Chapter 29: The Fight
Lauren
Dumating ang gabi at patungo na kami ngayon sa lugar kung nasaan si Vergara at Sandro. I was the one leading everyone pero katabi ko lamang si Verona at Vlad. We were using our superspeed but I could still see him when I looked over to my right, he was serious but he was looking at me too.
Nakasunod sa amin ang buong taga Loxar, everyone was already well-oriented with the plan dahil si Verona na ang bahalang nag-explain sa kanilang lahat 'non.
Dumadaan kami sa kakahuyan, at nakita ko naman 'yung lugar kung saan nagyayari ang mahiwagang gabing iyon kasama si Vladimir. Uminit ang pisngi ko pero isinawalang bahala ko nalang iyon at nagpatuloy sa pagtakbo.
Nakasalubong namin ang di karamihang rogues na basta-bastang inatake ng mga kasamahan namin, hindi iyon naging dahilan upang ma-delay ang pagtakbo namin. We never laid a hand on those who came for us, tanging mga tauhang bampira sa likod namin ang mabangis na pumapatay sa kanila.
Verona, Vlad, and I were just focused on running. Hinahayaan namin ang mga tauhan na ihandle ang mga kalaban. We continued running until we arrived, I stopped which made everyone do too.
Sa harapan namin ay isang cementadong bahay, ito na yun.
"Here we are." Sambit ko habang tinatanaw sa di kalayuan ang mga rogues na nagbabantay sa paligid.
Wala pang nakakasagot sa akin ay biglang nagsilingunan ang mga rogues sa direksyon namin kaya naalarma kami kaagad lalo na nung sa isang iglap ay napadadpad lahat ng rogues dito. They sensed us!
They triggered the vampires behind us. Dahil doon ay sinalubong naman ng mga taga Loxar ang rogues ng mga atake. Nagpapatayan na sila doon, to sum everything up, it ended up in bloodshed. Maraming nakakalat na mga ulo at parte ng katawan.
Muli kong binalik ang tingin ko sa cementadong bahay, napansin kong patakbo na doon si Vladimir at Verona kaya ay sumunod din ako. Iiwan ba nila ako?!
Hindi kami makapasok dahil sarado ang lahat pero sinipa iyon ni Vlad kaya nakagawa ito ng malaking butas sa cemento. Doon kami pumasok at sumalubong sa akin ang isang kutsilyo, everything turned to slow mo at nasundan ko pa ng tingin iyon, dumaplis iyon sa pisngi ko at tumarak sa puno sa di kalayuan sa labas.
Naramdaman kong hinawakan ako ni Vlad at inayos sa pagkakatayo. Binitiwan niya din ako nang makitang pinagaling ko kaagad ang daplis sa mukha ko.
Tiningnan ko ang nasa harapan ko pero wala akong makita, nakaramdam ako ng presensya sa taas ng hagdan at doon ko nakita si Sandro, nakangisi.
Si Verona at Vlad naman ay nasa tabi ko pa rin at tila may hinahanap. Natigil ang paglikot ng kanilang mga mata nang makita ang babae sa likuran ni Sandro. Vergara.
Naikuyom ko ang kamao ko nang lumagpas si Vergara kay Sandro at nakangisi ring tiningnan kaming tatlo dito sa baba. Naramdaman ko naman na ang mga bampira at rogues sa labas ay patuloy sa pakikipagpatayan, naaamoy ko na nga ang masangsang na amoy ng dugong bampira. I could also hear shouts and grunts.
Pero tinuon ko muna ang pansin sa harapan ko nang unti-unting bumaba si Vergara habang dala ang isang baso na puno ng dugo. She was smirking while drinking from it.
I could feel the atmosphere getting heavy. I wondered how Vlad and Verona would feel upon meeting their mother, pero nang nasilayan ko ang mga galit nilang mukhang naka-concentrate lamang kay Vergara ay napagtanto kong pumunta nga sila dito para tapusin siya.
I felt guilty dahil pakiramdam ko ay masasaktan sila sa desisyong gagawin nila pero pinili pa rin nila ito. What might be the reasons?
Narinig ko ang mahinang paghalakhak ni Vergara nang tumigil siya sa pagbaba. Sakto lamang upang tingalain pa rin namin siya at tumingin naman siya sa amin sa baba, samantalang nasa likuran pa rin si Sandro doon sa may itaas na parte ng hagdan.
BINABASA MO ANG
The Vampire's Hybrid
VampirWhen you lose everything only to find out there's more to it than what and where you've been through. When you meet new people... not exactly people but vampires. And when you find out that you are not exactly who you really thought you were; a hybr...