CLIX.

286 15 1
                                    

EXT. INTRAMUROS — EARLY EVENING

Ariadne and Dionysus are walking along Fort Santiago. It's a quiet night as they stroll the historic place with just the two of them. It's late so they have the place to themselves which they both prefer.

Hindi naman kailangan ng maraming tao para masaksihan ang dalawang tao na bumuo ng tapang para bumalik sa buhay ng isa't isa. Kahit silang dalawa lang, ayos na.

DIONYSUS
Dito ko unang sinabi sa'yo na gusto kita.

ARIADNE
Oo. 'Yung diretso mong inamin.

DIONYSUS
Ikaw ba? Kailan mo nalaman na gusto mo 'ko?

Hahawakan ni Ariadne ang kamay niya habang sabay silang naglalakad. Mukha silang tanga pareho habang nakasuot ng pink at pula na pajamas pero hinayaan lang nila. Masyado nang maingay ang mundo kaya ayaw na nilang makinig. 

Right now, what matters it just the two of them. In their own little world. And that is enough.

DIONYSUS
Dahil kay Nikaia?

ARIADNE
Hindi.

DIONYSUS
Kailan nga?

ARIADNE
Noong sorry ako nang sorry. Tapos hindi ako makalayo kahit noong umaayaw ka na.

DIONYSUS
Gusto mo na ako no'n?

ARIADNE
Oo. Ang tagal lang bago ko inamin. Kasi akala ko, kay Theo pa rin eh. Alam mo 'yon? Comfort zone. Tapos natakot ako. Kasi sobrang tapang mo, baka hindi ko masabayan.

DIONYSUS
Hindi naman ako nagbibilang. Gano'n naman, 'di ba? On bad days, there will be times that I will be the one who's braver or you. On good days, we can both be brave.

DIONYSUS
Katulad no'ng naduwag ako, ikaw 'yung naging matapang para sa ating dalawa. Tapos sa'yo ko kinuha 'yung tapang ko ngayon. Kasi wala naman akong ibang gustong hantungan, ikaw lang. Kaya 'yung mga takot ko, kaya kong harapin. Kaya kong tanggapin 'yung nangyari noon kasi nandito ka na ulit. Hawak mo na ulit 'yung kamay ko.

Itataas ni Dionysus ang kamay ni Ariadne na hawak niya para halikan. May luha sa mga mata ni Ariadne na hindi na niya sinubukang itago. Dahil alam niyang wala na siyang kailangan itago pa. She can bear her soul tonight because she is with the right person.

ARIADNE
Sa'yo ko unang naramdaman 'yung sinseridad ng mga salita. Ikaw ang nagturo sa akin kung paano ko dapat pahalagahan ang sarili ko. Pinaalala mo sa akin 'yung halaga na kinalamutan ko. Ikaw 'yung naglagay ng totoong ngiti sa mga labi ko noong akala ko, ayos na kaunting kaligayahan.

ARIADNE
Sobra-sobra 'yung ibinigay mo sa akin, Dion. No'ng nawala ka sa akin, do'n ako totoong nawala rin. Nagsimula akong hanapin 'yung direksyon ko. Na nakita ko lang ulit no'ng bumalik ka.

ARIADNE
Ang totoo, ikaw 'yung nagturo sa akin kung paano maging matapang. Kasi hindi lang ikaw ang nahanap ko, pati sarili ko. Na kaya kitang ilaban ngayon kasi tinuruan mo ako paano ko dapat ilaban 'yung sarili ko.

Hihinto silang maglakad. Pupunasan ni Dionysus ang mga luha sa pisngi niya at yayakap si Ariadne sa kanya. Mahigpit, para alam niyang totoo na nandito na sila ulit. Na pwede na silang maging masaya.

DIONYSUS
Pinapatawad na kita at ang sarili ko.

ARIADNE
Ako rin, Dion. Pinapatawad na kita at ang sarili ko.

DIONYSUS
Pinapalaya ko na rito ang mga bubog ko.

ARIADNE
Pinapalaya ko na rito ang mga pagsisisi sa sakit na idinulot ko sa'yo.

DIONYSUS
Dito tayo magsisimula ulit.

ARIADNE
Mabagal o mabilis, magsisimula na tayo ulit.

They both smile as they continue to walk with just the two of them, with their heavy hearts finally forgiven and free. With their newfound bravery.

Finally, the world is quiet. Because they decided not to listen to anyone... but only with their hearts.

Only OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon