LXXXIX.

240 12 11
                                    

INT. ARIADNE'S UNIT — MIDNIGHT

Ariadne is sitting on the floor of her small balcony. She's drunk with her head leaning on Millie's shoulder.

ARIADNE
Dare niyo ko!

LAUREN
Ng ano?

ARIADNE
Tawagan ko 'yung biggest regret ko!

Tatawa si Ariadne at mag-uumpisang pumindot sa phone. She searches 'Dionysus Corpuz' from her contacts before Violet steals the phone away from her.

VIOLET
Bobo ka? 'Pag lasing, lasing lang!
No drunk texts or calls!

Muling tatawa si Ariadne. Tatawa hanggang sa may tumulong luha na sa pisngi. Magtitinginan ang tatlo niyang kaibigan, para siyang nababaliw.

ARIADNE
Bobo naman talaga ako. Bobo ako kasi nagpahabol ako, tapos bibigyan ko ng chance, tapos kay Theo pa rin ako bumalik. Bobo ako eh. Ako dapat ang nasa Pampanga ngayon. Ako sana 'yung kasama na kumain sa labas. That should be me.

Susubukan niyang ngumiti. Magpupunas ng luha pero tuluy-tuloy pa rin ang pag-agos nito. Maiinis siya kasi ayaw matapos ng mga luha niya. Ni hindi niya alam kung bakit nga ba siya umiiyak? Siya unang naging masaya. Siya ang namili.

ARIADNE
Nikaia's probably a rebound, 'no?

LAUREN
Sabi ni Sil, friends lang naman daw sila ni Dion.

ARIADNE
May friends bang laging magkasama!?

VIOLET
Ano naman sa'yo, mami!? Akala ko ba ayaw mong pagsisihan 'yang mga desisyon mo!

ARIADNE
Galit ako kasi pinalitan ako agad!

VIOLET
Teh, 'wag kang selfish! Ano 'yon, gusto mo ikaw masaya tapos si Dion magmukmok dahil hindi mo siya pinili? Karapatan niyang sumaya!

ARIADNE
Eh bakit hindi sa akin!?

Violet impatiently looks at her, tangang-tanga sa kanya. Pero naunahan siya ni Millie na magsalita.

MILLIE
'Cause you made a choice and it's not him.

ARIADNE
Then let me call him nga!

MILLIE
Ano'ng sasabihin mo?

ARIADNE
I'll apologize! Sasabihin ko kailangan ko siya!

LAUREN
Bakit mo siya kailangan?

ARIADNE
Hindi ko alam!

VIOLET
'Wag mong tawagan! Kupal ka! Babaliwin mo na naman tapos ano? Bukas 'pag nahimasmasan ka, hindi mo naman kayang panindigan!

ARIADNE
Akin na sabi phone ko!

Makikipag-agawan siya ng phone kay Violet. Violet tries to stop her but Ariadne pushed her so she shoved the phone on her hand.

VIOLET
'Yan na! Sige! Tawagan mo! 'Wag mo kaming sisihin sa katangahan mo!

Ariadne desperately dials Dion's phone number. She puts it on a loud speaker so her friends could hear the ringing before he finally picks up.

DIONYSUS
Hello?

Ariadne froze. She was sure that she dialed his number but why is she hearing a girl's voice on the other end? And she knew that voice. Sana lang mali siya.

ARIADNE
H-hello?

DIONYSUS
Hi! This is Nikaia. Sorry, naiwan ni Dion phone niya sa hotel ko. But I guess you can leave a message then I can relay it to him tomorrow 'pag kasama ko na siya?

Ariadne remains quiet. Tears start to form in her eyes once more. She heard Nikaia asking if there is still someone on the line before she ends the call.

Maaawang babaling sa kanya ang tatlong kaibigan. Violet takes the phone away from her hand and hugs her. Lauren and Millie also embraced her.

VIOLET
Hindi ka kasi marunong makinig.

MILLIE
Mami...

LAUREN
Huli na 'yan, Aria.

ARIADNE
Hindi na ba talaga pwede?

VIOLET
Hindi na kasi huli ka na.

Ariadne bows her head in defeat. Tonight, losing Dionysus echoed the loudest in her heart, with an understanding that whatever they both felt, already ended even before it started.

Only OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon