Chapter 4: The Diabolical Plan

73 4 0
                                    

Chapter 4: The Diabolical Plan

Lauren

2 weeks till I turn 18 at hindi pa ako nakalalabas sa mansyong ito. I've been here for a week now and all I did was eat, sleep, go to Vladimir's gym na nasa loob lang din ng mansyong ito and to entertain myself, I try to always talk to other people here... well, other vampires, bukod kay Vladimir.

Nakikita ko naman si Verona ngunit hindi siya lumalapit sa akin o ano, nakakapagtaka nga na hindi niya pa ako nilapa o pinalapa sa ibang bampira dito dahil I can see that she hates me very much. I can see the way she looks at me lalo na kapag napapalapit kami ng tinatahak. Well, I'm not here to have a feud over Vladimir's attention and his people. I'm here to seek revenge for my family, lalo na ngayong alam ko na ang totoo.

Bumangon ako sa pagkakahiga ko at nagtungo sa labas ng kwarto ko. I saw a few vampires walking around peacefully, ngunit nang lumabas ako ay lahat sila'y napatingin sa akin at nakikita ko ang talim ng mga tingin nila sa akin at pagbabago ng kulay ng mga mata nila.

Yeah, they don't seem so friendly at all. Vladimir isn't always here as expected. He's a busy person as well as Verona. Ang tanging naiiwan dito ay ang mga bampira sa baba na naglalakad-lakad at tingin ko'y naka gwardya bente kwatro oras. Ni hindi pa ako nakakita ng isang bampirang pagod o natutulog.

I'm left here all alone, with only a phone for contacts only, no mirror nor anything. Ang tanging dala ko ay ang sarili ko and my other needs were provided by Vladimir. Sa yaman nila, lahat nga maaaring hilingin ko ay kayang-kayang maibigay niya sa akin ngunit wala naman akong masyadong hiningi. However, may mga bagay lang talaga daw na hindi niya maaaring ibigay sa akin.

Huminga ako nang malalim nang makita ko na bumalik na sa sarili nilang mga ginagawa ang mga bampira sa baba. Bumaba ako at alam kong lahat sila ay nagpipigil lamang na kainin ako. They seem so scared of Vladimir that they don't dare to even talk to me. I guess hindi rin nila mapigilan ang sarili nila kapag malapit ako sa kanila.

According to Vladimir, mabangong mabango ang dugo ko para sa kanila. Nakakaya namang kontrolin... but if he lets his guards down, paniguradong patay ako dito.

Sinubukan kong lapitan ang isang blonde na babae ngunit nang naramdaman niyang palapit ako kahit nakatalikod siya ay nawala siya bigla sa harapan ko. In a matter of millisecond ay napadpad siya sa malayong tanawin ko.

Huminga ako ng malalim, "Oh well, I need sun." Nagtungo ako sa main entrance ng mansyon at nang unti-unti kong binuksan ito, ay lahat ng mga bampira ay nagsitago sa mga anino ng kung ano. "Oh shit, I'm sorry!" Sambit ko sa kanilang lahat sa loob at nagmamadaling lumabas at sinarado ang pinto.

Naririnig ko pa silang umuungol sa loob at maraming nagalit sa biglaang ginawa ko. Napakagat ako sa labi ko dahil sa guilt. Nang lumingon ako sa likod ay sumalubong sa akin ang sikat ng araw... ang sakit ng mga mata ko nang sinubukan kong salubungin din ito.

Napahawak ako sa mukha ko at tinabunan ito ng mga palad ko. "Shit!" Kaagad akong yumuko at tumakbo tungo sa isang puno na nasa loob lamang ng lote.

Nang sinubukan kong buksan ang mga mata ko ay nanlalabo pa ang mga ito kaya napalaki ang mga mata ko dahil sa gulat. "Oh no!" Baka mabulag pa ako! "No, no, no!" Kaagad kong binalik ang palad ko sa mukha ko at sinubukang kusutin ang mga mata ko. Nang bumuka ako muli ay unti-unting lumilinaw ang mga mata ko.

Napasandal ako sa puno sa likod ko dahil sa ginhawang naramdaman ko. At least my eyes are okay.

"Early stages of vampirism." Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa pormal na boses na narinig ko bigla sa aking tabi.

"Jesus, Vladimir! 'Wag mo akong gugulatin." Sinamaan ko siya ng tingin habang pinilit ang sariling kumalma gamit sa pagpikit ng mariin at hinga ng malalim.

"There's no need for you to mention His Holiness." Sumilay ang tipid na ngiti ni Vladimir habang inaayos ang kwelyo ng kanyang suit.

Hinarap ko siya ng maayos. "You're here." Komento ko. I crossed my arms, "What's happening to me?"

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, not in a judgmental way ngunit para tingnan kung ayos lang ba ako. "It's just my eyes, they hurt as hell nang sinubukan kong tingnan ang araw kanina." Para akong batang nagsusumbong sa kaniyang kuya tungkol sa nangyari sa akin.

"Early stage of vampirism. I mentioned it a while ago, perhaps, you were too bored to even notice me." The formality in his voice was so clear and I can't even fathom how intimidating that was. Ngunit hindi ko iyon pinahalata. I'm not one of his people.

"Yeah, yeah." Umupo ako sa lupa habang nakasandal sa puno at tinititigan ang kawalan ng diretso. "Or perhaps, I'm too busy plotting a diabolical plan to finish off rogues in my head." Sumama ang timpla ng mukha ko.

My rage for the rogues haven't changed a bit. If it did, well, it grew. All my feelings sum up to anger.

Tiningnan ko si Vladimir na nanatiling nakatingin sa akin. He has this habit of staring at me every time we are near or as we speak.

Ngumisi siya sa akin. "Let's hope that diabolical plan of yours to eliminate the rogues won't bring you to death..." nagsimula siyang yumuko habang nagsasalita. "Because that would be too bad for me, you see..." Nanatiling naglalaro ang ngisi sa kaniyang labi at unti-unting lumalapit ang mukha niya sa aking mukha hanggang sa magkapantay na kami. "...You exist because I protect you. You were never truly alone, Lauren, now were you?" His seriousness etched an intimidating result to my head that made my eyes shake... and I hate it. I hate how he made me so intimidated by him.

Nilapit ko din ang mukha ko ng mabilisan sa kaniya. Hindi ako umatras at nagpakita ng kahit kaonting takot. "You will see, Vladimir. You will be there with me when I do it... and you will see everything." Tabang na pagkakasabi ko at hindi siya inurungan ng titig. "Perhaps, you need not to protect me when that day comes."

Nakita kong sumilay ang ngiti sa labi niya pagkatapos ng pagiging seryoso niya sa pakikinig sa akin. Nilahad niya ang kamay niya sa akin at hindi ako nag-atubiling tanggapin iyon. Tumayo ako at binangga siya at naglalad palayo. Pero bago pa ako nakalayo ay nagsalita ulit siya.

"Perhaps... but I will be there. With you, Lauren. I will be there with you."

The Vampire's HybridTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon