Chapter 8: Seal The Borders

59 2 0
                                    

Chapter 8: Seal The Borders

Third Person

"Vlad! Ano 'tong nakikita ko ngayon?!" Bungad ni Lauren na aligagang aligaga.

Habang nakatingin si Lauren sa karumal-dumal na sinapit ng mga taong ito ay hindi niya mapigilang masuka muli na narinig naman ni Vladimir kaya kumunot ang noo ng huli at nagsimula na ring magtaka sa mga nangyayari.

"Lauren, ano'ng nangyayari dyan?" Mariing tanong ni Vladimir ngunit nananatili pa rin ang kanyang pormal na tindig at hindi mababakas ang anumang pagkabahala maliban sa kanyang ekspresyong pinagtagpong kilay at nangungunot na noo.

Si Lauren, sa kabilang linya, ay suminghot muna at pinunasan ang kanyang bibig sa kanyang suot na long-sleeve.

"Sabi mo kanina, rogues 'yung umatake dito? Vladimir, I don't think they're rogues... I mean, they look human." Nag-aalinlangang sambit ni Lauren. "Asan ka ba? You should stop your vampires, they're so wild right now." Sumulyap si Lauren sa paligid at nakikita nya ang mga bampira sa na abalang-abala sa kanilang mga kinakain, bakas ang dugo sa paligid sa gabi'ng ito.

"I'll be there in a bit." Tugon ni Vladimir.

Sasagot pa sana si Lauren ngunit pinutol na ni Vladimir ang tawag at humarap ito sa dalawang babaeng kapatid niya na asikasong-asikaso sa sinadya niya rito.

Napatingin rin siya sa kamay niya. Mas malala ang sugat sa pulso niya kumpara sa pisngi nito.

"Kahit anong sugat basta gawa ng isang hybrid, mas mapinsala ito. Hindi din ito basta-basta naghihilom. Kumbaga may sariling lason ang dugo ng napinsala kung sakaling isang hybrid ang may kagagawan nito." Pagpapaliwanag ni Victoria sa kanyang mga kapatid matapos niyang basahin ang journal niyang makaluma.

Nais pa sanang magsalita ni Verona ngunit pumagitna si Vladimir at kalmadong inayos ang suit niya.

"We have to go back to Loxar. There's an urgent call from the hybrid." Tumikhim si Vladimir bago tumalikod ngunit limang lakad pa lamang mula sa naiwang nakatulalang mga kapatid niya ay huminto siya at tinagilid ang ulo. "Sa bahay na natin ito ipagpatuloy." Sambit nito at nagpatuloy nang maglakad tungo sa kanyang sasakyan.

Verona flashed her smile to Victoria. "It only means one thing... uuwi ka na Victoria!" She squealed as she hugs her sister.

Hindi naman mapigilan ni Victoria ang matuwa dahil doon ngunit hindi pa panahon para pag-usapan ang emosyon. Umayos siya ng tayo pagkatapos siyang yakapin ni Verona.

"Let's go home." Usal niya at sabay sila ni Verona na naglakad.

Verona got into her attractive car while Victoria got into her shop and secured it. She went out to get inside her black Rubicon afterwards.

Nasa bungad na ang sasakyan ni Vladimir at si Verona ay kakasunod lang sa nakaparadang sasakyan ni Vladimir. Ginalaw ni Victoria ang clutch at tinapakan ang gas, nasa huling linya siya ng mga sasakyan ng kanyang kapatid.

The engines of their cars roared to life and all three drove off fastly leaving dusts behind the cemented road.

Napangiti si Victoria dahil sa wakas ay makakauwi na siya. After 50 years of being exiled. She will finally be able to go home.

Lauren

Pumasok akong muli sa mansyon at umupo sa isa sa mga upuan sa dining table. Gaya ng nakasanayan kong tanawin, maraming pagkain at prutas ang mesa. Tila hindi ito nauubusan.

Oh well, hindi naman kumakain ang mga bampira nito masyado. They prefer to drink blood.

Inaliw ko ang sarili ko sa pagpipitas ng mga kulay berde na ubas at tinapon ito sa ibabaw ko at tumingala ako. Sinalo ko ang isang bilog na berdeng ubas gamit ang nakanganga kong bibig. Nginuya ko ito at nalasap ko ang tamang asim at sarap nito. Ahh! My favorite fruit!

The Vampire's HybridTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon