Special Chapter - VII.

378 9 1
                                        

EXT. CIRCUIT — AFTERNOON

Ariadne tightens her grip on the rosary that she is holding. Kinakabahan at natatakot pa rin siya kahit ilang beses na niyang napanuod ang mga karera ni Dionysus.

Ayaw na nga sana niya dahil hindi siya mapalagay sa tuwing pinapanuod ito pero gusto niya rin namang sumuporta sa pangarap nito. Kaya kahit may kaba at takot sa puso niya na baka mapano ito, titiisin niya para rito. At hindi siya magsasawang sumuporta rito habang ipinagdadasal ang kaligtasan nito.

ARIADNE
What's happening?

Lalo niyang idiniin ang pagkakapikit ng mga mata niya. Naririnig niya ang sigaw ng mga tao at ang pangalan ni Dionysus pero ayaw niyang tumingin.

Palagi naman siyang ganito sa mga karera nito pero iba ang nararamdaman niyang takot at kaba ngayon. Sigurado siyang magpapakitang-gilas ang boyfriend niya dahil debut season nito ngayon sa single-seater career niya na baka ikapahamak pa nito.

NIKAIA
ARIA, SI DION!

VIOLET
OH NO! DION!

ARIADNE
Ano'ng nangyayari!?

PAN
Dion's car is on fire!

ARIADNE
NO!

Agad na idinilat ni Ariadne ang mga mata niya at nakita niya ang pagbuga ng apoy mula sa likod ng sasakyan ni Dionysus. Nanlamig siya. This is like his first international race all over again, pero nakikita niya ngayon na nahihirapan ang boyfriend niya na alisin ang seatbelt nito. He's stuck.

ARIADNE
No...

She watches as he struggles to get out from his single-seater car. Gusto niyang tumakbo papunta rito pero hindi niya maigalaw ang mga paa niya. Hindi siya makagalaw habang palaki nang palaki ang apoy.

Napapikit siya at huminga nang malalim bago siya tuluyang nakagalaw. Tinakbo niya mula sa bleachers pababa sa fence na humaharang mula sa audience at race track. Nakiusap siya sa mga staffs na papasukin siya sa track para tulungan ang boyfriend niya pero ayaw siyang payagan dahil tuloy pa rin ang karera para sa ibang sasakyan.

Iyak siya nang iyak habang nagpupumilit lapitan si Dionysus na ngayon ay tinutulungan na ng iba pang staffs. Malabo na ang paningin niya dahil sa mga luha kaya hindi niya makita kung maayos ba itong nakalabas sa sasakyan o kung nakalabas pa ba ito.

Napaupo siya at napahawak sa magkabilang tainga niya nang marinig ang singhap ng mga nanunuod. She felt helpless. Ayaw na rin niyang manuod dahil pakiramdam niya ay mas nadudurog siya na wala siyang magawa habang nasa delikadong lagay ang kasintahan.

DIONYSUS
Hey...

Nag-angat si Ariadne ng tingin nang marinig niya ang boses na 'yon. She knows it's his. Nakalahad ang mga kamay nito sa harap niya at sabay niya itong inabot bago siya nito tinulungang tumayo. Nakita niya ang mga minor burns nito sa kamay at sa likod kaya muli siyang umiyak bago niya ito niyakap nang mahigpit.

ARIADNE
You're an asshole...

DIONYSUS
'Di ba sabi ko sa'yo, pikit ka lang kapag natakot ka? Para 'pag dilat mo, nasa harap mo na ako.

DIONYSUS
I'm here now, babe.

ARIADNE
But you're hurt! You promis—

Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil agad siyang hinalikan ni Dionysus sa mga labi niya. It was a short kiss before he planted another one on her forehead.

ARIADNE
What was that?

DIONYSUS
You asked me to be safe and I am now. So I'm claiming my reward.

ARIADNE
Reward? But you wanted to win this. You wanted the trophy.

DIONYSUS
I'll let you in on a secret, Aria.

Ngumiti ito sa kanya bago yumuko at inilapit ang mga labi sa tainga niya.

DIONYSUS
I've already won when you gave me your heart.

DIONYSUS
Panalo na ako no'ng pinili mo ako'ng ipanalo. At hinding-hindi ako matatalo hanggang pinipili mo ako. Hanggang pinipili mo 'yong tayo. Hanggang mahal mo ako.

He gently wipes her cheeks before he pulls her again into his arms.

DIONYSUS
Sorry, natakot ka na naman.

ARIADNE
'Wag mo nang uulitin 'yon! Ayoko na! Hindi na ako manunuod. Huli na 'to!

She hears his chuckle before she buries her face on his shoulder. Mas humigpit ang yakap niya rito bago niya hinampas ang braso nito.

ARIADNE
I'm serious, okay!?

DIONYSUS
I know you don't mean that, babe. Manunuod ka pa rin. Hindi mo ako matitiis.

ARIADNE
I know! Halika na nga lang, ipagamot na natin 'yang kamay at likod mo. Hindi ka muna nagpa-check bago ka dumiretso sa akin. Ang tigas talaga ng ulo mo.

DIONYSUS
You'll always come first. Nag-i-isa ka, 'di ba?

ARIADNE
Nag-i-isa ka rin sa akin, okay? Kaya ingatan mo 'yung sarili mo. Hindi kita kayang palitan. Hindi kita mapapalitan.

He nods in understanding before giving her a quick peck on her lips again. She takes his hand and calls the first aid staffs so they can attend to his burns.

Dionysus keeps smiling despite the physical pain. He knows that as long as Ariadne is beside him, he will be okay.

They will be.

Only OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon