TPC 6

1.4K 49 0
                                    

Nagising ako na may tumatawag sa akin. Sino ba itong nang gigising sa akin?

"Hello?" Sinagot ko na yung tawag habang humihikab.

"Insan."

Tiningnan ko muna yung caller bago binalik sa tenga ko. "Napatawag ka, Stefan."

"Alam kong busy kang tao pero kailangan ko ng tulong mo."

"Ano ba yun?"

"Absent kasi yung isang modelo namin rito sa agency. Kung pwede sana..."

"Alam mong wala akong alam sa modelling, Stafan."

"Sige na oh! Wala na kasi kami pwedeng hingian ng tulong para matuloy yung project. Sayang din 'to."

"Oo na. Pupunta na ako diyan."

Nag-asikaso na ako. Kung hindi ito importante kay Stefan ay hindi ako papayag sa kagustuhan niya.

Pagkarating ko sa agency kung saan magtatrabaho ang kambal ay hinahanap ng paningin ko si Stefan.

"Mason, here!" Binaling ko sa taong tumawag sa akin at nakita ko si Stefan kumaway sa akin. "Pasensya na ah. Nagkaroon kasi ng sakit yung modelo na kasama ko dapat dito sa project."

"May magagawa pa ba ako? Pero ngayon lang ito ah."

"Yes, mr. CEO."

"Huwag na huwag mo kong tatawagin ng ganyan."

Sinamahan na ako ni Stefan sa dressing room at pinakilala niya rin ako sa make-up artist pati rin sa photographer.

"Walang duda na kamag anak mo siya, Stefan pareho kayong gwapo." Sabi noong make-up artist.

"Mag-palit ka na, hijo at magsisimula na tayo." Sabi naman noong photographer.

"Hintayin ka na lang namin sa labas, insan."

Pagkatapos kong mag-palit ng damit at inayusan na rin ako bago lumabas sa dressing room.

"Good luck, insan sa first modelling mo."

"Ewan ko sayo."

Sinusunod namin ang position na gusto ng photographer. Ang hirap pala maging modelo pero mas mahirap pa rin ang maging CEO ng isang kumpanya. Ang dami kasing kailangan gawin tapos minsan may meeting sa kliyente at board member.

Nang matapos na ay nag-paalam na ako kay Stefan at tiningnan ko ang phone ko dahil may unread message galing kay Nolan. Binuksan ko iyon para basahin.

From Nolan;

Sir, I found her. Hindi ko inaasahan kapit-bahay ko lang pala yung babae.

To Nolan;

May nakuha ka bang information tungkol sa kanya?

From Nolan;

Yes, sir. Pupuntahan ko ba kayo ngayon.

To Nolan;

Yes, pumunta ka ngayon sa condo.

Hindi ko na dinala ang kotse ko papunta sa agency baka pawala wala ang paningin ko at maaksidente pa ako sa pagkakataon. Nang makabalik na ako sa condo ay nakita ko si Nolan sa lobby.

Nilapitan ko siya dahilan tumayo siya. "Doon na tayo sa pent house mag-usap."

Pagkarating namin sa pent house ko ay nauna na akong pumasok kay Nolan.

"Ano ang nakuha mong information tungkol sa kanya?"

"Her name is Athena Concepcion. Isa siyang film maker-actress pero mas kilala siya bilang film maker."

The Playful CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon