Dionysus Corpuz
@dionysusliam
Hoy! SU ka rin pala nag-aaral?
August 05, 2020, 12:35 PM
Oh? Tapos?
12:37 PM
Para kang tanga! 😠 Itatanong ko lang kung bakit ka umalis pagdating ko kanina? Sabi ng mga friends ko, hinahanap mo raw ako.
12:39 PM
Nahiya ako. Ang dami nakatingin.
12:40 PM
Parang hindi ka sanay kapag pinapanuod ka sa racing!
12:42 PM
Iba 'yon. Performance ko ang focus do'n, hindi ako.
12:44 PM
Really? With that handsome face?
12:45 PM
Eh 'di nagagwapuhan ka sa akin? 😅
12:47 PM
LUH? Gwapo lang sabi ko, 'di kita type.
12:50 PM
Wala naman akong sinabi na type mo 'ko. Ikaw nakaisip n'yan, 'di ako. 😏
12:51 PM
LECHE!
12:52 PM
FLAN 😂
12:53 PM
Corny!!
12:55 PM
Ba't ka nga nagpunta sa room? Paano mo nalaman schedule ko? Stalker ba kita!?
12:55 PM
Feeling mo. Nagtanong lang ako sa kakilala kaya ko nalaman.
12:56 PM
Balik ko lang 'yong sobra sa bayad mo. May discount akong nakuha, eh.
12:58 PM
Sa'yo na. Para sa abala.
01:05 PM
Tsaka... baka gusto mo manuod ng race sa Saturday?
01:07 PM
Crush mo talaga ako, 'no? Ayaw pa aminin!
01:10 PM
ASA! Sobra lang 'yong tickets! 'De 'wag na! 😤 Naisip ko lang mahilig ka naman yata kaya ko ibibigay. 'Di ba sa track tayo unang nagkita? Bago mo binunggo sasakyan ko sa parking!
01:13 PM
HAHAHAHA init ng ulo! 😂 'Di ako mahilig, sinamahan ko lang si Theo no'n. Kaso bigla siyang nawala kaya mag-isa na lang ako no'ng nabangga kita sa parking.
01:15 PM
G ako pero pwede ko ba siya isama?
01:18 PM
Pambabae lang 'tong ticket.
01:20 PM
Ay may gender na pati ticket!? 😂
01:21 PM
Basta! Ikaw lang inaya ko! 'Wag ka na mag-aya kung sinu-sino!
01:23 PM
Eh 'yong friends ko kanina? Pwede? Babae naman sila. Tutal sabi mo, 'pambabae' lang 'yan. 😂
01:25 PM
Sige. Ikukuha ko sila ng tickets.
01:27 PM
Sus! Ayaw mo lang kay Theo, eh! 😝
01:28 PM
Wala akong sinabi. Sabi ko lang, walang ticket para sa kanya.
01:30 PM
Payag naman ako kung crush mo 'ko! Crush lang ha?
01:32 PM
Ewan ko sa'yo! 😒 Daan ako bukas sa room mo. Bigay ko sa'yo tickets. 'Wag mo sayangin ha! Manuod ka!
01:34 PM
Sige. Baka kailangan mo inspiration, eh! 😜
01:35 PM
Oo na lang!
01:36 PM
BINABASA MO ANG
Only One
RomanceOf Gods and Mortals VI: (Dionysus & Ariadne) Out of all the trophies and achievements, the only thing worth winning for him is her heart.
