!!
Kuya JD: Halika na nga dami mong dada!
Opo andyan na!
sumakay na kami sa sasakyan niya, kakaiba talaga si Kuya JD ngayon, bakit hindi siya umiimik, ang tahimik may nakain ba ito? O nalason,nagayuma o nakulam, luh baka dalhin niya ako sa mangkukulam at ipakain.
Kuya JD! ipapakain niyo ba ako sa mangkukulam?
Kuya JD: Huh? Bakit mo naman yan naisip?
Liza: eh kasi kanina ka pa pi tahimik eh? Baka nakulam ka na tapos ipapakain mo na ako sa mangkukulam! Kuya please huwag! magpapakabait na po ako please huwag niyo na ako ipakain sa mangkukulam!
Aray!!
Kuya JD: Tumahimik ka nga, ang dami mong alam, puro nonsense naman, bakit naman kita ipapakain sa mangkukulam aberrr!!! at bakit ako makukulam?
Liza: Kuya naman ang sakit ng batok mo! Ang dilim naman kasi ditto, saan ba tayo pupunta?
Kuya JD: Basta, malapit na tayo, tumahimik ka na lang diyan kung ayaw mo ipakain kita sa mangkukulam na sinasabi mo? at bakit Nangangain ba ang mangkukulam
Liza: Hindi ko po alam, basta nasagi na lang sa isipan ko hehe
Kuya JD: Ewan ko sayo!
inihinto naman na ni kuya yung sasakyan, bakit ba ang dilim dito nasa gubat pa kami,hay naku nga naman si kuya.
Kuya JD: Oh ayan andito na tayo, bumaba ka muna at maghahanap lang ako kung saan ako magpapark.
Liza: sama na lang po ako sa inyo, ang dilim dito oh!
Kuya JD: HIndi pwede, bumaba ka na nga!
tulak niya sa akin!
kaya bumaba na ako,pagkaclose ko pa lang ng door, umalis na siya kaagad, kahit kalian talaga, ang kuya ko na ito.
HU, nakakatakot,hintayin ko na lang si kuya JD dito
Ang tagal naman ni Kuya JD!!!
Natatakot na ako dito oh!
Kuya asaan ka na?
Baka nakain na siya ng mangkukulam,hindi, sana
Bigla namang may gumagalaw sa mga damo
sobra yung tibog ng puso ko!
pero daga lang pala,
Ano?
DAGA!!!
Tulong may daga!
May daga!!!
A/N: thank you for reading!
Please vote and Comment Thank you.
BINABASA MO ANG
I Hate You To I Love You(Book 1)✔completed
RomansaIsang gangleader na nainlove sa isang ordinaryong babaeng kaaway nya. "Mahal kita kahit ano pang mangyari" "Mamahalin parin kita kahit na magsawa "Kapa sa akin" " Mahal na Mahal kita,at hinding hindi ...