TPC 29

1.4K 38 3
                                    

"Ano ang ginagawa mo dito?"

Sumulyap ako saglit sa kanya. "Ang pagkaalala ko ay akin itong unit."

Siguro pasikat pa lang yung araw ay pumunta na ako rito at wala pa ngang gising pa sa bahay noong umalis ako.

"Huwag kang mag alala aalis na rin ako rito at kinausap ko na si Mika na sa'yo na siya titira."

Pinatay ko na yung kalan. "I'm sorry."

"Huh?"

Humarap ako sa kanya kaso hindi ako makatingin ng maayos. "I said, I'm sorry. Alam kong mali ako dahil pinairal ko ang gali ko at hindi nakinig sa gusto mong sabihin sa akin."

"Mabuti alam mo."

"Nag bago na ang isip ko. Hindi ko na kukunin sayo si Mika at sana mapatawad mo ko."

"Hindi ko alam kung kaya ko pang patawarin ka pagkatapos mong mag sabi ng mga masasakit na salita sa akin."

"I understand. But can we start again? From the scratch – no, not like that. Basta magsisimula ulit ako. Liligawan ulit kita."

"Bakit pa, Mason? Para saktan ulit ako?"

Umiling ako. "Hindi. Pero dapat bang may dahilan kung bakit gusto kong ligawan ka?"

"Oo, dahil gusto ko malaman ang dahila–"

"Dahil mahal kita. Sapat na ba yang dahilan para pumatag kang mag simula ulit tayo?"

Kapag pinatawad na ako ni Athena ay yayain ko na siya ng kasal. Hindi ko na paglalampasin ang pagkakataon na ito lalo na't may mga anak na kami.

"Pumapayag ako pero kailangan mong paghirapan muna ang lahat para makuha ulit ang tiwala ko sayo."

"Kumain ka na muna. Alam kong bawal kang malipasan." Nilapag ko na sa mesa ang niluto kong almusal. "Hindi ko alam kung ano ang gusto mong kainin. Pero kung may iba ka pang gusto ay ipag–"

"Ano ang sinasabi mo diyan?"

"Alam ko na ang lahat, Athena dahil sinabi sa akin ni Nolan. I know you are pregnant with my twins."

"Paano ka nakaka sigurado na sayo nga ito?"

"Bakit? May iba pa ba?"

Tsk. Hindi ako papayag na may ibang lalaki ang gumalaw kay Athena.

Umiling ito. "Wala. Hindi naman ako ganoong klaseng tao."

"Wala pala, eh. Kaya isa lang ang ibig sabihin niyan... anak ko rin ang kambal."

"Mommy..." Nakita ko si Mika na kinukusot pa niya ang kanyang mata. "Ano pong pag kain?"

"Hi, princess. Good morning."

Tumingin ang anak ko sa akin. "Daddy?"

"Kain ka na rin. Ako ang nag luto ng mga ito."

Nag simula na kumain ang mag-ina ko.

"Musta?" Tanong ko kay Athena.

"Musta ng ano?"

"Yung niluto ko?"

"Masarap. Hindi ko alam na marunong ka pala mag luto."

"Noong high school pa lang ako ay nag aaral ako kung paano mag luto kasi gusto kong umalis na sa puder ng mga magulang ko pagkatapos ko sa pag aaral pero heto ako ngayon nandoon pa rin ako sa bahay nakatira."

Namula ang pisngi ko ng tumunog ang sikmura ko. Hindi nga pala ako kumakain.

Huminto si Athena sa pag subo niya. "Teka nga. Anong oras ka ba pumunta rito?"

"Wala pang araw pumunta ako rito."

"Ibig sabihin hindi ka pa kumakain."

"I'm fine." Sanay na rin naman ako hindi kumakain sa oras dahil sobrang busy ko sa trabaho. "Mamaya na lang ako kakain pagkauwi ko."

"Sasama niyo po ba ako pag uwi, daddy? Iyon po kasi ang sabi ni mommy kagabi."

Ngumiti akong tumingin kay Mika at pinatong ko ang isang kamay ko sa ulo niya. "Hindi ka na sasama sa akin pag uwi."

"Ibig po bang sabihin makakasama ko pa rin si mommy?"

Tumango ako. "Yes."

"Yehey! Narinig po niyo iyon, mommy?"

"Basta alaagan mo ang mommy at mga kapatid mo."

Maya-maya pa ay nag paalam na ako kay Athena na uuwi.

"Saan ka galing?" Bungad sa akin ni mommy pagkauwi ko.

"Kay Athena po."

"Huwag mong sabihin sa akin inaway mo na naman siya."

"Mom, no! Alam ko pong mali ang ginawa ko sa kanya dati at pumunta ako doon para humingi ng tawad."

"Pinatawad ka na ba niya?"

Umiling ako. "Hindi po. Pero gagawin ko ang lahat para patawarin lang niya ako."

"Mabuti naman natauhan ka na rin sa mga pinag gagawa mo, Mason." Lumingon ako kay daddy noong nag salita siya.

Tumango ako. "Dad, sorry sa lahat na ginawa ko."

"Kung kailan ka tumanda doon ka pa lang pumunta sa rebel stage."

"Kumain ka na ba?" Tanong ni mommy sa akin.

"Hindi pa po."

Nahihiya kasi akong kumain sa condo. Pumunta ako doon para kausapin si Athena, hindi maki kain doon.

"Sabayan mo na kami kumain."

Nag simula na akong kumain. Nagugutom na talaga ako para bang nawawalan na ako ng lakas kanina.

"Ano na ang binabalak mo ngayon?" Tanong ni daddy sa akin.

"I'm going to ask her to marry me."

"Sigurado ka na ba diyan? I mean, hindi biro ang pagpapakasal kung wala pang kasiguraduhan, Mason."

"Yes, dad. Sigurado na po ako lalo na madagdagan na naman."

"What do you mean?" Tanong ni mommy.

"Buntis po si Athena sa kambal."

"Shit. May anak ulit kayo tapos hindi pa kayo kasal." Ani daddy.

"Manang mana talaga sayo ang anak mo, Red."

"What? Hindi ako ganyan, Mimi."

"Anong hindi? Buntis na ako kay Gaia noon bago mo ko niyayang magpakasal. Kaya huwag mong sabihin sa akin na hindi ka ganyan."

Tama ang sinabi ni mommy. Buntis na si mommy noong dumating sa amin si Gaia at hindi pa sila kasal ni daddy.

Nag pasya akong puntahan si Stefan sa kanila para humingi rin ng tawad sa ginawa ko.

"Ano ang ginagawa mo rito?" Kunot noo niyang tanong sa akin at siya rin ang nag bukas ng gate.

"I'm sorry. Hindi ko sinasadya ang ginawa ko sayo noon."

Kumawala ng hangin si Stefan. "Kung hindi lang kita kaibigan at pinsan ay magagalit talaga ako sa ginawa mo dati. Basta huwag mo na uulitin 'yon ah."

Tumango ako. "Promise."

"Twin, sino iyang kausap mo?"

Lumingon siya sa likod. "Si Mason." Binaling ulit niya ang tingin sa akin. "Gusto mo bang pumasok?"

"Salamat sa pag alok pero gusto ko muna matulog. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi."

At ngayon pa lang ako dinalaw ng antok kaya gusto ko matulog ulit. Bad timing nga. Kung kailan wala ako sa bahay.

The Playful CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon