TPC 2

1.9K 48 0
                                    

"Bukas pala samahan mo kami ni Gaia sa mall." Sabi ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin. "Huh? Bakit kailangan ko pang sumama sa inyo?"

"Napaisip ko lang baka kailangan mong mag-make over para wala ng mang bully sayo sa school."

"But this is me, Mason. Nerd talaga ako simulang mga bata pa lang tayo."

"Hindi naman natin babaguhin ang ugali mo. Ang babaguhin lang natin ang itsura mo. Si Gaia ang tutulong sayo para mag-bago."

"Hindi mo kailangan gawin ito."

"Kaibigan kita at gagawin ko ang lahat para sa kaibigan ko. Ayaw kong makitang may nang bubully sa kaibigan ko."

"Sige na nga. May magagawa pa ba ako?"

Kinabukasan pumunta na kaming tatlo sa mall para bumili ng contact lens at iba pang gamit na kailangan ni Nolan.

"Kuya Nolan, huwag ka malikot." Rinig kong sambit ni Gaia.

"Hindi ako sanay na iniiba ang itsura ko. Pasensya na, Gaia." Sagot ni Nolan sa kapatid ko.

Napanganga ako pagkakita sa pagbabago ni Nolan. Akalain niyo iyon may itsura naman pala ang kaibigan ko. Natatakpan lang talaga ng nerd look niya.

"Ano sa tingin mo, kuya?" Tanong ni Gaia sa akin.

"Hindi ako bakla para mag-bigay ng comment, sis."

"Ay, akala ko bakla ka. Makanganga ka kanina wagas. Akala mo pa naman may babaeng dumaan sa harapan mo."

"Sira." Binaling ko ang tingin kay Nolan. "Panigurado sa Lunes ay hindi ka na makikilala ng ibang estudyante at mga kaklase mo sa itsura mo ngayon."

"Kuya." Tumingin ako kay Gaia na nakalahad na ang palad niya. "Yung bayad?"

Kumunot ang noo ko. "Anong bayad pinag sasabi mo diyan?"

"Hindi libre ang pag-tulong ko sayo."

"Hoy, Gaia. Tumigil ka at pinakain kita kanina." Sabi ko. Sa dami pa namang biniling pag-kain kanina na akala mo wala ng bukas. Last supper na ba iyon?

"Um, uwi na ako. Baka hinahanap na ako sa amin."

"Pahatid ka na kay manong."

"Huwag na, Mason. Kaya ko naman umuwi mag-isa."

"No, Nolan. Pahatid ka na kay manong para hindi ka na gumastos sa pamasahe mo. Mahal ang pamasahe hanggang sa inyo, di ba?"

"Sige na nga. Wala rin ako magagawa pa."

"Wala ka talaga magagawa kung si kuya ang nag-sabi. Para rin iyan si daddy, eh." Ani Gaia.

"What do you mean?"

"Lahat na bagay dapat masunod. Sana nga lang kapag ikaw na ang CEO ng DL Corp ay hindi ka maging bossy."

"Hindi mangyayari iyan, sis. Walang magbabago sa ugali ko."

"Maiba tayo, kuya... malapit na pala ang birthday mo, 'no?"

"Yeah, baka magiging busy ako sa araw na iyon. Nagtatrabaho na ako."

"Kausapin kaya natin si daddy na..."

"Ayaw ko iyang iniisip mo. Importante kay dad ang kumpanya kaya hindi ko siya pwede ma-disappoint. Ilang taon pinag hirapan nina lolo Tom at dad ang DL Corp."

"Awww... Never mind na nga lang. Sige, magkikita pa kami ni Calyx ngayon."

"Saan kayo pupunta ni Calyx?"

"May nagyaya kasi sa kanyang babae na makipag date. Eh, ayaw ni Calyx doon sa babae. Humingi siya ng tulong sa akin."

Nandiyan naman si Serena, bakit si Gaia pa ang hinihingian niya ng tulong? At saka ang bata ni Calyx para makipag date ah. Alam kaya nina tita Nicole at tito Theo ang tungkol doon?

Kasing edad ni Gaia si Calyx. Buwan lang ang tanda ni Gaia sa kanya pero close ang dalawa iyan at close naman ako sa kambal na kapatid ni Calyx na sina Stefan at Serena.

Kahit pala weekend ay busy si daddy. Gusto ko pa naman siya kausapin tungkol sa pag-pasok ko sa kumpanya pagkagraduate ko ng college. Kahit mababa lamang ang pag-asa na papayag siya sa kagustuhan ko. Gusto ko kasi sa mababang position muna ako bago maging CEO. Marami kasi ako gusto pag-aralan sa kumpanya para hindi ko ma-disappoint si daddy.

Wala na rin ako magawa ngayong araw kaya nag-pasya akong mag-aral na lamang pero may tumatawag sa akin – si Stefan.

"Hello." Sagot ko sa tawag ni Stefan.

"Insan, busy ka?"

"Hindi naman. Bakit?"

"Nagyaya si kambal lumabas ngayon."

"Sinu-sino ang kasama?"

"Si kambal at ako. Hindi pa kasi sigurado si Mei kung sasama pero ang sabi niya susunod daw siya."

"Hindi ba makakasama si Daisy?" Tanong ko. Inaamin ko may gusto ako kay Daisy pero ang alam ng lahat ay pinsan ko siya dahil anak siya ni tita Sarah kahit hindi sa kanya nang galing si Daisy. Matagal na iyon at bata pa ako mga panahon na iyon. Wala na yung feelings ko kay Daisy. May boyfriend na siya pero hindi ko pa kilala ang boyfriend niya.

"Hindi makakasama si Daisy kasi marami daw siya gagawin tapos bumalik pa yung kinaiinisan niyang tao. Sino nga ba ulit iyon? Gian Carlo yata pangalan."

Simulang umapak kami ng college ay hindi na sumasama sa amin si Daisy. Sabagay nagiging busy talaga kami lalo na't lahat kami ay graduating student.

"Saan tayo pupunta?"

"Sa Albani's restaurant. Kakain tayo doon."

I know that place. Ang kaibigan ni daddy ang may ari ng restaurant na iyan. Sikat na kainan ang Albani's restaurant dahil masasarap ang mga pag-kain. Ang special nila ay ang Italian foods.

"Game. Basta libre niyo ko ah." Naubos na kasi ang pera ko kay Gaia kanina. Nagsisi na ako humingi ako ng tulong sa kanya kung kabayaran pala ay ubusin ang pera ko sa wallet.

"Mag-kita na lang tayo doon ah." Binaba na ni Stefan ang tawag kaya bumaba na rin ako para mag-paalam kay mommy.

"Mommy." Lumingon sa akin si mommy pagkatawag ko sa kanya. "Papaalam lang po sana ako sa inyo na magkikita kami nina Stefan at Serena sa restaurant ni tito Gael."

"Pero wala yung driver. Hinatid si Nolan sa kanila kanina."

Nawala sa isipan ko na sinabihan si Nolan magpahatid sa driver para hindi na siya gumastos pa."

"Magtataxi na lang po ako."

"Mag-iingat ka, Mason."

Pagkarating ko sa Albani's restaurant ay agad akong pumasok sa loob at nilibot ang paningin kung nandito na ba ang kambal.

"Insan." Lumingon ako noong narinig ko ang boses ni Stefan. "Tara. Doon ang table natin."

Sumunod na ako kay Stefan papunta sa table namin. Nandito sa Manila ang kambal dahil dito sila nag-aaral ng college habang si Calyx ay lumuwas rin noong Summer break para dito rin mag-aral.

Umupo muna ako sa harapan ng kambal. "Bakit bigla yata kayo nagyaya ngayon?"

"Pagkagraduate kasi magiging busy na kami ni Stefan sa modelling." Sagot ni Serena.

Hindi ko nga pala nabanggit na isang modelo ang kambal. Nasa dugo na yata nila ang pagiging modelo kung ang mga magulang nila ay dating modelo pala.

The Playful CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon