TPC 21

1.2K 41 3
                                    

Mason's POV

Ang dami ko ng pinuntahan na ibang kumpanya kaso over qualified na daw ako o kaya kilala ang pamilya ko. Tsk. Ganito pala kahirap ang mag-apply lalo na kung kilala sa buong mundo ang pangalan namin. Damn.

Nilabas ko ang phone ko ng may tumatawag sa akin – it was Stefan.

"Hello?" Sinagot ko na ang tawag niya.

"Insan, nandito kami lahat sa ospital."

Kumunot ang noo ko. "Bakit? Sino ang nasa ospital?"

"Nanganak na si Daisy ngayon."

"Talaga? Sige, pupunta ako diyan. Hintayin niyo ko ah." Binaba ko na ang tawag. Ang akala nila si Daisy ang unang nagkaroon ng anak pero wala silang ideya maliban kay Mei na may anak na ako at ako ang unang nagkaroon ng anak sa amin magpipinsan.

Habang nasa biyahe ako papunta sa ospital ay i-tetext ko muna si Athena para alam niyang hindi ako makakauwi agad para samahan si Mika.

To Athena;

Sorry kung hindi ako makakauwi ngayong lunch. Nanganak na kasi yung isa kong pinsan ngayon kaya dadalawin ko siya sa ospital. Promise babawi ako sa inyo pag-uwi ko.

Ingat sa pag-pasok and I love you.

Inamin ko na nga kay Athena ang tunay kong nararamdaman para sa kanya at walang biro iyon saka tama ang sinabi ni Nolan sa akin dati na baka mahulog ako sa kanya. Damn you, Nolan. Mukhang ikaw pa ang naging tulay para magkaroon lang ako ng love life.

Nang makarating ako sa ospital ay dumeretso na ako papunta sa delivery room pero naririnig ko na agad ang boses ni daddy. Ibig sabihin nandito rin pala sila.

"Ikaw ang bunso, Sarah pero ikaw ang unang nagkaroon ng apo sa ating apat." Natatawang sambit ni daddy.

"Kuya Theo oh! Ang sama ni kuya Red."

Lumuwas rin pala ng Manila si tito Theo para bisitahin si Daisy.

"Tumigil ka na, Red. Kahit si Sarah ang unang nagkaroon ng apo sa atin ay siya rin ang maraming anak. Aba'y tibay ni Rocco magparami ng lahi."

"Ang sama mo, kuya Theo. Ako dapat ang kinakampihan mo."

At kung alam niyo lang na si daddy ang unang nagkaroon ng apo sa inyong magkakapatid. Hindi si tita Sarah.

Tumawa si tito Theo. "Nasaan pala si Blue? Minsan na nga lang tayo mag-kita kita na apat."

"Hindi makakapunta si kuya Blue kasi hindi niya maiwanan yung project na ginagawa ng team niya."

"Ganoon? Sayang. Akala ko pa naman magiging kumpleto tayong apat."

Para tuloy ayaw kong magpakita sa iba kasi hindi pa ako handa makaharap si daddy pagkatapos nangyaring pag-aaway namin noong isang araw.

"Anyway, Red. Ang balita ko nag-away daw kayo ni Mason. Sa anong dahilan?"

"Sinuntok kasi niya ang isang business partner natin."

"Kilala mo naman si Mason na hindi makikipag away na walang dahilan."

"Oo alam ko dahil sinabi sa akin na nakita niyang sinasaktan noon ang sikretarya niya pero hindi pa rin tama ang ginawa ni Mason. Malaki ang mawawala sa kumpanya dahil doon at maaaring masira ang pangalan natin."

"Hindi sa kinakampihan ko si Mason pero sa unang pagkikita ko pa lang doon ay hindi na maganda mangyayari. Sana sinabi ko sayo na huwag mo na pirmahan yung kontrata na binigay niya sayo noon."

Paalis na sana ako ng may tumawag sa pangalan ko.

"Mason?"

Humarap ako sa kanya. "Serena. Hi."

"Ano ang ginagawa– I mean, bakit hindi mo puntahan yung iba?"

"Sigurado alam niyo na ang nangyari sa amin ni dad."

"Oo, alam na namin ang nangyari sa inyo ni tito Red."

"At hindi pa ako handa maka harap si dad ngayon. Paki sabi na lang kay Daisy at Gian congrats."

Pagkalabas ko ng ospital ay tumatawag sa akin si Nolan.

"Sir, nasaan kayo?"

"Nasa ospital. Nanganak na kasi si Daisy ngayon. Bakit ka nga pala tumatawag?"

"May sunog sa lugar nila ms. Athena."

"Shit. Si Mika?"

"Hindi pa siya nakikita."

"Sige, papunta na ako diyan."

Sinabihan ko yung driver ng taxi na bilisan dahil nag-alala ako kay Mika. Sana ligtas siya.

Pagkarating ko ay malaki na ang apoy at nakita ko agad si Nolan kaya nilapitan ko na siya.

"Nolan." Tumingin siya sa akin. "Si Mika? Nakita mo na ba siya?"

"Sorry, sir. Hindi ko pa nakikita si Mika ngayon."

Shit. Huwag naman sana.

"N-Nasa loob pa ng bahay ko si Mika." Humarap ako sa isang may edad na babae.

"What? Shit." Ginala ko ang paningin ko baka may makita akong tubig. Ayun! Meron akong nakita. Kinuha ko yung balde ng tubig.

"Sir, ano ang ginagawa mo?"

"Ililigtas ko si Mika."

"Hayaan mo na yung mga bumbero ang lumigtas sa anak mo."

"Hindi ko kayang manahimik na lamang dito habang pinapanood na nasusunog kung saan ang anak ko!" Binuhos ko na yung tubig sa akin bago tumakbo sa nasusunog na bahay. Mas pipiliin ko na lang ang mamatay kaysa ang anak ko. Ang bata pa niya.

Tinakpan ko ang ilong ko habang hinahanap si Mika. Shit. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa kanya.

Bumangon na ako kaso napahawak ako sa ulo ko. Wala ako maalala kung anong nangyari sa akin. Kung paano ako nakarating sa ospital.

"Salamat gising ka na, sir."

Tumingin ako kay Nolan. "Ano nangyari? Si Mika?"

"Mawalan ka ng malay habang nasa loob ka ng bahay at nasa ICU ngayon si Mika."

Inalis ko na ang nakakabit na suwero sa akin. "Huwag mo kong pipigilan, Nolan dahil gusto kong malaman ang kalagayan ni Mika."

May benda naman ang isang kamay ko at sa tingin ko nahulugan ako ng nasusunog na kahoy habang nililigtas si Mika. Pero wala ako maalala.

Pagkarating ko sa ICU ay may doctor at ilang nurses ang tumitingin kay Mika pero mukhang napansin ako ng doctor dahilan lumabas siya sa ICU.

"Mr. De Luca, kailangan ng operasyon dahil humihina na ang heartbeat ng bata."

Shit. Hindi maaari ito. Inaamin kong nangako ako kay Mika na magiging normal ulit ang buhay niya kapag gumaling na siya sa sakit niya sa puso pero hindi pa ako naghahanap ng magaling na doctor. At sa kalagayan ko ngayon na wala akong pera para tulungan ang anak ko. Ayaw ko naman humingi ng tulong kay daddy pero ang buhay ni Mika ang nakasalalay rito. Shit.

"Mason..." Lumingon ako sa tumawag sa akin pero lumapit siya sa doctor na kausap ko. "Doc, kamusta na ho yung anak ko?"

"She is stable but she also need an operation immediately."

"M-Magkano aabutin ang operasyon?"

"More or less half a million."

"H-Half a million?! Diyos ko. Saan ako kukuha ng ganoong kalaking pera?"

The Playful CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon