TPC 30

1.4K 41 3
                                    

May narinig akong katok sa pinto kaso hindi ko pinansin. Masyado marami akong ginagawang trabaho ngayon.

"Sir..."

Inangat ko ang tingin. "Yes?"

"Nandito po kasi si mr. Avellino. Gusto niyo ba siyang kausapin?"

Wala ako maalala na may usapan kami ni Gian na magkikita ngayon.

"Sige. Papasukin mo si Gian."

"Pasok na ho kayo."

"Thank you."

Nakita ko na ang pag pasok ni Gian sa loob ng opisina ko.

"Wala akong maalala na may usapan tayo magkikita ngayon."

"Pasensya na kung biglaan ang punta ko ngayon. Masyado kasing marami akong ginagawa sa kumpanya kaya nawala na sa isipan ko ang tungkol sa collab."

"I understand. Naiintindihan ko 'yan bilang isang CEO ng DL Corp."

"Like what I said ako mismo ang magbibigay sayo ng kontrata." Nilapag na niya ang folder na hawak niya kanina sa desk ko.

Binasa ko ang nakalagay sa kontrata. "Sure ka na 25% shares lang ang kukunin mo?"

Tumango ito. "Yes. Isa na tayong pamilya ngayon, Mason dahil pinsan ka ni Daisy at handa akong tulungan kang bawiin ang nawalang pera noong insedente dati."

"Salamat, Gian. Malaking tulong ito para sa kumpanya. Hindi ako nagsisi na ikaw ang kinuha kong business partner." Pinirmahan ko na ang kontrata at saka tumayo para makipag kamayan sa kanya. "Thank you for this."

"Salamat rin sa pag payag na makipag collab sa akin."

Masaya ako dahil mababawi na rin ang nawalang pera sa ginawa ko dati. Pero hindi ako nagsisi na binugbog ko 'yong dating business partner namin. Ang sabi nga ni tito Theo ay may attitide daw iyon.

"Bago ko nga pala makalimutan... pinapasabi ni Daisy na gusto daw niya makilala ang mag-ina mo. Hindi ko alam kasalan ka na pala."

"Hindi pa ako kasal. May anak pero hindi pa ako kasal at pasabi kay Daisy na bibisitahin ko siya kapag hindi ako busy. Gusto ko rin kasi makita ang anak niyo."

"Sige, sasabihin ko kay Daisy iyan. Alis na rin ako kasi kailangan ko pang tulungan ang asawa ko."

Napaka swerte ni Daisy sa naging asawa niya dahil mahal na mahal siya nito. Isa ring CEO si Gian sa isang kilalang kumpanya. Actually, number 2 ang GCA Group of Companies dahil ang DL Corp ang nangunguna.

Pagkatapos ng trabaho ko ay  pumunta na muna ako sa grocery bago dumeretso sa condo unit.

Binuksan na ni Athena ang pinto pagka doorbell ko. "Ano ang ginagawa mo rito? Wala ka bang trabaho ngayon?"

"Isa-isa lang. Kaya ako nandito kasi gusto kong bisitahin kayo ni Mika at tinapos ko kaagad ang trabaho ko. Okay na?" Inabot ko sa kanya ang binili kong ice cream. "Kahit sinabi ng doctor mo na bawal ka kumain ng ganito klase na pagkain pero binili ko pa rin."

Ngumiti sa akin si Athena pagkakuha niya sa paper bag. Ngayon lang ulit siya ngumiti sa akin. "Thank you. Pasok ka muna."

Nilibot ko ang paningin ko. "Si Mika?"

"Sa tabing unit. Naglalaro sila ng bago niyang kalaro."

"May tao na pala sa tabing unit."

"Kahapon lang sila lumipat diyan."

"May good news nga pala ako."

Kumunot ang noo nito. "Ano iyon?"

"Naalala mo yung insidente nangyari dati? Yung mga panahong pinarusahan ako ni daddy?"

Tumango siya. "Oo."

"Mababawi na yung nawalang pera sa kumpanya kasi kanina pumunta yung asawa ng pinsan ko at tutulungan niya ako mabawi ang nawalang pera."

"Basta huwag mo na uulitin ang ginawa mo noon ah."

Tumango ako. "Promise. Basta bang magpakasal ka sa akin."

"Huh?"

Kumurap ko ng marealize ko ang sinabi ko sa kanya. Shit. Bahala na nga.

"Yes. Tama ang narinig mo, Athena. Plano ko sana kapag napatawad mo na ako ay yayain sana kita ng kasal." Sabi ko kaso nakita ko siyang naluluha. "Shit. May nasabi ba ako?"

"Wala naman." Pinunasan na niya ang luha. "Masaya lang ako."

"So, pumapayag ka? Wait, mali ang tanong ko – pinapatawad mo na ba ako?"

"Matagal na kitang pinapatawad, Mason."

"Yes! Thank you." Niyakap ko siya. Hindi ganoon kahigpit. "Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon, Athena. I love you."

"I love you too."

Tumingin ako sa kanya gulat na gulat. "Really?"

"Oo, mahal rin kita."

"Kailan pa?"

"Matagal na. Aamin na sana ako sayo noon pero biglang dumating si Hades sa labas ng unit."

Hades pala ang pangalan ng lalaking iyon. Bagay ang pangalan niya dahil siya ang kontrabida sa love story namin ni Athena.

"Kalimutan na natin ang nangyari noon, okay?" Tumango siya sa akin at ngumiti ako sa kanya. "Thank you talaga."

"Paano ba naman ako hindi mahuhulog sa kagaya mo? Kung araw-araw ka pa naman may bulaklak na binibigay sa akin dati at mapag mahal na ama kay Mika. Maswerte ang babaeng makakatuluyan mo dahil isang Mason De Luca ang magiging boyfriend niya."

"So, sinasabi mo bang maswerte ka? Kasi ikaw itong babaeng minahal ko at ina ng mga anak ko."

Nag-kibit balikat ito. "Maybe."

Sumimangot ako. "Hindi ka maswerte?"

"Biro lang. Siyempre, maswerte ako dahil ikaw ang minahal ko."

Masaya ako ngayong araw dahil okay na kami ni Athena. Iyon lang naman ang gusto kong mangyari, ang mapatawad niya ako sa maling ginawa ko.

"May hindi pala ako natanong sayo noong huling punta ko dito."

"Ano 'yon?"

"Wala ka bang alam na nagdadalang tao?"

"Wala. Kung meron man ay sana hindi ko hinahayaan ang sarili ko sa pwedeng mangyari sa akin."

Kung alam ko lang din na may bunga ang nangyari ay baka hindi ko na lang tinuloy ang binabalak kong kunin si Mika. Kahit ako ang nanalo ay hindi ko magawang sumaya. Ganoon yata kung mahal mo ang isang tao kaya ayaw mo siyang nasasaktan.

Kaso nagawa ko pa rin saktan si Athena.

"Uwi na ako."

"Ingat ka sa pag maneho mo." Lumapit ako sa kanya at hinalikan ang mga labi.

"Mom... my."

Agad naman akong tinulak ni Athena pagkarinig namin ang boses ni Mika.

Napakamot ako ng ulo. "Sige, alis na ako." Humarap ako kay Mika at ginulo ang kanyang buhok. "Did you enjoyed playing with other kid?"

Tumango siya sa akin. "Opo, daddy."

"That's good."

"Aalis na po ba kayo?"

"Yes, princess." Lumuhod ako sa harapan ng anak ko. "Pinapangako ni daddy na malapit na tayo magkakasama na tatlo."

"Talaga po? Yay!"

Masaya ako makitang masaya ang mga taong mahalaga sa akin.

The Playful CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon