TPC 31

1.7K 37 5
                                    

Athena's POV

Binuksan ko ang pinto noong may kumakatok. Ang akala ko nga si Mason pero si Nolan ang kumakatok.

"May nangyari ba kay Mason?" Kinabahan ako. Sana walang nangyari sa kanyang masam.

"Wala naman." Nakahinga ako ng maluwag. "Kaya ako nandito dahil inutusan ako ni Mason ka sunduin kayo mag-ina."

"Bakit? Ano meron?"

Nag-kibit balikat siya. "Hindi sinabi sa akin ni Mason."

"Okay. Magpapalit lang kami. Pasok ka muna."

Pumasok na siya sa loob. "Pinapasabi rin pala ni Mason na mag suot ka daw ng white dress pero yung komportable ka sa suot mo."

Bakit naman ako pinapa suot ni Mason ng white dress? Pwede namang kahit anong damit ang pwede kong suotin.

Inasikaso ko muna si Mika bago pa ako nag hanap ng white dress na komportable sa akin.

Pagkatapos namin mag bihis ay excited na excited si Mika makita ang daddy niya.

"Ano ba kasi itong pakulo ng kaibigan mo?" Tanong ko kay Nolan.

"Hindi ko talaga alam. Pero kung may alam ako ay hindi ko rin naman sasabihin sayo. I'm sure you know he is scary when he's mad."

Dumating kami sa may garden. Ano naman ang gagawin namin ni Mason dito?

Nakita ko na siya kaya nilapitan ko na. "'Mason."

Humarap sa akin. "Wow."

"Ano meron?"

In fairness ang gwapo niya sa suot niyang tuxedo. Kaso pansin ko rin ang daming tao rito sa garden at ang iba sa kanila ay kilala ko kasama na doon ang mga magulang ni Mason.

"Hindi ba sinabi ko sayo dati na yayain kita mag pakasal kapag okay na tayo."

"Oo, pero hindi mo pa ako tinatanong."

"That's why we're here. I am going to ask you to marry me. Right now. Right here."

"Ano? Ngayon na mismo?" Baka nga manganak ako wala sa oras dahil nabigla ako sa biglaang kasal namin.

"Yes. Hindi na ako makakapag hintay na maging asawa kita kaya gumawa na ako ng paraan."

"Wala na rin naman ako magagawa. Nandito na rin ako sa harapan mo."

Ngumiti ito sa akin. "Thank you."

Nag simula na ang wedding ceremony hanggang nagpalitan na kami ng vows.

"I remember when you asked me to give you a child." Pinalo ko siya sa braso dahil sobrang tagal na noon at napag tripan lang ako ni Emma dati. "Hindi ko nga alam kung ano ang gagawin ko pero binigay ko pa rin sayo ang gusto mo kaya nga mayroon tayong Mika at kambal na parating. Masaya ako dahil nakilala kita."

Masaya rin naman ako dahil nakilala ko si Mason. Hindi ako nagsisi sa naging desisyon ko noon.

"At alam kong malaki ang kasalanan ko sayo dati pero nagawan mo pa rin akong patawarin." Napansin kong tinatawag ni Mason si Mika. "Princess, come here." Lumapit sa amin si Mika at tumabi sa akin. Lumuhod si Mason sa harapan ng anak namin. "Mika, pinapangako ni daddy simula ngayong araw ay aalagaan ko kayo ng mommy niyo at magiging mabuti akong ama sa inyo ng mga kapatid mo. Mahal na mahal ko kayo."

"I love you too, daddy."

Naiiyak ako sa nakikita ko ngayon. Hindi ko inaasahan kakausapin rin ni Mason ang anak niya.

Tumayo na ulit si Mason kaso wala ako masabi. Speechless ako sa nangyari.

"Um, wala akong masabi. Hindi ako handa – I mean, wala akong ideya na ikakasal na ako ngayong araw. Pero heto lang ang masasabi ko sayo, Mason thank you for loving me and our daughter. Wala na akong hihilingin pa."

"Salamat rin." He mouthed.

Pagkatapos ng wedding ceremony ay lumapit na sa amin ang mga magulang ni Mason.

"Welcome to the family, hija." Sabi ng mommy ni Mason.

"Salamat po."

"Mom, bakit po namumula ang mga mata niyo?"

"Kasi naman kanina pang umiiyak ang mommy mo." Tawang tawa sagot ng daddy ni Mason.

"Red, pasaway ka! Humanda ka sa akin pag uwi natin sa bahay."

"Kuya." May isang binata ang lumapit kay Mason. "Congrats po."

"Thank you, Ryan."

May isang babae ang lumapit naman sa kanya. Sigurado akong siya yung kapatid na babae ni Mason.

Humarap sa akin si Mason. "Hindi ko pa nga pala napapa kilala sayo ang dalawang kapatid – sina Gaia at Ryan."

"Hello, ate. Madalas ka sa amin kinukwento ni kuya kaso ngayon pa lang niya kami pinakilala sayo." Sabi ni Gaia.

"Nabanggit na rin kayo sa akin ni Mason dati. Kaya kilala ko na rin kayong dalawa pero gusto ko pa rin makilala kayo ng lubusan."

"Kuya, pwede po bang kunin na muna namin si Mika?" Tanong ni Ryan.

"Sure. Alam ko naman gusto niyo siya makasama."

Umalis na yung mga kapatid ni Mason kasama si Mika. Kitang kita ang saya kay Mika habang nakikipag laro sa kanya ang tito't tita niya.

"Mukhang masaya ang mga kapatid mo na may pamangkin sila."

"Oo. Matagal na nila gustong makilala si Mika simulang nalaman nilang may anak na ako."

Napansin kong may lumalapit sa amin – ang kambal na modelo na pinsan ni Mason at hindi lang sila ang lumalapit sa amin. Kaso pansin ko talagang nasa lahi nila ang kambal.

"Yo, Mason."

"Tumigil ka nga, Riley. Mas matanda pa rin sayo si Mason." Saway ni Serena doon sa kausap niya. I know her and her twin brother - Stefan. Palagi ko sila nakikita sa cover page ng magazine at sa billboard.

"Sorry."

"Nakakapanibago ka, Riley. Bigla ka yatang bumait ngayon." Sabi ni Mason.

"Nag sawa na siguro sa sermon ni daddy sa kanya. Wala ngang araw na hindi nagagalit si daddy kay Riley. Pati nga rin si ate ay sinasabihan na rin siya."

"Nahuli kasi dati ni tito Rocco si Riley sa club na may kasamang babae kaya ayun pinagalitan." Ani Stefan.

"Tapos inaway yung boss niya sa dating pinapasukan at umalis na rin doon. Ayaw naman niyang alagaan si Rinoa."

"Ayaw ko talaga. Ang baho kaya ng poops ni Rinoa at ilang araw na rin ako hindi pinapatulog."

Pinakilala na rin sa akin ni Mason ang dalawang pinsan niya – sina Rico at Riley. Mahirap daw malaman kung sino si Rico at kung sino si Riley dahil identical twins sila pero ang sabi rin ni Mason si Riley ay dakilang pasaway at iyon naman ang baliktaran ni Rico sa kakambal niya. At dahil kilala ko na rin naman sina Serena at Stefan kaya hindi na masyado pinakilala sa akin ni Mason. Pinakilala rin niya sa akin ang iba pa niyang pinsan. Especially, Daisy. Ang cute nga ng anak nila.

"Nasa lahi niyo talaga ang kambal, 'no."

"Yeah. Dalawa sa kapatid ni daddy may anak na kambal. Sina tito Theo at tita Sarah. Ngayon nga lang nagkaroon ng kambal sa side ni daddy."

Tita nga pala ni Mason si Sarah De Luca na isang magaling na fashion designer. Noong nag aaral pa ako ay ang pangalan niya ang madalas kong naririnig sa mga babae kong kaklase.

The Playful CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon