TPC 26

1.2K 38 2
                                    

Athena's POV

Grabe ang paghihirap sa akin ni Mason tapos binibitawan pa niya ako ng masasakit na salita. Hindi ako malanding tao para sabihan niya ako ng ganoon.

"Mommy, may naghahanap po sa inyo." Rinig kong sambit ni Mika dahilan pinuntahan ko siya.

May isang lalaki ako nakita sa labas ng unit namin. Actually, kay Mason itong unit at hindi ko alam kung kaya ko pa bang tumira rito pero kung aalis man kami ay wala kaming malilipatan. "Ano ho ang kailangan nila?"

"Kayo ho ba si ms. Athena Concepcion?" Tanong niya.

"Ako nga. Ano ang kailangan nila sa akin?"

"Para sa inyo po." May inabot siya sa akin isang folder.

Kinuha ko sa kanya yung folder. "Salamat."

Sino naman kaya ang magbibigay sa akin ng ganito? Sinara ko muna ang pinto bago buksan ang folder para malaman ang laman nito.

Laking gulat ko ng mabasa ang naka sulat. Tinuloy pa rin ni Mason ang custody para makuha niya si Mika. Wala akong laban sa kanya, mayaman siyang tao. Kaya lamang siya nagalit sa akin dahil nakita niyang hinalikan ako ni Hades noong isang araw. Hindi ko nga alam kung paano niya nalaman kung saan ako nakatira ngayon.

Konti-konti ay nahuhulog na ako kay Mason sa tuwin may padalang bulaklak si Mason sa akin noon kaso ganito ang nangyari sa amin. Kahit nga busy siyang tao ay tinuloy pa rin niya ang pang liligaw sa akin.

Pero hindi ko kayang mawala sa akin si Mika.

"Mommy? Bakit po kayo umiiyak?" Rinig kong sabi ni Mika. Pinunasan ko agad ang luha ko. Hindi ko nga napansin agad na umiiyak na pala ako.

"May dumi lang pumasok sa mata ng mommy." Pilit kong ngumiti sa harap ni Mika. Niyakap ko at doon ulit pumatak ang luha ko.

"Mommy?"

Humiwalay na ako. "May pupuntahan lang si mommy ah. Huwag kang lalabas rito at huwag ka rin magpapasok ng hindi mo kilala." Bilin ko kay Mika. I know my daughter, sumusunod siya sa mga bilin ko sa kanya.

"Okay po. Ingat po kayo."

Nag-pasya na akong kakausapin ko si Mason tungkol sa custody ni Mika. Lalaban ako sa aking makakaya basta huwag lang niya makuha sa akin si Mika.

Pagkarating ko sa DL Corp ay dumeretso ako sa palapag kung saan ang CEO office. Nang makarating ako doon ay si Nolan ang una kong nakita.

Lumapit ako sa desk ni Nolan dahilan tumingala siya sa akin at gulat na gulat pagkakita sa akin. "M-Ms. Athena, ano ang ginagawa niyo rito? Ayaw kayo makita ni sir Mason."

"Wala akong pakialam kung ayaw niya akong makita. Nasaan 'yang boss mo?"

"Ano kasi..." Halatang natatakot siyang sabihin sa akin kung nasaan si Mason.

"Nasaan?!"

Natalon siya sa gulat. "Nasa opisina niya pero ayaw niya rin magpa–"

Parang may pakialam ako kung ayaw niyang magpa isturbo o makita ako. Kahit isa pang kilala ang pangalan nila ay handa akong labanan siya alang-alang kay Mika.

Pumunta na ako sa opisina ni Mason kahit pinipigilan ako ni Nolan. Padabog kong binuksan ang pinto ng opisina niya. "Mason!"

Inangat niya ang tingin sa akin pero binalik ulit sa screen ng kanyang laptop. "What do you want? I'm sure you remember what I told you last time."

"Hindi ako naparito para diyan! Naparito ako para sabihin sayo hindi ako papayag sa kagustuhan mong kunin sa akin si Mika! Handa akong labanan ka alang-alang sa anak ko."

"Oh? Tinatakot mo ba ako, ms. Concepcion?" Sumandal siya sa swivel chair at pinag krus ang kanyang mga braso. "Okay, then. Mag-kita na lang tayo sa korte at tingnan natin kung kanino ba pupunta si Mika."

Hindi na siya yung Mason na minahal ko. Ganito ba siya magalit? Nakakatakot pero hindi ako pwedeng matakot sa kanya. Kung mauuna ang takot ko ay parang pinapakita ko sa kanya na wala talaga akong laban sa kanya.

"Kung wala ka ng kailangan sa akin ay malaya ka ng–" Hindi ko na kaya ang mga pinag gagawa niya sa akin kaya nasampal ko siya. "You have guts to slap me, woman."

Napalunok ako ng tiningnan niya ako ng masama. "N-Nararapat lang sayo 'yan! Hindi lang iyan ang pwede mong matanggap mula sa akin."

Ibang iba na siya sa nakilala kong Mason.

Hindi ako pwedeng umuwi ng ganito ang itsura ko dahil malalaman ni Mika na umiiyak ako ngayon. Kailangan kong kumalma muna.

"Miss, are you okay?" Tanonf niya dahilan na tumingala ako ng may narinig akong boses ng isang lalaki. "Hindi ako masamang tao."

"Masisira ang pangalan niyo kung isa kang masamang tao.

"May point ka diyan. Pero kilala mo ko?"

"Sino ba ang hindi nakaka kilala sa isang Stefan De Luca? Halos lahat na cover page ng magazine ay mukha mo ang nakikita."

Hindi ba ang malas kong tao? Isa pang De Luca ang nasa harapan ko ngayon.

"At kung hindi ako nagkaka mali kamag anak ka ni Mason."

"Kilala mo si Mason?"

"Okay, ganito... lahat na tao ay kilala ang mga De Luca. Alien na lang siguro ang hindi pa nakaka kilala sa inyo."

Tumawa ito. Wala naman nakaka tawa sa sinabi ko ah. "Hindi pala kami sikat sa ibang planeta. Anyway, kung kilala mo si Mason ibig sabihin galing ka sa DL Corp."

Tumango ako. "Oo."

"Tinanggal ka ni Mason? Pero malabo dahil hindi basta-basta nagtatanggal ng empleyado si Mason."

"Hindi ako empleyado sa DL Corp."

Kung maging empleyado ako sa DL Corp tapos ganyan ang ugali ng magiging boss ko ay baka wala pang isang araw resign na ako.

"Kung hindi ka empleyado sa DL Corp, ano ang ginagawa mo? Ay, sorry. Masyado na ba ako maraming tanong?"

Mabuti alam niya.

Kamag anak siya ni Mason kaya kailangan kong umiwas sa kanya.

"Kailangan ko ng umuwi." Nagmamadali na akong umalis baka hinihintay na ako ni Mika.

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Kung saan ba ako kukuha ng magaling na abogado at paniguradong mahal ang sisingilin sa akin ng isang abogado para maipanalo ko lang yung laban.

The Playful CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon