TPC 3

1.6K 44 1
                                    

Lumapit ako kay Nolan pagkatapos ng graduation namin. Ang kuya Hans lang niya ang kasama niya. Buti nga pinayagan ni daddy na dumalo si kuya Hans sa graduation.

Inakbayan ko siya. "Musta? Binubully ka pa rin ba ng iba?"

Simula noon ay hindi na kami nagkikita ni Nolan dahil busy na kami lalo na't malapit na ang final exam namin.

"Hindi na. Iba na ang tingin nila sa akin at hindi ako sanay ganito ang trato nila."

Ngumiti ako sa kanya. "Masasanay ka rin sa pag-trato sayo ng ibang tao. Kita na lang tayo–" Naputol ang sasabihin ko ng biglang dumilim ang paningin ko.

"Sir? Ayos lang ba kayo?"

Hindi naman tumagal ay bumalik na agad ang paningin ko at ngumiti kay Nolan. "Okay lang ako. Kita na lang tayo sa DL corp bukas."

"Dederetso na ako doon bukas." Sabi niya na kinatango ko.

Bumalik na ako kila Gaia pero napaisip ako kung bakit biglang nawala ang paningin ko kanina.

"Kuya." Ngumiti ako sa bunso naming kapatid – si Ryan. "Gusto kasi malaman ni ate kung saan mo daw po gustong kumain."

"Bakit ako nadamay diyan? Ikaw itong gustong malaman kung saan tayo kakain pagkatapos ng graduation ni kuya." Ani Gaia.

"Alam kong gusto mo rin malaman kung saan tayo kakain." Sagot ni Ryan sabay labas ng dila kay Gaia. "Bleh!"

"Kayo talaga. Kahit saan. Saan niyo gusto kumain?"

"Doon na lang tayo sa restaurant ni Gael at nakapag reserve na ako doon kanina." Sabi ni daddy.

Nauna na nag-lakad ang dalawa kong kapatid kasama si mommy.

"Pupunta ka ba sa DL Corp bukas?" Tanong ni daddy sa akin.

"Opo. Pupunta rin si Nolan doon."

"Sumabay ka na sa akin bukas papunta doon at sasabay na lang si Nolan kay Hans. Tuturuan ni Hans si Nolan kung ano ang mga gagawin niya kapag siya na ang assistant mo." Tumingin sa akin si daddy. "At ikaw naman ay may magtuturo sayo bukas para malaman mo ang ginagawa ng isang CEO, Mason. Huwag mo ko i-pahiya sa lahat na empleyado ng DL Corp."

Kahit kailan hindi ko pinapahiya ang pamilya ko sa ibang tao. Kahit masungit ang ugali ni daddy ay nirerespeto ko pa rin siya bilang ama ko.

Pagkarating namin sa Albani's restaurant ay sa ibang table nakaupo si daddy habang kausap si tito Gael. Mukhang importante ang pinag uusapan nilang dalawa.

Habang kumakain kami ay ang daming nagtetext sa akin at isa na doon ang kambal.

From Stefan;

Insan, congratulations! Soon to be CEO ka na ng DL Corp.

From Serena;

Our soon to be CEO. Congratulations, Mason.

Ako lang ba ang hindi excited maging CEO ng DL Corp? Ewan ko ba kung bakit hindi ako excited maging CEO. Wala rin naman akong choice dahil ako ang panganay at walang balak kahit sino sa kambal ang maging CEO ng DL Corp kung pareho sila gusto maging modelo. Kaya yung isang branch namin ay si tito Theo pa rin ang CEO.

Maaga ako nagising kinaumagahan dahil alam kong maagang umaalis ng bahay si daddy.

Pagkarating namin sa DL Corp ay binabati siya ng mga empleyado pero dedma lang ni daddy ang lahat na bumabati sa kanya kaya ako na lang bumabati pabalik sa kanila. Alam ko ang ten rules ni daddy dito sa kumpanya at isa na doon ang bawal ang tsismis. May naririnig kasi akong magbubulungan pero mukhang hindi narinig ni daddy iyon.

Nang makarating na kami sa palapag kung saan ang CEO office ay huminto muna si daddy sa tapat ng table ni kuya Hans kaso hindi ko pa nakikita si Nolan. Akala ko ba kasama siya ni kuya Hans pupunta dito.

Tumayo si kuya Hans pagkakita sa amin. "Good morning, sir Red, Mason."

"Good morning rin sayo, kuya." Bati ko sa kanya.

"Hans." Isang seryosong boses ni daddy. Ganito siya kapag nasa trabaho. Nakita ko na kasi si daddy mag-trabaho at sobrang seryoso niya.

"Yes, sir?"

Tumingin muna sa akin si daddy. "Pumunta ka na sa office ko at may papagawa lang ako kay Hans."

"Okay po, dad." Sinunod ko na ang utos ni daddy na pumunta sa CEO office.

Umupo muna ako sa couch habang hinihintay ang pag-dating ni daddy sa office niya. Kinuha ko ang phone ko para alamin kung nasaan si Nolan.

To Nolan;

Saan ka?

From Nolan;

Nasa lobby, sir. May binili lang ako kanina at kababalik ko pa lang.

To Nolan;

I see. Akala ko tulog ka pa kasi hindi kita nakita dito.

Agad kong tinago ang phone ko nang bumukas ang pinto at niluwa si daddy. Hindi ko na nga nabasa ang reply ni Nolan sa akin.

"Like what I said yesterday may magtuturo sayo kung ano ang gagawin mo."

May narinig akong kumatok na kinalingon ko sa may pintuan.

"Come in." Sabi ni daddy at bumukas na yung pinto. Niluwa noon ang isang magandang babae. Sa tingin ko matanda lang siya sa akin ng ilang taon. "Mason, this is Althea. Siya ang magtuturo sayo."

"Hi." Nakangiting bati ko at nilahad ang kamay. "It's pleasure to meet you."

Tinanggap niya ang kamay ko. "Pleasure is mine, sir Mason."

"Althea, ikaw na ang bahala sa anak ko at i-report mo sa akin ang lahat bago ka umuwi."

"Okay po, sir Red."

"Pwede na kayo pumunta sa conference room."

Lunch break na at magkasama kami ni Nolan kumakain sa canteen. Ang dami nga tinuturuan sa akin ni Althea para tuloy ako bumalik sa pag-aaral pero ito naman ang gusto ko mangyari para marami akong alam sa kumpanya namin.

"Sir, next week na pala ang birthday niyo." Tumingin ako kay Nolan. Nawala sa isipan ko ang tungkol sa birthday ko. "Ano ang plano niyo sa araw na iyon?"

Kibit balikan kong sagot. "Dunno. Nakalimutan ko na nga malapit na pala ang birthday ko. Sobrang busy kasi natin mga nakaraang araw tapos paniguradong magiging busy pa ako in the future. At saka hindi kumpleto ang pamilya ko dahil paniguradong busy si dad sa araw na iyon."

"Nandito lang ako lagi sa tabi niyo."

"Heh. I know that but I don't feel to celebrate my birthday."

Normal na araw na lang iyon para sa akin. Hindi gaya sa ibang tao na special ang birthday nila. Maraming handa, masaya dahil kumpleto ang pamilya at nandiyan ang mga kaibigan pero sa akin hindi, masyado kasing busy si daddy sa trabaho kaya nakakalimutan na niya ang mga special occasion.

The Playful CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon