TPC 16

1.2K 45 0
                                    

Mason's POV

Bumangon na ako pero napahamak ako sa ulo sa sobrang sakit. Nagkatuwaan lang kami ng mga tambay kahapon pero hindi inaasahan mapaparami ang inom ko. Ginala ko ang paningin ko sa buong bahay. Ganito na pala kaliit ang bahay ni Athena ngayon. I'm sure may dahilan kung bakit siya lumipat.

Narinig ko ang pag-bukas ng pinto sa kwarto nila at niluwa noon si Athena. "Oh. Gising ka na pala. Musta na ang pakiramdam mo?"

"Masakit ang ulo dahil sa hangover."

"Ano ba ang nangyari at marami kang ininom kahapon ah?"

"Nagkatuwaan lang kami at hindi ko inaasahan naparami ang inom ko." Tumayo na ako pero napansin kong iba ang suot kong damit. "Kaninong damit ito? May iba bang lalaki nakatira rito?"

Tumalikod na siya para pumunta sa kusina. "Huwag kang umasa na may kasama kaming lalaki rito. Kaming dalawa lang ni Mika ang nakatira rito at saka nang hiram ako ng damit sa isang tambay dahil amoy suka ka na."

"Nga pala, alam kong may dahilan kung bakit ka lumipat ng bahay."

"Hindi ako lumipat. Pinatalsik ako ng may ari ng bahay dahil hindi na ako nakakabayad ng renta. Sa tingin mo ba dito ako titira kung gusto kong lumipat?"

"Malay ko ba. Baka gusto mong lumayo o mag-tago sa akin."

"Oo, inaamin kong naiinis at galit na galit ako sayo dahil wala ka ng paramdam sa akin. Kahit text o tawag man lang wala."

"Sorry. Tatawagan sana kita bago kami umalis pero wala na akong oras. Promise, babawi ako sa inyo ni Mika."

Humarap siya sa akin na may tasa ng kape. "Bakit kasama pa ako? Kay Mika ka na lang bumawi." Inabot niya sa akin ang tasa ng kape. "Oh, heto. Uminom ka muna ng kape."

"But I'm not into coffee."

"Huwag na matigas ang ulo, Mason. Kahit ayaw mo uminom ng kape ay kailangan mo ito para mabawasan iyang hangover mo."

Kinuha ko na sa kanya ang tasa. "Salamat."

"Medyo mapait yang kape ah."

Anong medyo? Sobrang pait kaya ng kape na ito.

"Huwag ka na mag-inarte diyan. Okay na 'yan kaysa sa tomato juice ang papainom ko sayo."

"Are you serious? Tomato juice? Fine, pipilitin ko na lang inumin ito." Hindi ko masisikmura ang tomato juice. Mas okay na siguro ang kape kaysa painumon niya ako ng tomato juice.

"Ano ba ang kinakain sa almusal?" Tanong niya sa akin.

"Depende kung ano ang niluluto ni mommy sa agahan at siyempre hindi mawawala ang gatas. Pero noong lumipat ako sa condo ay inuutusan ko na lang si Nolan bumili ng makakain ko at pagkarating ko sa kumpanya kakain na lang ako."

"Ang tanda-tanda mo na tapos umiinom ka pa ng gatas."

"Anong masama kung umiinom pa ako ng gatas? At saka walang pinipiling edad ang pag-inom ng gatas." Nilapag ko na yung tasa sa table. "Ngayon wala na ako masyadong problema na iisipin kaya nag-pasya akong pakilala kayo ni Mika sa pamilya ko."

"Hindi ka pa nga kilala ni Mika bilang ama niya."

"Oo nga pala."

Damn it. Masyadong straight to the point ang babaeng ito. Kahapon pa siya ah.

"Hinahanap ba niya ako?" Tanong ko. Gusto ko talaga malaman kung hinahanap ba ako ng anak ko.

"Oo, palagi niya ako tinatanong kung nasaan ka. Hindi ko nga alam kung ano ang isasagot sa bata dahil wala akong ideya kung nasaan ka."

"I want to know more about her."

"Ang sabi ng teacher niya sa akin gifted daw si Mika dahil sobrang talino. Sayo yata nag-mana sa katalinuhan."

"No doubt. Noong bata pa lang ako ay ako ang first honor. Ang sabi ni mommy nakuha ko ang katalinuhan ni daddy."

"Mabuti nga katalinuhan mo lang ang namana ni Mika sayo, hindi ang pagiging matigas ang ulo."

"Hayaan mo na ko. Minsan lang ako sumaya ng ganito na hindi pinapakialam ng mga magulang ko kung saan ako o kung ano ang ginagawa ko."

"Pasalamat ka nga may magulang nag-alala sayo." Namilog ang mga mata ko ng makita kong umiiyak na naman siya.

Damn it, Mason!

Lumapit ako sa kanya at pinunasan ko ang kanyang luha. "I'm sorry."

"Kahit ako nag-alala sayo dahil hindi mo pa ganoon kilala ang mga tao dito."

My lips curled into a smile. "You're worried because..."

"Responsibilidad pa kita dahil nandito ka sa lugar namin. Wala akong laban kapag nalaman ng mga magulang mo kung ano ang nangyari sayo dito."

"Kahit minsan pinapakialam nila ako ay mababait sila maliban kay dad – I mean, mabait siya noong maliliit pa kaming tatlo pero maging strict siya noong lumaki na kami. Lalo na sa akin dahil ako ang panganay." Hinaplos ko ang pisngi ni Athena at sa hindi inaasahan ay hinalikan ko siya sa labi. Ni hindi nga siya umangal dahil tumugon pa siya sa akin. She does not love me but she kissed me back.

"Mommy..."

Tinulak ako ni Athena sa pagkagulat niya. "S-Sorry hindi ko sinasadyang tulakin ka."

Hindi ko na siya sinagot pa dahil lumapit na ako kay Mika. "Hi. We haven't talk that much yesterday."

"Ikaw po yung lalaking tumulong sa akin kahapon. Nasaan po yung girlfriend niyo?"

"Naku. Hindi ko yun girlfriend. Pinsan ko yung kasama ko kahapon."

Why everyone think Mei is my girlfriend? Hindi ako fan ng incest.

"Sorry po. Akala ko girlfriend niyo yung kasama niyo kahapon."

"It's okay." Ngumiti ako sa kanya. She's pretty like her mother. Inaamin kong maganda talaga si Athena kaya imposibleng walang lalaki ang hindi magkakagusto sa kanya pero sa ganitong sitwasyon walang lalaki ang pwedeng lumapit sa kanya.

"Bakit po pala kayo nandito sa bahay namin?"

"Mika, kain na tayo. Hinanda ko ang paborito mo." Nilapag na ni Athena ang mga hinanda niyang pagkain sa table. "Sabayan mo na kami bago ka umuwi sa inyo."

"Thank you." Umupo na ako sa harap ng hapag. "Nasaan pala yung mga damit ko?"

"Nilagay ko sa labahan. Ibibigay ko na lang sayo sa susunod natin pagkikita."

"Mommy, magkakilala po ba kayo?" Tanong ni Mika saka tumingin sa akin. "Pwede po bang mag-tanong?"

"Sure. Ano yun?"

"Kayo po ba ang daddy ko? Kasi napapansin ko pong parehas tayo ng mata."

Ngumiti ako. Iyon din ang napansin ko pagkakita ko sa kanya kahapon. "Yes."

"Bakit ngayon lang po kayo nagparamdam sa amin ni mommy?"

"I'm sorry. Hindi ko ginusto na wala ako sa tabi mo habang lumalaki ka pero hinanap ko kayo ng mommy mo."

Ang isa ko pang dahilan kung bakit hindi ko agad mahanap si Athena noon dahil out of coverage na ang number niya.

"Ayos lang po. Ang importante nandito na kayo ngayon para wala ng ibang lalaking kasama si mommy. Ayaw ko po kasi may ibang lalaking kasama si mommy maliban sa daddy ko."

Natawa ako sa sinabi ng anak ko. "That's my girl. Lagi mong bantayan ang mommy mo ah."

"Mason?!" Binaling ko ang tingin kay Athena. "Wala akong interest sa ibang lalaki."

"Pero sa akin may interest ka?"

"Wala akong sinabi ng ganyan."

"Mommy, hindi niyo po ba mahal si daddy?"

"Huh? Err..." Hindi na sumagot si Athena sa bata dahil sumubo na siya ng pagkain niya.

The Playful CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon