TPC 23

1.3K 38 2
                                    

Tumingin ako kay daddy nang kumawala siya ng hangin. "Talaga ang mommy mo nakakatakot magalit. Kung may balak kang pakasalan ang ina ng anak mo ay maging handa ka baka matulad ka rin sa akin."

"Dad, kahit magalit pa sa akin si Athena ay tatanggapin ko. Kahit hindi ako ang may kasalanan sa aming dalawa. Mahal ko siya. At saka may balak talaga akong pakasalan siya."

"Kailan mo nalaman na mahal mo siya?"

"Noong nasa Bicol ako. Hindi kasi siya mawala sa isipan ko noon kahit anong gawin ko."

"May alam ba si Nolan? Paniguradong siya ang una mong sasabihan tungkol dito."

"Hindi ko pa nakaka usap si Nolan kasi kagabi pa lang ako umamin kay Athena."

"Ibabalik ko na ang lahat na kinuha ko sayo, Mason."

"Pero napaisip ko na gusto ko pala ang simpleng buhay."

"But you're the only heir of DL Corp. Walang balak mag-trabaho ang mga kapatid mo sa kumpanya."

Iyon na nga ang problema. Ako lang ang pwedeng maging CEO ng kumpanya namin kahit ang mga pinsan ko walang balak.

"Pero kung ano ang ang gusto mong gawin ay gawin mo lang. Ayaw kong matulad ka sa akin na sumuko agad."

"Nahanap niyo naman kami ni mommy."

"Napaisip ako kung paano hindi mag-apply ang mommy mo sa kumpanya bilang sikretarya ko dati. Hindi ko malalaman na may anak pala ako sa kanya."

"Hindi na importante iyon, dad. Ang importante ay ngayon masaya tayo kahit naging strict ka na sa amin. Kung hindi niyo nga ako pinarusahan ngayon ay hindi ko makakasama ng matagal ang mag-ina ko. Gusto ko sila makasama na hindi tinatago sa inyo."

"I'm so proud of you, son." Nakangiting sambit ni daddy pero naluluha ako dahil ngayon ko lang ulit narinig na sinabi ni daddy sa akin na proud siya sa akin.

"Thanks, dad. This time I will not disappoint you."

"Pumapayag na pala ako sa collaboration ng DL Corp at GCA. Tuloy pa ba?"

"I don't know. Mukhang nakalimutan na ni Gian ang tungkol sa collab."

Alam ko ang dahilan kung bakit biglaan nakipag collab si Gian sa amin para i-ligtas si Daisy. Pumayag ako dahil mahalaga rin sa akin si Daisy pero hindi ko masabi sa iba baka ako pa ang maging dahilan. Pero ang balita ko nasa kulungan na ngayon si Gerald Avellino.

"Susubukan kong kausapin si Gian bukas. Bibisitahin ko rin si Daisy."

Masaya akong niyakap si Athena at binaon ang mukha ko sa leeg niya.

"M-Mason?"

Inangat ko ang paningin ko sa kanya pero nakita kong umiiyak siya. "Why are you crying?"

"Natatakot ako sa pwedeng mangyari kay Mika. Ang bata pa niya at hindi ko kayang mawala siya sa akin."

"Shh..." Hinawakan ko ang kamay niya. "Don't say that. She also a De Luca kaya naniniwala akong lalaban siya at hindi niya tayo iiwanan."

Ilang oras kami naghihintay ng may lumabas na ng doctor galing sa operation room. Pareho kami ni Athena tumayo para tanungin ang doctor.

"Doc, musta na ang anak namin?" Tanong ko.

Inalis muna ng doctor ang suot niyang surgical mask saka ngumiti sa amin. Mukhang alam ko na ang resulta ng operasyon. "Success ang operasyon, mr. De Luca. Palaban siyang bata."

"Thank you, doc." Ani Athena.

Humarap ako sa kanya na may ngiti sa mga labi. "Sabi ko sayo hindi tayo iiwanan–"

The Playful CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon