Chapter 14: Act of War

39 2 0
                                    

Chapter 14: Act of War

Lauren

All I could think of as of the moment, is my family. I remembered my Dad, how he used to be so gentle to me and my Mom. I saw how much he cared for the both of us. I never did see him as a vampire, he suppressed that fact, leaving me clueless of my true nature.

Wala naman akong problema doon dahil paniguradong hindi ko naman maiintindihan sa mga panahong nandoon pa sila kapag pinaliwanag nila sa akin na isang bampira ang tatay ko. That's okay.

I was happy with them, those were the last times I felt normal. Ngunit malabo na rin ang mga alaala ko sa kanila dahil masyadong bata pa lang ako nang mawala sila sa akin. My auntie became my only family after my parents were gone. At ngayong wala na siya... wala nang natitira sa akin.

Naibuka ko ang mga mata ko at naramdaman itong basa na. Kakagising ko lang ngunit ang sakit na nararamdaman ko ay walang pahi-pahinga. I am still broken and at loss with my family's death.

At alam kong isa nalang ang maaari kong gawin. It is to avenge them. Magbabayad ang mga rogues sa ginawa nila sa pamilya ko.

Napansin kong nasa kwarto ko na ako dito sa mansion nina Vladimir sa Loxar. The room is dark, it's night time, pansin ko sa bintana.

I'm alone in my room. Tinanggal ko ang kumot sa aking katawan at naupo ako sa aking kama. My feet on the cold floor. I tried to feel my body. Wala akong nararamdamang sakit. I suddenly felt so alive tonight. Ilang oras ba akong nakatulog at parang kagagaling ko lang na-super charge?

Tumayo na ako at sinuot ang tsinelas na nasa sahig. I want to eat something. I am hungry. I am thirsty.

Nang makalabas ako sa kwarto ko ay natanaw ko sa dining table si Victoria. Where are Verona and Vladimir? Umiinom si Victoria ng dugo sa kanyang gintong baso. I can smell it from here. Nakaramdam ako ng pagkalam sa aking sikmura. Now, suddenly I felt the urge to drink blood. Shit! Not again!

Kaagad akong napababa at napapunta sa kanya. Hindi ko na napigilan ang aking sarili dahil mas nangingibaw ang aking pagnanasang matikman ang iniinom ni Victoria.

Hindi pa ako tuluyang nakakalapit kay Victoria ay may tinulak na siyang baso sa lamesa. Katulad ng sa kanya. She wasn't even looking at me. Nasa likod niya ako ngunit diretso ang baling niya sa harap ng mesa.

"Come on, drink." She said as she offered me the same goblet that she has. "I know you're craving for it." Humalakhak ito.

From here, I can smell the stronger scent of the blood. Hindi ko napigilang mapakagat sa labi ko, ni pati mga mata ko ay biglaang luminaw ng husto na parang hindi kapani-paniwala, tanging pokus nito ay ang baso sa harap ng upuang  katabi ni Victoria.

Kaagad na akong tumabi sa kanyang pagkakaupo at sinubukang maging pormal sa pagdahan-dahan ng pag-inom.

"You've been asleep for 3 days." Biglaang sabi niya kaya hindi ko natapos ang iniinom ko.

Nailapag ko ito sa mesa at napatitig sa kaniya. Is she serious? 3 days?!

"Don't worry, it'll be your last, longest sleep. If you become a pure hybrid, you'll get one of our traits, hindi kami nakakaramdam ng pagod o antok. One of the perks." Ngumisi ito sa akin at tinaas ang baso niya. "Cheers." Gumaya nalang ako sa kaniya at binunggo ang kanyang baso ng sa akin at tumunog ito na parang bakal.

Napainom ako muli at ngayon ay naubos na ito. Nilapag ko ito habang hawak ko pa rin tsaka tiningnan ang loob nito. The sight of blood excites me and I really crave for more pero pinigilan ko na ang sarili ko.

I can't keep drinking blood when I'm still human. I'm still transitioning. Ayoko namang maadik ako nito, ayokong mawalan ng kontrol sa aking sarili.

The Vampire's HybridTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon