CXLIII.

308 14 0
                                    

Ninang Circe (Manager)

01:05 pm
ARIADNE, NAGLALANDIAN NA NAMAN BA KAYO NUNG RACER NA NABANGGA MO DATI? AT KABIT KA NA NGAYON!?

01:08 pm
Of course not, Ninang!

01:10 pm
EH ANO 'YONG NASA GOSSIP SITES!? AT NASA TABLOIDS DIN KAYO. NASA BLIND ITEM KA PA PALA KAHAPON!

01:12 pm
I have no idea, Ninang. Hindi naman si Dion and Nikaia eh. Paano ako magiging kabit?

01:14 pm
Well, the rumors are saying otherwise! Ang mommy at daddy mo, nagagalit! Dapat daw talaga, sumama ka na sa mommy mo no'ng sumunod siya sa daddy mo last month sa Australia kaysa iniwan ka rito sa akin at pinagtuloy ka pa sa pag-mo-modelo!

01:17 pm
Ako naman ang may gusto nito, Ninang. Tsaka inaalagaan mo naman ako kaya hindi mo rin naman kasalanan. Isa pa, hindi naman po totoo 'yon.

01:20 pm
Ang daddy mo galit na galit, dignidad mo na raw ang sinisiraan! Tumawag na ako ng abogado. Lintik na Gossip Network 'yan! Mahilig magsimula ng mga issues!

01:21 pm
Ninang, chill! Sanay naman ako sa rumors. I also turned off the comment and reply sections on my accounts para lesser stress.

01:25 pm
Sanay ka sa rumors pero first time kang naging laman ng chismis as "the other girl"!

01:27 pm
Ano ba kayo nitong si Dionysus?

01:29 pm
Uhm, flirting?

01:30 pm
Mana sa ninang? 😂

01:31 pm
NUKNUKAN KANG BATA KA! PASALAMAT KA!

01:33 pm
Alam mong hindi ka namin pinapakialam sa mga ganyan mo, Aria. Date whoever you want! Pero ibang usapan na 'to. Sinisira ka na ng mga chismis na 'yan.

01:35 pm
At bakit naman kasi hindi na lang itanggi ng kampo ni Nikaia kung hindi naman pala totoo? Ang tagal na nilang pinipiga niyang chismis na 'yan dahil maraming may gusto do'n sa dalawa.

01:35 pm
Hayaan mo na, Ninang.

01:40 pm
Eh si Dionysus? Hindi ka ipagtatanggol? Hanggang do'n lang ba ang kaya niya? To flirt with you?

01:42 pm
No. But that is between us because he doesn't need to prove anything to the world.

01:45 pm
They can have all the rumors, the favors. Pero kamay ko na ulit ang hawak niya.

01:48 pm
Ako lang, hindi naging sa iba.

01:48 pm
Ito 'yung pinanghahawakan ko kaya okay lang ako. 🙂

Only OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon